201 total views
Ito ang paanyaya ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle, sa pagdiriwang ng banal na misa sa San Carlos Seminary, Lay Formation Center, Guadalupe, Makati City noong ika-9 ng Nobyembre, para sa kapistahan ng Dedication of St. John Lateran Basilica sa Roma.
Sa kaniyang pagninilay ipinaliwanag ng Kardinal na nakikiisa ng Arkidiyosesis ng Maynila sa pagdiriwang ng kapistahan ng Katedral ng Roma upang ipakita ang pakikilahok nito sa natatanging misyon ng buong simbahang katolika.
Dagdag pa ni Cardinal Tagle, ang kapistahan ng Dedication of St. John Lateran Basilica ay nag-aanyaya sa bawat mananampalataya na pasukin ang templo ng Panginoon.
Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na hindi lamang pisikal na anyo ng isang templo o simbahan ang tinutukoy dito kun’di ang puso ni Hesus na siyang magpapanibago sa bawat isa.
“This is not just about a building. This is the temple of God and the beauty of our Christian faith and scriptures is that symbols are multi-layered. Symbols are open to a wealth of meaning and significance,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagale.
Dagdag pa ng Kardinal, ang mga bahay dalanginan ay nilikha upang pasukin ng mga mananampalataya, at sa pagpasok dito, ang bawat tao ay nakikipag isa sa puso at katawan ni Kristo bilang bahagi ng buhay na simbahang naglilingkod at nakapagpapabanal.
“We enter not just a building, we enter Jesus, we enter his heart. We are transformed as we enter Jesus, and we enter Jesus, we become his body and hopefully, as the body of Christ, the living community, many people will be sanctified. Many people will be able to render God fitting service.” dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Ang St. John Lateran Basilica ang pinaka mataas sa apat na Major Basilica na matatagpuan sa Roma.
Ito ang Katedral ng Diocese of Rome kung saan namumuno ang Santo Papa.
Tinatawag din ang Basilica na Church of Holy Savior o Church of St. John Baptist.
Samantala, kasabay ng paggunita sa Dedication of St. John Lateran Basilica, inalala din sa banal na misa ang mga kaluluwa ng mga namayapang obispo, pari, relihiyoso at relihiyosa na nag-alay ng buong pusong paglilingkod sa Arkidiyosesis ng Maynila.
Pagkatapos ng banal na misa ay binasbasan at inalayan ng panalangin ng Kardinal, ang puntod ng mga namayapang pari at obispo na nakahimlay sa San Carlos Seminary.
Kasama ni Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng banal na misa at pagbabasbas sa mga puntod si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity at mga pari, relihiyoso at relihiyosa ng Arkidiyosesis.