213 total views
Patuloy at pagpapanatiling buhay si Hesus sa bawat puso ng mga Katekista.
Ito ang mensahe ni Pope Francis sa mga Katekista na dumalo sa International Congress on Catechesis na may temang ‘The Catechist: Witness to the Mystery’ noong Setyembre.
Ayon kay San Jose Bishop Roberto Mallari na kabilang sa 62 delegado ng Pilipinas sa Roma sa mensahe ni Pope Francis na ito ay maipasa sa mga kabataan na kanilang tinuturuan.
“Yung pananampalataya natin sa ginagawa nating pag-darasal individually saka yung sa community yung mga Worship celebration natin yung Misa and it should challenge us to live the faith. So, dapat mag kakasabay yun eh yung pananampalataya yung pagdarasal atsaka yung pagsasabuhay ng pananampalataya yun bang nag tutulungan ito yung pananampalataya natin nagiging malalim,” ayon kay Bishop Mallari.
Dagdag pa ni Bishop Mallari na siya ring Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na isang hamon sa mga katekista na isabuhay ang pananampalataya hindi lamang sa pagdarasal.
Ito ayon sa Obispo ang siyang pinaka-epektibong pagtuturo sa kabataan ang pagpapakita ng mabuting halimbawa.
Sinabi rin ng Obispo na mahalagang bigyang kaalaman ang mga Filipino lalu na yaong
Una na ring inihayag ng Obispo na ang pagtitipon ay makatutulong sa pagpapa-igting sa pagtuturo ng katesismo sa kabataan maging ang pagtalakay sa mga suliranin kinakaharap ng mga katekista.
Base sa tala, higit lamang sa 25 libo ang bilang ng mga katekista sa buong bansa.