168 total views
Ang kaluluwa ng bawat nilalang ang mas mahalagang tropeyo na nais ng Panginoon na pagsumikapang makamit ng kanyang mga lingkod na Pari at mga relihiyoso.
Ito ang pagninilay ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa pagtatapos ng taunang Parilympics na pagtitipon ng mga pari sa larangan ng pampalakasan.
Ayon sa Obispo, isang magandang pagkakataon ang Parilympics upang magkaisa at magsama-sama ang mga Pari at mga relihiyoso mula sa iba’t ibang Diyosesis, Arkidiyosesis at Kongregasyon bilang isang sambayanang nabubuklod ng Panginoon.
Gayunpaman, umaasa ang Obispo na magsilbing hamon ang Parilympics upang patuloy na magpursige ang mga Pari sa kanilang misyon na palaganapin ang Salita ng Diyos upang mailigtas, at mailapit ang kaluluwa ng bawat isa sa Panginoon na higit pa sa anumang uri ng tropeyo o medalyang pilak at ginto.
Iginiit ni Bishop Bacani na bukod sa kalakasang pampisikal ay mas kakailanganin ng mga lingkod ng Simbahan ang kalakasang pang-espirituwal upang mapagwagian ang mga kaluluwa ng bawat nilalang mula sa mas malalakas na kalaban na demonyo, kamunduhan, at makasalanang mga hilig.
“Ang mas mahalagang trophy na dapat na pagsikapang makuha ng bawat Pari at ng bawat Religious ay ang mga kaluluwa na mas maganda pa sa paningin ng Panginoon na dapat mas maganda pa sa ating paningin kaysa sa anumang tropeyong ginto, pilak o anumang medalya sapagkat yan ang talagang treasure ng Panginoon at dyan ang kalaban natin sabi ko nga hindi ang kapwa pari kundi ang demonyo, ang kamunduhan at ang mga masasamang hilig, mga makasalanang hilig ng ating sarili.” pahayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa panayam sa Radyo Veritas.
Itinuturing naman ni Rev. Fr. Tony Navarrete – isa sa mga punong abala sa Parilympics 2018 na tagumpay ang pagtitipon ng mga Pari mula sa iba’t ibang diyosesis at unang pagkikilahok ng isang kongregasyon sa Parilympics sa pagtatapos ng Year of the Clergy and Consecrated Person at paghahanda sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas.
Samantala, bagamat tinanghal na kampeon ngayong taon ay mas itinuturing namang panalo ng Order of Augustinian Recollects ang naging magandang pagkakataon na naipagkaloob ng Parilympics upang kanilang makasama at makilala ang iba pang mga Pari mula sa iba’t ibang diyosesis at arkideyosesis.
Ayon kay Rev. Fr. Manny Bolilia, OAR isang magandang karanasan ang naidulot ng Parilympics upang mapalapit ang kongregasyon sa iba pang mga Pari mula sa anim na kupunan mula sa iba’t ibang diyosesis.
“More than itong mga trophy na ito, more than kami ay nanalo ng championship it’s about na kami ay linggo linggong nagkakasama-sama, nagpapractice din kami, nakikipag-compete at nakikilala yung ibang mga members ng clergy ng iba’t bang diocese, siguro yun ang mas mataas na tagumpay ika nga kesa sa tropeyo, ito lang ay kumbaga ay secondary lamang pero mahalaga yung communion between the religious and the clergy, yung unity and fellowship…” Pagbabahagi ni Father Bolilia.
Sa kabuuan, anim na kupunan ang lumahok sa isinasagawang Parilympics ngayong taon, mula sa mga Diyosesis ng Imus, Antipolo, Malolos, Novaliches, Arkidiyosesis ng Maynila at sa unang pagkakataon ay ang Order of Agustinian Recollects na sila ring naging kampeon ng Paralympics ngayong taon.
PARILYMPICS 2018 List of Winners:
BOWLING-
2nd Runner Up – Order of Augustinian Recollects 1st Runner Up – Diocese of Novaliches
Champion – Archdiocese of Manila
BOWLING TOP SCORER -Fr. Benito Tuazon
TENNIS (DOUBLES)
2nd Runner Up – Archdiocese of Manila
1st Runner Up – Order of Augustinian Recollects Champion – Diocese of Novaliches
TENNIS (SINGLES)
2nd Runner Up – Fr. Gleen Ortega, OAR – Order of Augustinian Recollects
1st Runner Up – Fr. Anthony Olaguer – Archdiocese of Manila
Champion – Msgr. Romy Rañada- Diocese of Novaliches
BADMINTON (DOUBLES)
2nd Runner Up – Order of Augustinian Recollects 1st Runner Up – Archdiocese of Manila
Champion – Diocese of Antipolo
BADMINTON (SINGLES)
2nd Runner Up – Archdiocese of Manila
1st Runner Up – Order of Augustinian Recollects Champion – Diocese of Novaliches
BASKETBALL (3 on 3)
2nd Runner Up – Diocese of Antipolo / Diocese of Novaliches
1st Runner Up – Order of Augustinian Recollects Champion – Archdiocese of Manila
BASKETBALL Team
3rd Runner Up – Diocese of Imus
2nd Runner Up – Diocese of Malolos
1st Runner Up – Archdiocese of Manila
PARALYMPICS 2018 CHAMPION
Order of Augustinian Recollects