Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Duterte, pinayuhan ng Obispo na huwag maging balat-sibuyas

SHARE THE TRUTH

 221 total views

Nanindigan ang dating Obispo ng Kalookan na pinaiiral lamang ang katotohanan sa pagbibigay komento sa mga kaganapan sa bansa lalo na sa mga namamahala.

Ayon kay Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, nauunawaan nito kung bakit napabilang ito sa listahan na pinaghihinalaang magpapaalis kay Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto dahil sa ilang pahayag nito na hindi sang-ayon sa pamahalaan.

“I can understand kasi minsan na-interview ako ng media may nasasabi akong mga reaction at hindi naman lahat ng reaction ko ay pabor kung minsan nakapagbibitiw din ako ng mga hindi pabor sa gobyerno kasi sa katunayan we are just observing, sinasabi namin yung nasa kalooban namin na maaring siya ang katotohanan na dapat umiral,” pahayag ni Bishop Iñiguez sa Radio Veritas.

Ang tugon ng Obispo ay kaugnay sa listahan na inilabas ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa social media tungkol sa mga personalidad at establisimiyentong nagsama-sama upang paalisin sa puwesto si Pangulong Duterte.

Kabilang sa listahan sina Caloocan Bishop at CBCP Vice President Pablo Virgilio David, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Novaliches Bishop Antonio Tobias, San Pablo Bishop Emeritus Leo Drona, Bishop Julio Labayen na namayapa na noong Abril 2016 isang buwan bago ang halalan at isang Bishop Arturo Santos na wala sa listahan ng mga Obispo sa Pilipinas.

Kaugnay dito itinanggi ng Malacañang na may kaugnayan ito sa ipinaskil na listahan sa social media account ni Paolo Duterte at iginiit na iginagalang lamang ng pamahalaan ang kalayaan sa paghahayag ng bawat indibidwal.

MATUTONG TUMANGGAP SA POSITIBONG PARAAN

Dahil dito hinimok ni Bishop Iñiguez ang pamahalaan na matutuhang tanggapin ang mga reaksyon ng mamamayan dahil hinahangad ng bawat isa ang kabutihang panlahat.

“Sana ang gobyerno ay magkaroon din ng tamang pagtanggap ng mga reaksyon kahit na mga negative reaction upang maiwasto kung ano ang hindi tama,” ani ni Bishop Iñiguez.

Sinabi ni Bishop Iniguez na hindi dapat mamasamain ng pamahalaan at ng mga nanunungkulan ang mga puna ng mamamayan dahil ipinakikita lamang dito ang tunay na kalagayan ng pamayanan na mahalagang bigyang pansin.

Ipinaliwanag ng Obispo na dapat alamin ng mga namumuno ang mga pangyayari sa bayan at matutong timbangin upang magkaroon ng wastong pagbalanse sa magiging tugon sa ikalulutas ng bawat suliranin.

PANAWAGAN SA MAMAMAYAN

Hinikayat din ni Bishop Iñiguez ang mamamayan na makipagtulungan sa pamahalaan para sa ikatatagumpay ng buong bansa at makamit ang pagkakaisa.

“In the opportunities na puwede tayo makipag-cooperate, let us cooperate with them,” pahayag ng Obispo.

Bukod dito ay hiniling din ng Chairman ng Ecumenical Bishops’ Forum sa mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang Pangulong Duterte na gabayan sa kaniyang pamamahala sa bayan.

Magugunitang sunod-sunod ang pagbatikos ng Pangulo laban sa Simbahan at sa mga namumuno dito tulad ng pag-akusa kay Bishop Ambo David ng pagnanakaw sa koleksyon ng Simbahan at isinangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamut.

Kinakalinga ni Bishop David ang mga biktima ng masamang epekto ng droga sa pamamagitan ng church based drug rehabilitation program at pag-aruga sa mga maybahay at kabataang naulila dahil sa extra judicial killings na batay sa tala ng mga human rights group ay higit na sa 20, 000 ang bilang ng nasawi.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 4,618 total views

 4,618 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 10,205 total views

 10,205 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 15,720 total views

 15,720 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 26,842 total views

 26,842 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 50,287 total views

 50,287 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ng Obispo na maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon

 7,184 total views

 7,184 total views Hinimok ng opisyal ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) ang mga dumalo sa 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na patuloy maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon sa kapwa. Ayon kay WACOM Episcopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos dapat isabuhay ng mga deboto ang bawat natutuhan sa congress

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Igalang ang mga namayapa-Bishop Santos

 7,251 total views

 7,251 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na igalang ang mga namayapa. Ito ang pahayag ng obispo sa nalalapit na paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay o undas sa November 2. Binigyang diin ni Bishop Santos na ang pagbibigay ng maayos na himlayan sa mga namayapa ay isa sa mga nararapat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Stella Maris Philippines, patuloy na makikilakbay sa mga seafarer

 7,364 total views

 7,364 total views Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang patuloy na paglilingkod sa mga manggagawa sa karagatan at kanilang mga pamilya. Ayon kay National Coordinator Fr. John Mission na mahalagang kalingain ang hanay ng mga seafarers at iba pang manggagawa sa sektor alinsunod sa Stella Maris Moto Propio ni St. John Paul II. “Our commitment will

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Antipolo Auxiliary Bishop, itinalagang Obispo ng Diocese of Catarman

 7,604 total views

 7,604 total views Pormal nang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop Nolly Buco bilang ikatlong obispo ng Diocese of Catarman. December 2023 nang unang itinalaga ang obispo bilang tagapangasiwa sa diyosesis makaraang tanggapin ni Pope Francis ang pagretiro ni Bishop Emmanuel Trance dahil sa usaping kalusugan. Inanunsyo ng Vatican ang appointment ni Bishop Buco na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“God’s mercy is mercy in action!”

 7,792 total views

 7,792 total views Itinuring na ‘mercy in action’ ng St. Joseph the Patriarch Parish sa Mabolo Cebu City ang kawanggawang isinagawa ng ilang delegado ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Parish Priest Fr. Benedicto Tao mahalagang maibahagi ng mga delegado ang habag at awang naranasan sa pakikiisa sa AACOM upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divine mercy devotion, ibahagi sa iba

 8,356 total views

 8,356 total views Umaasa ang Divine Mercy Ministry ng Archdiocese of Cebu na paigtingin ng bawat binyagang kristiyano ang debosyon sa Divine Mercy. Ayon kay ministry Spiritual Director Fr. Lucas Inoc nawa’y magbunga ng malalim na pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon upang maibahagi sa kapwa. Aniya bawat isa ay nangangailangan ng habag mula sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Be the light house that provides hope and direction.

 8,845 total views

 8,845 total views Ito ang apela ni CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga lider ng pamahalaan at lingkod ng simbahang naglilingkod sa kapakanan ng mga seafarers kabilang na ang mga mangingisda. Sa pagtatapos ng 2-day Migrant Fishers Leader’s Assembly na ginanap sa Cebu City binigyang diin ni Bishop Santos ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Arsobispo ng Cebu, nanawagan ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 8,946 total views

 8,946 total views Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na suportahan ang inisyatibo ng Aid to the Church in Need na ‘One million children praying the rosary’. Ayon sa arsobispo mahalagang tulungan ang mga batang mahubog ang pananampalataya at mapalalim ang ugnayan sa Panginoon. Aniya nararapat suportahan ang mga kabataan at magbuklod ang pamayanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagbebenta, pagbili ng boto: Pagkakait sa pagkakaroon ng mahuhusay na pinuno ng bayan, ayon sa Obispo

 9,191 total views

 9,191 total views “We need to give our country a chance to change.” Ito ang hamon ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mamamayan hinggil sa nalalapit na 2025 midterm national and local elections. Sinabi ng obispo na isa mabisang paraan upang makamit ang tunay na pag-unlad ang paglaban sa talamak na vote buying tuwing halalan. “Vote

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“Whatever God want me to do, I will do it” – Bishop Labajo

 9,221 total views

 9,221 total views “Malipayon kong modawat sa maong assignment.” Ito ang mensahe ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang kauna-unahang obispo ng Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur. Sinabi ng obispo na higit nitong isasabuhay ang kanyang episcopal motto na ‘Humiliter Ambulare Coram Deo’ o ‘To walk humbly before

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagiging host ng AACOM, ipinagpasalamat ng Archdiocese of Cebu

 9,245 total views

 9,245 total views Ikinagalak ni Cebu Archbishop Jose Palma ang pagiging host archdiocese ng ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon sa arsobispo magandang pagkakataon ang pagtitipon na isang paraan upang muling paigtingin ang pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang habag at awa. “We feel privilege once more to host the AACOM

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur, itinatag ng Santo Papa

 9,276 total views

 9,276 total views Itinatag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Diocese of Prosperidad na magpapastol sa mananampalataya ng Agusan Del Sur. Kasabay nito itinalaga ng santo papa si Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang kauna-unahang obispo sa itinatag na diyosesis. Inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ni Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na hatiin ang Diocese of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pinakamapinsalang lindol sa Bohol, inalala

 9,896 total views

 9,896 total views Isinagawa ng Diocese of Tagbilaran ang Day of Prayer para gunitain ang mga biktima ng magnitude 7.2 na lindol 11-taon ang nakalilipas. Ayon kay Bishop Alberto Uy, bagamat mahigit isang dekada na ang nakalipas sa mapaminsalang lindol ay patuloy pa rin ang pagbangon ng mga Boholano sa tulong at gabay ng Panginoon. “Let

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, pinaalalahanan ng Papal Nuncio sa dakilang habag at awa ng Panginoon

 9,957 total views

 9,957 total views Pinaalalahanan ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang mananampalataya sa dakilang habag at awa ng Panginoong ipinadama sa sangkatauhan. Sa pagbukas ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sinabi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na ang pag-alay ni Hesus ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Opisyal ng CBCP, dismayado sa kalagayan ng mga katutubo

 6,498 total views

 6,498 total views Dismayado si CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo sa bansa na patuloy nakararanas ng karahasan. Sa paggunita ng Indigenous Peoples’ Sunday nitong October 13 sinabi ng obispo na sa kabila ng kahirapang dinaranas ng mga katutubo sa bansa ay patuloy itong pinahihirapan ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top