Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Balangiga bells, simbolo ng pagkakaisa ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

 405 total views

Binigyang diin ng Diyosesis ng Borongan na pakaiingatan at higit na pahahalagahan ang mga kampana ng Balangiga ngayong muli itong iluluklok sa St. Lawrence, Deacon and Martyr Parish.

Ayon kay Bishop Crispin Varquez makahulugan ang pagkakabalik ng mga kampana sa kasaysayan ng Balangiga at ng Diyosesis dahil tanda ito ng pagkakaisa ng mamamayan.

“We’ll treasure the bell kasi very significant history ito in our diocese and ngayon naibalik na it is a symbol of friendship symbol of reconciliation, and symbol of peace,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.

Kaugnay dito labis ang pasalamat ng Obispo at mananampalataya ng Balangiga sa lahat ng grupo, institusyon at mga indibidwal na nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang pagbabalik ng mga kampana na kinuha ng mga sundalong Amerikano noong 1901.

Ika – 11 ng Disyembre ng dumating ang tatlong kampana mula US base sa Okinawa Japan sakay ng C-130 plane ng US Airforce kung saan nagsagawa ng seremonya sa Villamor Airbase para sa pormal na turn over na pinangunahan ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagsilbing tagapamagitan sa Diyosesis ng Borongan at pamahalaan.

MULING PAGBATINGAW NG MGA KAMPANA

Nakatakda naman ang pormal na turnover ng mga kampana sa parokya ng St. Lawrence, Deacon and Martyr sa Balangiga sa ika – 15 ng Disyembre kung saan ikatlo ng hapon ay gaganapin ang isang maiksing seremonya at susundan ng pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

Mapapakinggan ng mga taga Balangiga ang pagtunog ng tatlong kampana makalipas ang 117 taon.

Ibinahagi ni Bishop Varquez na dadalo sa pagtitipon si Pangulong Rodrigo Duterte at ilang opisyal ng pambansa at lokal na pamahalaan.

Pangungunahan naman ni Tagbilaran Bishop Emeritus Leonardo Medroso ang pagdiriwang ng Banal na Misa na nagsusumikap na maibalik sa bayan ng Balangiga ang tatlong kampana noong nanilbihan itong pinunong pastol ng Diyosesis ng Borongan sa loob ng 19 na taon.

Bukod kay Bishop Medroso at Bishop Varquez, makiisa rin sa mananampalataya ng Balangiga sina Davao Archbishop at CBCP President Romulo Valles, Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia, Archbishop Timothy Paul Andrew Broglio mula sa Military Ordinariate ng Estados Unidos habang hindi pa kumpirmado ang pagdalo ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

SENATE RESOLUTION 965
Mariing tinutulan ng mga Pastol ng Diyosesis ang Senate Resolution 965 o ang panukalang ilagak sa National Museum ang isa sa tatlong mga kampana.

Nanindigan ang Diyosesis sa pangunguna ni Bishop Varquez na labag sa karapatan ng mga mananampalataya ng Balangiga ang binabalak ng pamahalaan at ito ay taliwas din sa naihahayag sa kasaysayan.

Iginiit ng mga lingkod ng Simbahan na malaki ang papel ng mga kampana sa nangyaring Balangiga Encounter noong ika – 19 na siglo kaya’t marapat lamang na mailuklok at mananatili ito sa Balangiga.

Maituturing na sacred artifacts ang mga kampana sapagkat ginagamit ito sa mga banal na gawain ng Parokya.

“We will use the bell for spitritual activities sa Parish kay ang bell siya man ang gigamit nga sound sa pag-invite sa mga tawo sa mga spiritual events ilabi na ang Santos nga Misa, [We will use the bell for spiritual activities sa Parish kasi ang bell ang ginagamit na sound sa pag-invite ng mga tao sa mga Spiritual Events lalo na sa Banal na Misa].” ani ni Bishop Varquez.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 1,108 total views

 1,108 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 6,695 total views

 6,695 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 12,210 total views

 12,210 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 23,332 total views

 23,332 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 46,777 total views

 46,777 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ng Obispo na maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon

 6,852 total views

 6,852 total views Hinimok ng opisyal ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) ang mga dumalo sa 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na patuloy maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon sa kapwa. Ayon kay WACOM Episcopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos dapat isabuhay ng mga deboto ang bawat natutuhan sa congress

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Igalang ang mga namayapa-Bishop Santos

 6,920 total views

 6,920 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na igalang ang mga namayapa. Ito ang pahayag ng obispo sa nalalapit na paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay o undas sa November 2. Binigyang diin ni Bishop Santos na ang pagbibigay ng maayos na himlayan sa mga namayapa ay isa sa mga nararapat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Stella Maris Philippines, patuloy na makikilakbay sa mga seafarer

 7,033 total views

 7,033 total views Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang patuloy na paglilingkod sa mga manggagawa sa karagatan at kanilang mga pamilya. Ayon kay National Coordinator Fr. John Mission na mahalagang kalingain ang hanay ng mga seafarers at iba pang manggagawa sa sektor alinsunod sa Stella Maris Moto Propio ni St. John Paul II. “Our commitment will

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Antipolo Auxiliary Bishop, itinalagang Obispo ng Diocese of Catarman

 7,273 total views

 7,273 total views Pormal nang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop Nolly Buco bilang ikatlong obispo ng Diocese of Catarman. December 2023 nang unang itinalaga ang obispo bilang tagapangasiwa sa diyosesis makaraang tanggapin ni Pope Francis ang pagretiro ni Bishop Emmanuel Trance dahil sa usaping kalusugan. Inanunsyo ng Vatican ang appointment ni Bishop Buco na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“God’s mercy is mercy in action!”

 7,461 total views

 7,461 total views Itinuring na ‘mercy in action’ ng St. Joseph the Patriarch Parish sa Mabolo Cebu City ang kawanggawang isinagawa ng ilang delegado ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Parish Priest Fr. Benedicto Tao mahalagang maibahagi ng mga delegado ang habag at awang naranasan sa pakikiisa sa AACOM upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divine mercy devotion, ibahagi sa iba

 8,025 total views

 8,025 total views Umaasa ang Divine Mercy Ministry ng Archdiocese of Cebu na paigtingin ng bawat binyagang kristiyano ang debosyon sa Divine Mercy. Ayon kay ministry Spiritual Director Fr. Lucas Inoc nawa’y magbunga ng malalim na pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon upang maibahagi sa kapwa. Aniya bawat isa ay nangangailangan ng habag mula sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Be the light house that provides hope and direction.

 8,505 total views

 8,505 total views Ito ang apela ni CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga lider ng pamahalaan at lingkod ng simbahang naglilingkod sa kapakanan ng mga seafarers kabilang na ang mga mangingisda. Sa pagtatapos ng 2-day Migrant Fishers Leader’s Assembly na ginanap sa Cebu City binigyang diin ni Bishop Santos ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Arsobispo ng Cebu, nanawagan ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 8,615 total views

 8,615 total views Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na suportahan ang inisyatibo ng Aid to the Church in Need na ‘One million children praying the rosary’. Ayon sa arsobispo mahalagang tulungan ang mga batang mahubog ang pananampalataya at mapalalim ang ugnayan sa Panginoon. Aniya nararapat suportahan ang mga kabataan at magbuklod ang pamayanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagbebenta, pagbili ng boto: Pagkakait sa pagkakaroon ng mahuhusay na pinuno ng bayan, ayon sa Obispo

 8,858 total views

 8,858 total views “We need to give our country a chance to change.” Ito ang hamon ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mamamayan hinggil sa nalalapit na 2025 midterm national and local elections. Sinabi ng obispo na isa mabisang paraan upang makamit ang tunay na pag-unlad ang paglaban sa talamak na vote buying tuwing halalan. “Vote

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“Whatever God want me to do, I will do it” – Bishop Labajo

 8,890 total views

 8,890 total views “Malipayon kong modawat sa maong assignment.” Ito ang mensahe ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang kauna-unahang obispo ng Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur. Sinabi ng obispo na higit nitong isasabuhay ang kanyang episcopal motto na ‘Humiliter Ambulare Coram Deo’ o ‘To walk humbly before

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagiging host ng AACOM, ipinagpasalamat ng Archdiocese of Cebu

 8,914 total views

 8,914 total views Ikinagalak ni Cebu Archbishop Jose Palma ang pagiging host archdiocese ng ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon sa arsobispo magandang pagkakataon ang pagtitipon na isang paraan upang muling paigtingin ang pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang habag at awa. “We feel privilege once more to host the AACOM

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur, itinatag ng Santo Papa

 8,945 total views

 8,945 total views Itinatag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Diocese of Prosperidad na magpapastol sa mananampalataya ng Agusan Del Sur. Kasabay nito itinalaga ng santo papa si Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang kauna-unahang obispo sa itinatag na diyosesis. Inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ni Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na hatiin ang Diocese of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pinakamapinsalang lindol sa Bohol, inalala

 9,565 total views

 9,565 total views Isinagawa ng Diocese of Tagbilaran ang Day of Prayer para gunitain ang mga biktima ng magnitude 7.2 na lindol 11-taon ang nakalilipas. Ayon kay Bishop Alberto Uy, bagamat mahigit isang dekada na ang nakalipas sa mapaminsalang lindol ay patuloy pa rin ang pagbangon ng mga Boholano sa tulong at gabay ng Panginoon. “Let

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, pinaalalahanan ng Papal Nuncio sa dakilang habag at awa ng Panginoon

 9,626 total views

 9,626 total views Pinaalalahanan ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang mananampalataya sa dakilang habag at awa ng Panginoong ipinadama sa sangkatauhan. Sa pagbukas ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sinabi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na ang pag-alay ni Hesus ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Opisyal ng CBCP, dismayado sa kalagayan ng mga katutubo

 6,444 total views

 6,444 total views Dismayado si CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo sa bansa na patuloy nakararanas ng karahasan. Sa paggunita ng Indigenous Peoples’ Sunday nitong October 13 sinabi ng obispo na sa kabila ng kahirapang dinaranas ng mga katutubo sa bansa ay patuloy itong pinahihirapan ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top