171 total views
Matanda at mahina na si San Pablo Bishop-emeritus Leo Drona para pangunahan pa ang sinasabing ‘destabilisasyon’ laban sa Administrasyong Duterte.
Ito ang inilabas na pahayag ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Clergy kaugnay sa pagkaka-ugnay ng pangalan ni Bishop-emeritus Drona sa talaan ng mga ‘destabilizers’ na inilabas ni dating Davao city Vice-Mayor Paolo “Polong” Duterte sa kanyang social media account.
Sinabi ni Bishop Famadico na kanilang ipinagdarasal na ang fake news ay nakabase sa justice,respect at truth.
“Ipinagdarasal namin na sana’y ang ganung report ay would be based on justice, respect and truth,” ayon kay Bishop Famadico sa panayam ng Radio Veritas.
Si Bishop emeritus Drona ang ikatlong Obispo ng San Pablo na nagbitiw sa tungkulin noong 2013 dahil sa mahinang kalusugan- bagama’t hindi umaabot sa mandatory age na 75.
Si Bishop Famadico ang humalili sa iniwang posisyon ni Bishop Drona bilang pastol ng may 2 milyong katoliko ng San Pablo na binubuo ng 193 pari at 83 mga parokya.
Sa kabila ng mahinang pangangatawan, malabong paningin nagagawa pa rin ng Obispo ang kaniyang tungkulin bilang pari sa pagdiriwang ng mga misa kahit nasa ‘wheelchair’ sa retirement House sa Don Bosco, Canlubang.
“Sa mga ganitong mga gawain ay una ay… tingnan muna kung nasan ang katotohanan lalu’t higit sa mga matatanda katulad ni Bishop (Drona) ay irespeto naman ang kaniyang kalagayan,” ayon kay Bishop Famadico.
Nananawagan ang Diyosesis na nawa ang bawat inilalagay sa social media ay pinagmamahalaan ng may katotohanan, may katarungan at paggalang.
Binigyan diin ng kaniyang kabanalan Francisco ang kahalagahan katotohanan sa kaniyang mensahe kaugnay sa World day of Communications na may temang “The truth will set you Free.
Kabilang din sa mga nasa listahang ‘destabilizers’ na kumakalat sa social media si CBCP Vice President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Infanta Bishop Emeritus Julio Labayen na namatay noong pang 2016 at iba pa.
Ayon kay Pope Francis, hindi lamang isang gawain ang pagpapahayag sa halip ito ay isang misyon para sa katotohanan at hindi makapagdudulot ng kaguluhan.