Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Induction of officers of the Association Of St. John Marie Vianney

SHARE THE TRUTH

 184 total views

His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle
Induction of officers of the Association
Of St. John Marie Vianney
November 4, 2018
Homily

Welcome po dito sa ating Chapel dito sa Arsobispado at maraming salamat po sa inyo kay Father Benjie, sa pag aayos po ng misang ito, kayo po na bumubuo ng Saint John Marie Vianney Association, ano po?, salamat po sa inyong paglilingkod sa simbahan at pasalamat tayo sa Diyos, sa ating Patron na si Saint John Marie Vianney.

Maganda po ang mga pagbasa natin at tinatali ng iisang-isang tema, ibig ko hong simulan dito sa unang pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio. Sabi po ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises: “Hear them Israel and be careful to observe my statutes and commandments and thus have a long life. Hear Israel, be careful to observe them that you may grow and prosper the more.” Nagpahayag ang Panginoon ng kanyang utos, ‘no ho? ‘Yan pa naman ang ayaw ng mundo eh, yong inuutusan.. Kaya siguro maraming galit sa Diyos eh, kasi utos eh, kayo ‘pag inutusan ng mister nyo, masaya ba kayo? Hindi! (Laughter). Mga mister pag-inutusan ba kayo ng mga misis n’yo, kayo ba’y naglululundag sa kaligayahan? Hindi! naghahanap ng pamamaraan para makaiwas, akala nyo yong mag anak n’yo tuwang-tuwa kapag inuutusan, gusto lang yan ng allowance, (laughter) kaya sumusunod. Allergic ang mundo sa utos-commandment, pero ewan ko kung bakit patu-patuloy pa rin ang utos nang utos, alam naman nating lahat hindi masaya sa utos.

Pero iba ang utos ng Panginoon, ano yong kanyang utos? Mahalin mo ang Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa, nang buo mong lakas. Ibang utos ito, hindi ito utos ng isang amo na nagmamataas at ibinibigay sa isang alipin. Ito ay tungkol sa pag-ibig, iibigin ang Diyos nang buong pagkatao ko, dahil s’ya naman ang nagbigay ng lahat-lahat sa akin. Marapat lamang na ibigin ang Diyos ng buong-buo dahil ibinigay naman ng Diyos ng buong-buo ang lahat ng mayroon tayo at ang pangako ng Diyos kay Moises ay kapag sinunod natin ang utos ng pag-ibig, mabubuhay ka. Ang utos ng pag-ibig nagbibigay buhay. Kapag ang utos hindi tungkol sa pag-ibig, nakamamatay yan. Kapag ang utos hindi nagmula sa pag-ibig at malasakit –patay! Kamatayan ang dulot n’yan. Nakakapagtaka, ‘yon ang mga utos na sinusunod, pero ‘yong utos ng pag-ibig na nagbibigay buhay, ‘yan minsan ang tinatakasan.

Sabi ng Diyos at kay Moises sa bayang Israel at hanggang ngayon sinasabi sa atin yan, kung ibig nating sumagana ang buhay, isa lamang ang utos na susundan – pagmamahal na buong-buo para sa Diyos at sa Ebanghelyo si Hesus, kinumpleto pa yan, hindi lang daw pag-ibig sa Diyos na buong-buo kun’di sabayan, pag-ibig sa kapwa tulad ng pagmamahal ko sa sarili at sabi nya na andyan ang kabuoan ng utos ng Diyos.

So ang utos ng Diyos, hindi talaga utos eh, ito ay paglalabas talaga ng laman ng puso, eh ang laman ng puso no’ng tayo’y nilalang Diyos ay pag-ibig at ito ay ipapakita sa Diyos at sa kapwa para tunay na mabuhay at sumagana. Lahat naman po tayo ibig lumago ang buhay at sumagana, kung anu-ano ang mga ginagawa nating mga pamamaraan. Tumataya sa Sweepstakes, tumataya sa Lotto, para gumanda ang buhay no? Yung iba kung anu-anong vitamins ang iniinom, ‘pag may narinig na ganito. “Oy! Inom tayo nyan, hahaba raw ang buhay!” ‘yung iba, talagang nag Zuzumba no? Kung anu-ano, para raw sumagana ang buhay, hindi naman masasama siguro lahat yon, kailangan naman natin ng tamang pagkain, tamang exercise, tamang pag-iiisip, pero ‘pag wala ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa hindi ka tunay na buhay. Ano lang yan, parang huwad na buhay, sa bandang huli, sa bandang huli ang buhay natin ay natatagpuan sa pag-ibig at kung ikaw ay umiibig buhay na buhay ka, kapag napansin n’yo na ang inyong anak at apo ay parang buhay na buhay, excited na excited! Masayang-masaya, baka in love! Kapag ang mister n’yo uuwi, excited an excited naku po! baka in love! Sana sa inyo (laughter) bakit po ganon, ano ho?

Kapag nagmamahal talagang buhay, may energy pero kapag ikaw ay nagmamahal, ikaw rin handang mamatay. Ang tunay nagmamahal, hindi sarili ang inuuna, mamamatay ka sa sarili, mamahalin mo ng buo ang Diyos at ang kapwa pero kung kelan ka namatay sa sarili, doon ka buhay na buhay. Kaya ang daan ng buhay ay pag-ibig. Pero para maabot ang buhay na yon dapat handang mamatay sa sarili, katulad ng Panginoong Hesukristo sa ikalawang pagbasa. Sya ay nag-alay ng buhay dala ng pag-ibig hanggang kamatayan, subalit s’ya naman ngayon ay buhay magpakailanman. At yan ang pangarap natin-mabuhay sa pag-ibig, mamatay araw-araw upang mabuhay sa paghahari ng Diyos.

Kaya mag practice na po tayo, kung meron tayong kimkim sa kalooban na hindi pag-ibig, yan ang papatay sa atin. Kapag binigyan natin ng puwang ang poot, ang paghihiganti, ang galit, lahat ng yan at pinalago yan sa halip na pag-ibig ang palaguin, wala, hindi tayo mabubuhay ng matiwasay, at kung tayo po ay mag uutos sa iba, sana laging utos ng pag-ibig, upang pag ginawa nila, ‘yon ay magtataguyod ng buhay. At sana itigil na sa ating lipunan, itigil na sa ating mga kapitbahayan at ating barangay at kalye yong mga utos na hindi naman galing sa pag-ibig, kasi ‘yan ang mga utos ng pagpatay. kahit hindi natin sinasabi, kapag hindi galing sa pag-ibig, malamang, papatay. Pag naglalaba kayo, pag ibig dapat, kung hindi masisira ang damit (laugher). Pag nagluluto kayo dapat pag-ibig, hindi yong luto na lang… (laughter) aba.. maiimpacho ang kakainin nyan (laughter) pinapatay nyo agad, sa halip na magbigay buhay ang pagkain.

At ganyan si Saint John Marie Vianney, kaya nga siguro sya itinatalaga bilang patron ng mga pari ay upang ipaalala sa mga pari at sa ating lahat na ang kahulugan lang naman talaga ng buhay ay umibig ka at magbigay buhay ka kahit don sa mga maliliit mong gampanin, basta punong-puno ng pag-ibig, sabi nila ang kakayanan ni St. John Marie Vianney hindi naman ganoon kalaki kung ikukumpara sa talino at galing n’ong iba, n’ong panahon na yon, pero hindi naman ‘yon ang sinusukat ng Diyos eh, ang sinusukat ay ang kanyang pag-ibig, ang kanyang maliit na kakayanan ay inialay n’ya ng buong-buong pagmamahal sa Diyos at sa kapwa, pati ang kan’yang boses na halos hindi na raw marinig dahil sya ay nangangaral ng nangangaral, pero hindi na bale, kahit hindi s’ya naririnig, nakikita ng mga tao kung ga’no sya nagmahal at ‘yon na ang kanyang Katesismo, hindi na salita, kundi buhay na pag-ibig at paala-ala na lahat ng naglilingkod lalo na kaming mga pari, sabi nga ni St. Augustine ang buhay ng pari ay “Amoris Officium”, ibig sabihin tungkulin ng pag-ibig.

Sabi nga ni San Pablo sa sulat n’ya sa mga taga Corinto, magaling ka mang magsalita kung wala ka mang pag-ibig, maingay ka lang na pompyang, may pananampalataya ka nga na mapapalipat mo ang mga bundok sa ibang ano, pero kung wala kang pag-ibig, nagyayabang ka lang, ‘pag walang pag-ibig, pati yong mga talento natin, magagamit para sa kamatayan, sa halip na buhay.

At ito po ang ating panalangin, kasi taglay natin ang pangalan ni St. John Marie Vianney, sa ating asosasyon, so sana po makita sa atin ang lalim, ang laki, ang tayog ng pag-ibig ni St. John Marie Vianney at yan din po ang isang pinakamabisa na pamamaraan upang makahikayat tayo ng mga, lalo na kabataan para isipin nila, ano nga ba ang kahulugan ng buhay? ‘Yon naman ang ibig sabihin ng bokasyon eh. Ang tawag ng Diyos sa atin ay mabuhay ka sa pag-ibig, ‘yon ang fundamental na tawag para sa ating lahat, Mabuhay ka! Kaya tayo nilalang ang ating basic na bokasyon ay mabuhay bilang tao, pero papano nga ba magiging tunay na tao, buhay na tao, pag-ibig.

Ngayon, ‘yan ang pundasyon at mula d’yan, matuklasan sana kung papaano gusto ng Diyos isabuhay ko ang pag-ibig na ‘yan. Kayo karamihan siguro sa inyo, natuklasan na tinawagan kayo ng Diyos, isabuhay ang pag-ibig sa buhay mag-asawa, sa pag-aasawa yan bokasyon ninyo. ‘Yong iba, tinatawag na isabuhay ng buong-buo ang kanilang pag-ibig sa pagiging pari, ‘yong iba tinatawagan na maging buhay na buhay sa pag-ibig sa pananatiling single pero naglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Pero ang pundasyon d’yan ay pag-ibig. Gusto kong ialay ang buhay ko ng buong pag-ibig at kung anuman ang ituro sa akin ng Diyos na daan, isasabuhay ko yan nang buong-buong pag-ibig. (laughter) Hindi ho sapat na, “oh, mag Pari ka ha?! mag Pari ka! mag pari ka!” Hindi ho eh kailangan mabuhay sa puso ng bawat isa ang pinaka pundamental na bokasyon, handa ka bang mabuhay ng nagmamahal? At yon ang dadalhin mo sa iba’t-ibang larangan ng buhay; sa pag-aasawa, sa pagpapari, sa pag mamadre, sa pagiging pulitiko, sa pagiging teacher, sa pagiging tindera, sa paging driver, sa pagiging pulis, gaganda ang buhay, kasi lahat buhay sa pag-ibig.

Para po tayo maka recruit, sana makita sa atin, mga taong nagmamahal, kasi hindi ma-aatract ‘yong mag kabataan sa atin kung nakikita ay “ano eh?! Aburido, matatapang, matataray (laughter) yong ganon, hindi ba na aatract ay gusto kong magmahal, gusto kong mabuhay no? parang yong iba, “ayaw kong sumunod dyan! Tingnan mo naman ang mukha!” (laughter) Sabi nga po ni Pope Benedict at Pope Francis, ang bokasyon, hindi pinipilit, yan ay ina-attract, attraction po yan, hindi yan pinagtatalunan, ang pananampalataya, hindi mo yan dine-debate, kun’di ina-attract, ipakita mo ang kagandahan ng pananampalataya, kahit hindi ka maki debate yung kagandahan na pinakita mo, yan ang pag-aatract. Yan ho bigla kayong mga nag mukhang attractive! (laughter)

So Maraming Salamat po sa inyong ano ho.. napakaganda po ito na hindi lamang po para sa pagpapari kundi matulungan ninyo ang napakaraming kabataan na naghahanap, saan ba ang buhay ko? Hindi lang ho sa pag papari, saan ba ako dinadala ng Diyos? Sana po ang St John Marie Vianney Association, bagama’t nakatutok sa pagtulong sa mga may bokasyon sa pagpapari, sana po alalahanin nyo rin po, matulungan yong iba na mahanap ang bokasyon nila sa buhay, saan sila dinadala ng Diyos, para magmahal at maging buhay na buhay. Huling pakiusap ho para sana maka attract kayo ng marami-rami pa pong kalalakihan sa members ng inyong asosasyon. Bagamat malaki naman talaga ang papel ng mga nanay sa pagpapari ng mga anak sana ma encourage din natin ang mga ama, ang mga lolo, ang mga tiyo na makilahok sa pag gabay para sa bokasyon ng kanilang mga anak at mga pamangkin at mga iba pang kabataan.

So tayo po’y tumahimik sandali at atin pong tanggapin ang salita ng Diyos nag-aanyaya sa atin, mahalin mo ang Diyos at kapwa at ikaw ay mabubuhay.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 38,848 total views

 38,848 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 53,504 total views

 53,504 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 63,619 total views

 63,619 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 73,196 total views

 73,196 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 93,185 total views

 93,185 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 6,953 total views

 6,953 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 6,952 total views

 6,952 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 6,910 total views

 6,910 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 6,922 total views

 6,922 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 6,963 total views

 6,963 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 6,920 total views

 6,920 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 7,006 total views

 7,006 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 6,890 total views

 6,890 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 6,884 total views

 6,884 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 6,957 total views

 6,957 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 7,102 total views

 7,102 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 6,937 total views

 6,937 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 6,985 total views

 6,985 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 6,945 total views

 6,945 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 6,903 total views

 6,903 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top