Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

VAW-free community starts with me

SHARE THE TRUTH

 453 total views

Mga Kapanalig, nagtatapos ngayon, Disyembre 12, ang “18-Day Campaign to End VAW” (o violence against women) ng Philippine Commission on Women o PCW. Nag-umpisa ito noong Nobyembre 25. Hangad ng kampanyang itaas ang kamalayan ng mga Pilipino sa isyu ng karahasan laban sa mga kababaihan, at paigtingin ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan upang pangalagaan ang karapatan ng mga babae.

Ang tema ng kampanya sa taóng ito ay “VAW-free community starts with me.” Tunay ngang nagsisimula sa bawat isa sa atin ang pagbubuo ng isang pamayanan kung saan malaya sa karahasan ang kababaihan. Lahat din ng sektor—pribadong sektor, mga NGO, mga paaralan, mga ahensiya ng pamahalaan mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa ating mga barangay—ay may tungkuling ilayó ang mga babae sa anumang uri ng karahasan.

At marami pa tayong dapat gawin. Ayon sa 2017 National Demographic and Health Survey, 17 porsiyento ng mga babaeng Pilipino ay nakaranas na ng pisikal na pang-aabuso mula edad 15. Limang porsiyento naman ang sekswal na inabuso. Mas madalas makaranas ng pang-aabuso ang mga babaeng hiwalay sa kanilang asawa at mga nabiyuda kaysa sa mga babaeng kasal at hindi pa ikinakasal. Isa sa apat na babaeng may asawa ang nakararanas na ng pang-aabuso. Samantala, sa mga babaeng ina, tatlong porsiyento ang nagsabing sinasaktan sila habang nagbubuntis; nalalagay sa alanganin ang buhay hindi lamang ng ina kundi pati ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Karamihan sa mga nananakit sa kababaihan ay ang kanilang asawa o kinakasama.  Siguradong mas marami pa ang mga inaabusong babae ngunit pinili nilang hindi na i-report ang karahasang kanilang dinaranas dahil na rin marahil sa takot, pangamba, at kahihiyan.

Mga Kapanalig, labag sa dignidad ng babae bilang taong nilikhang kawangis ng Diyos ang pagmalupitan sila ng sinuman, lalo na ng mga lalaki. Hindi katwiran ang pagkakaiba sa pisikal at sikolohikal na katangian upang gawan ng karahasan ang mga babae, dahil una sa lahat, hindi nakabatay sa kasarian ang dignidad ng tao. Ang ating pagkakaiba ay bahagi ng banal na plano ng Diyos; ipinagkakaloob ng Diyos sa babae at lalake hindi lamang ang tungkuling ipagpatuloy ang buhay sa mundo, ngunit ang tungkuling buuin ang kasaysayan nang magkaagapay. Ngunit paano ito mangyayari kung inaabuso, minamaliit, at isinasantabi natin ang mga babae? Paano sila makapag-aambag sa kanilang pamilya, pamayanan, at lipunan kung hindi nila masiguro ang kanilang kaligtasan?

Magandang balikan ang sinabi ni Pope Francis sa mga mananampalataya sa bansang Peru nang dumalaw siya roon noong Enero ngayong taon. Katulad dito sa Pilipinas, umiiral din doon ang tinatawag na “machismo” o ang pananaw na nakahihigit ang lalaki kaysa sa babae na siya namang pinag-uugatan ng karahasan laban sa kababaihan. Kinundena ng Santo Papa ang ganoong kultura: “Violence against women cannot be treated as ‘normal,’ maintaining a culture of machismo blind to the leading role that women play in our communities.” Hindi dapat maging pangkaraniwan ang karahasan laban sa mga babae at ang pananatili ng kultura kung saan nakikita silang mas mababa kaysa sa mga lalaki. Dapat nating iwaksi ang pananaw na bulag sa papel ng mga babae sa ating pamayanan at bayan. Nakalulungkot lamang na dito sa atin, mga lider pa natin ang unang-unang bumabastos sa mga babae.

Mga Kapanalig, hindi nilikha ng Diyos ang babae—o ang sinumang tao—upang pagmalupitan at abusuhin. Anuman ang ating kasarian, magkakatuwang tayo sa pagsasakatuparan ng plano ng Diyos sa mundong kanyang nilikha para sa ating lahat. Magkakatuwang tayo sa pagbubuo ng lipunang maunlad, at mangyayari lamang ito kung bawat isa sa atin, sa munti nating paraan, ay magkakapit-bisig upang labanan ang karahasan laban sa kababaihan. VAW-free community starts with me.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 3,302 total views

 3,302 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 8,889 total views

 8,889 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 14,404 total views

 14,404 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 25,526 total views

 25,526 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 48,971 total views

 48,971 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 3,303 total views

 3,303 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 8,890 total views

 8,890 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 14,405 total views

 14,405 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 25,527 total views

 25,527 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 48,972 total views

 48,972 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 62,743 total views

 62,743 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 71,226 total views

 71,226 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 64,284 total views

 64,284 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 71,209 total views

 71,209 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 68,302 total views

 68,302 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 78,804 total views

 78,804 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 93,877 total views

 93,877 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 99,841 total views

 99,841 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 103,988 total views

 103,988 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 113,263 total views

 113,263 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top