Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahang Katolika sa Pilipinas, mayroong 10 “sede vacante”, apat pang Obispo nakatakdang magretiro

SHARE THE TRUTH

 222 total views

Tinanggap ni Pope Francis ang maagang pagbibitiw sa tungkulin ni Bishop Edgardo Juanich ng Apostolic Vicariate ng Taytay at itinalaga si Fr. Reynante Aguanta bilang pansamantalang tagapangasiwa.

Ang 66 na taong gulang na si Bishop Juanich ay nagbitiw bunsod na rin ng kaniyang kalusugan.

Si Bishop Juanich ay isinilang noong April 29, 1952 na inordinahang pari noong 1976 at itinalagang Obispo ng Taytay Palawan noong 2002.

Siya ay nagsilbing pari sa loob ng 42 taon at nagsilbing Obispo ng Apostolic Vicariate ng Taytay sa loob ng 16 na taon.

Ang Apostolic Vicariate of Taytay ay binubuo ng 34 na mga pari na siyang nangangasiwa sa 22 parokya at higit sa 300 libong mga katoliko.

10 DIYOSESIS ‘sede vacante’

Bunsod nang maagang pagbibitiw ni Bishop Juanich, may sampung diyosesis na sa Pilipinas ang walang nangangasiwang Obispo.

Kabilang na dito ang Butuan makaraan ang pagkamatay ni Bishop Juan de Dios Pueblos noong October 2017; ang diyosesis ng Daet nang ilipat naman sa Archdiocese ng Lipa, Batangas ang ngayo’y si Archbishop Guilbert Garcera.

Nabakante rin ang diyosesis ng Iligan dahil sa pagkasawi ni Bishop Elenito Galido.

Ang diyosesis sa kasalukuyan ay pansamantalang pinangangasiwaan ni Bishop Severo Caemare na siya ring obispo ng Diyosesis ng Dipolog.

Ang Prelatura ng Isabela ay wala ring kasalukuyang Obispo nang italaga naman bilang arsobispo ng Ozamis si Archbishop Martin Jumoad; ang Vicariate ng Jolo Sulu nang ilipat si Bishop Angelito Lampon bilang arsobispo ng Cotabato makaraan ang pagreretiro ni Orlando Cardinal Quevedo.

Habang ang diyosesis ng Malolos ay kasalukuyang pinangangasiwaan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco dahil sa pagkamatay ni Bishop Jose Oliveros noong Mayo 2018.

Itinalaga rin bilang pansamantalang tagapangasiwa ng Military Ordinariate si Cebu auxiliary Bishop Oscar Jaime Florencio.

At ang San Jose de Antique ay wala ring Obispo makaraang italaga bilang arsobispo ng Jaro-Iloilo si Archbishop Jose Romeo Juanito Lazo kapalit ng nagretirong si Archbishop Angel Lagdameo.

Nasa ilalim rin ng pangangasiwa ng mga itinalagang postolic administrator ni Pope Francis ang Vicariate ng San Jose, Mindoro at Taytay.

Bishop Antonio, itinalagang obispo ng Ilagan

Itinalaga naman ng kaniyang kabanalan Francisco ang kasalukuyang Auxiliary Bishop ng Nueva Segovia na si Bishop David William Antonio bilang bagong Obispo ng Diyosesis ng Ilagan, Isabela.

Ito ay kasunod na rin ng pagbibitiw ni Bishop Joseph Nacua noong 2017 na nooy 72 taong gulang dahil na rin sa kanyang humihinang kalusugan.

Si Bishop Antonio ang ikalimang obispo ng Ilagan na siya ring kasalukuyan apostolic administrator ng San Jose Occidental Mindoro dahil sa pagreretiro ni Bishop Antonio Palang.

Si Bishop Antonio ay tubong Ilocos Sur at naordinahang pari sa Nueva Segovia noong 1988 at itinalagang Obispo taong 2011.

Siya ang kahuli-hulihang naitalaga ni Pope Benedict the 16th nang magbitiw ito bilang Santo Papa noong 2013.

Si Bishop Antonio rin ang kasalukuyang Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Vocations.

Ang diyosesis ng Ilagan, Isabela ay binubuo ng 55 mga pari at 39 na parokya.

Una ring itinalaga ng kanyang kabanalan Francisco bilang pansamantalang administrator ng Apostolic Vicariate of Calapan si Fr. Nestor Adalia, ang kasalukuyan Vicar general ng Calapan.

Ang kautusan ng Santo Papa ay isinapubliko noong Lunes, ika-13 ng Nobyemre.

Ang pagtatalaga kay Fr. Adalia ay bunsod na rin sa karamdaman ni Bishop Warlito Cajandig.

September 1 nang isugod sa pagamutan si Bishop Cajandig na sumailalim din sa ‘brain surgery’ sa Cardinal Santos Hospital sa Maynila.

Ang 74 na taong gulang na Obispo ay higit nang tatlong dekadang naglilingkod na obispo ng Apostolic Vicariate ng Calapan na itinalaga noong 1989.

Patuloy naman ang panawagan ng panalangin ng simbahan para sa mabilis na paggaling ni Bishop Cajandig.

Ang Apostolic Vicariate of Calapan ay binubuo ng higit sa walong daang libong mga katoliko na may dalawamput tatlong parokya na pinangangasiwaan ng limamput siyam na mga pari.

Apat pang obispo nasa edad na 75

Base sa Radio Veritas News and Research Team, may lima pang Obispo mula sa 86 na diyosesis sa buong bansa ang nasa 75 na taong gulang.

Kabilang na dito si Novaliches Bishop Antonio Tobias, 77; Pagadian Bishop Emmanuel Cabajar, 76; Tuguegarao Archbishop Sergio Utleg, 75 at Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma,75.

Nakasaad sa Canon law ang pagtatakda ng ‘mandatory retirement age 75’.

Sa kabila nito, nakadepende pa rin sa Santo Papa kung tatanggapin o palalawigin ang kanilang panunungkulan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 15,820 total views

 15,820 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,476 total views

 30,476 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,591 total views

 40,591 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 50,168 total views

 50,168 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,157 total views

 70,157 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 9,250 total views

 9,250 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 14,338 total views

 14,338 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 16,084 total views

 16,084 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

‘Papal award’ igagawad kay Ret. CJ Panganiban

 20,361 total views

 20,361 total views Pangungunahan ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng ‘papal award’ kay retired Supreme Court Chief Justice Artemio V. Panganiban. Si Panganiban ay ang kasalukuyang Pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation. Ang Pro Ecclesia et Pontifice ay isang mataas na parangal mula sa Santo Papa ng Simbahang Katoliko na ibinibigay

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Interreligious dialogue at harmony, misyon ng Santo Papa

 20,548 total views

 20,548 total views Bukod sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon, ang pag-abot at pakikipagtagpo sa mga mananampalataya sa malalayong lugar at ibang pananampalataya ang isa sa mahalagang gawain ng Santo Papa Francisco bilang pinuno ng simbahang katolika. Ito ang binigyan diin ni Apostolic Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown sa 45th Apostolic Journey ni Pope

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Paglapastangan sa Huling Hapunan sa Paris Olympics: Obispo, hinikayat ng mananampalataya na tumugon ng may pag-ibig

 29,398 total views

 29,398 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bilang mga anak ng Diyos, ay hindi dapat tanggapin ang mga pananaw ng mga hindi sumasampalataya o umangkop sa pamantayan ng mundo. Ito ang mensahe ng obispo, kaugnay na rin sa ginawang paglalarawan ng Huling Hapunan ng ilang grupo na ginanap sa pagsisimula ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 51,697 total views

 51,697 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 50,055 total views

 50,055 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 56,919 total views

 56,919 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 67,983 total views

 67,983 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 65,358 total views

 65,358 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 68,397 total views

 68,397 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 67,757 total views

 67,757 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 77,993 total views

 77,993 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 77,667 total views

 77,667 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top