190 total views
Magtitipun-tipon ang 27 minor seminaries sa Pilipinas para sa “Isang Angkan Kay Kristo o SANGKAN 9”.
Tinatayang 600 mga Priest Formators, Lay teachers at mga seminarista mula sa iba’t-ibang Diyosesis at Arkidiyosesis sa bansa ang lalahok sa pagtitipon.
Layunin nito na mapagtibay ang pagkakapatiran ng mga seminarista at magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makilala din ang kanilang kapatid na seminarista mula sa ibang paaralan.
Bukod dito, ipinakikita din sa pagsasagawa ng SANGKAN na hindi nililimitahan sa loob ng isang silid aralan ang pagkakataon para sa mga seminarista na mapalawak ang kanilang kaalaman at karanasan.
Kabilang sa mga aktibidad sa naturang pagtitipon ay ang Sports fest kung saan magtatagisan sa mga larong basketball, volleyball, chess at iba pa ang mga kalahok.
Ngayong ika-21 ng Nobyembre sisimulan ang Nationwide gathering ng SANGKAN sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary, sa Makati City.
Umaasa naman ang simbahan na sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ganitong mga aktibidad ay makikita ng mga kabataan ang masigla at masayang buhay sa loob ng seminaryo at magkakaroon din ng interes ang iba pang kabataan sa bokasyon ng pagpapari.