Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sinong magtatanggol sa mga manananggol?

SHARE THE TRUTH

 336 total views

Mga Kapanalig, sinong magtatanggol sa mga manananggol kung sila na ang biktima ng paglabag sa karapatang pantao?

Ito ang tanong ng grupong National Union of People’s Lawyers o NUPL matapos ang pagpaslang sa kanilang founding member na si Atty. Benjamin “Ben” Ramos. Kilala si Atty. Ramos bilang human rights lawyer na tumutulong sa mga magsasaka, environmentalists, at mga aktibista. Takbuhan siya ng mga maralitang kliyente kaya tinagurian siyang “go-to pro-bono” na abogado.

Maraming tinitingnang anggulo sa pagpaslang kay Atty. Ramos. Nariyan ang posibilidad na may kaugnayan ang pagpatay sa kanya sa kontrobersiyal na kaso ng “Mabinay 6” o ang anim na kabataang aktibistang dinakip noong Marso sa Mabinay, Negros Occidental, matapos nilang pagbabarilin diumano ang ilang sundalo.

Tinitingnan din kung konektado ang krimen sa pagkakasama ni Atty. Ramos sa poster na inilabas noong Abril ng lokal na pulisya sa Negros Occidental. Nakalagay sa poster ang mga larawan at pangalan ng mga sinasabing miyembro ng armadong kilusan, bagay na inalmahan noon ng mga militanteng grupo dahil nagsilbi raw iyong hit list o listahan ng mga itutumbang kalaban ng pamahalaan.

Posible ring nag-ugat ang pagpaslang kay Atty. Ramos sa pagtulong niya sa mga biktima ng tinaguriang Sagay massacre. Sa massacre na iyon, siyam na manggagawa sa isang tubuhan sa Sagay, Negros Occidental ang pinagbabaril ng mga hindi pa rin nakikilalang suspek. Kilaláng malapit sa mga magsasaka si Atty. Ramos, at isa siya sa mga nagtatag ng Paghiliusa Development Group, isang samahan ng mga magsasaka at sakada sa Negros Occidental.

Pang-tatlumpu’t apat na si Atty. Ramos sa listahan ng mga pinaslang mula sa legal na propesyon simula nang mag-umpisa ang administrasyong Duterte. Pang-dalawampu’t apat na siya sa mga abogadong pinatay. Karagdagan siya sa hindi na halos mabilang na biktima ng pagpatay sa ilalim ng administrasyong Duterte, at ang pinakamarami nga sa kanila ay ang mga napapatay bunsod ng “war on drugs” ng pamahalaan.

Tumatangis ang langit sa nagpapatuloy na kultura ng karahasan sa ating bayan at sa dumaraming bilang ng mga kaso ng patayang yumuyurak sa dignidad at karapatang mabuhay ng mga biktima. Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan na magiging ganap na makatarungan lamang ang isang lipunan kung iginagalang ng mga kasapi nito ang dignidad ng tao. Nagpapanggap lamang na makatarungan ang isang lipunang hinahayaang mamayani ang karahasan at pinapalakpakan ang pagdanak ng dugo.

Ayon kay Pope Leo XIII sa Rerum Novarum, “…no man may with impunity violate that human dignity which God himself treats with great reverence.” Dapat papanagutin ang sinumang lumalabag sa dignidad ng kanyang kapwa, sa dignidad na ikinararangal mismo ng Diyos. Kaya’t bilang mga Kristiyano, tungkulin nating manindigan para sa dignidad ng tao at manindigan laban sa walang saysay na pagpatay sa ating paligid.

Ang nakalulungkot, maging ang mga taong katulad ni Atty. Ramos na bagama’t hindi perpekto ay naging tapat sa tungkuling ipagtanggol ang dignidad at karapatan lalo na ng mga maliliit sa lipunan. Marahil para sa ilan, karagdagan lamang siya sa napakarami nang pinapatay sa ating bansa. Ngunit para sa mga magsasaka, environmentalists, at mga aktibistang kanyang tinulungan at para sa mga kasamahan niya sa larangan ng pagtatanggol sa karapatang pantao, isa siyang malaking kawalan.

Mga Kapanalig, huwag nating hayaang magpatuloy ang pagdanak ng dugo sa ating bayan. Totoong malalakas at matataas na tao ang nasa likod ng mga pagpatay, ngunit hindi tayo dapat tumiklop sa takot. Nawa’y magsilbing inspirasyon sa atin ang katapangan ni Atty. Ramos at ng iba pang abogado na pinaslang dala ng kanilang propesyon, ng kanilang misyong manindigan para sa dignidad ng tao. Sa mga panahong sila ang nangangailangan ng mga manananggol, nawa’y maging tagapagtanggol din nila tayo.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 40,649 total views

 40,649 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 55,305 total views

 55,305 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 65,420 total views

 65,420 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 74,997 total views

 74,997 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 94,986 total views

 94,986 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 40,650 total views

 40,650 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 55,306 total views

 55,306 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 65,421 total views

 65,421 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 74,998 total views

 74,998 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 94,987 total views

 94,987 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,583 total views

 49,583 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,608 total views

 44,608 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 48,177 total views

 48,177 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,632 total views

 60,632 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,699 total views

 71,699 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 78,018 total views

 78,018 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,626 total views

 82,626 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 84,186 total views

 84,186 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,747 total views

 49,747 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,734 total views

 69,734 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top