276 total views
Ikinalungkot ng buong Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga maling ipinararatang kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, ang Vice-President ng CBCP.
Sa opisyal na pahayag, sinabi ni Archbishop Romulo Valles, Pangulo ng CBCP na labis na nakababahala para sa bahagi ng simbahan ang mga paratang kay Bishop David.
Sinabi ni Archbishop Valles na kilala ng maraming mga Obispo ang pagiging tapat, at mapagmahal na lingkod ng Panginoon at ng mga mananampalataya si Bishop David.
Iginiit ni Archbishop Valles na kahanga-hanga ang marubdob na gawain sa pagiging pastol at pagpapakita ng awa at habag sa mga mananampalataya lalo na sa pinaka mahihirap sa Diyosesis ng Kalookan ni Bishop David.
Dahil dito, hinimok ni Archbishop Valles ang mga mananampalataya na ipanalanging bigyan ng Panginoon ng ibayong kalakasan at kahinahunan si Bishop David sa kanyang pagharap sa mga pagsubok.
Narito ang kabuuan ng liham mula sa CBCP: A STATEMENT ON THE SITUATION OF BISHOP DAVID