Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bakit ang mahihirap ang laging nagsasakripisyo?

SHARE THE TRUTH

 156 total views

Mga Kapanalig, tampok na programa ng administrasyong Duterte ang “Build, Build, Build”. At masasabi nating marami ang nasasabik na makita ang mga ipatatayong kalsada, tulay, at riles ng tren lalo na rito sa Metro Manila. “Golden age of infrastructure” nga raw ang panunungkulan ni Pangulong Duterte dahil maisasakatuparan ang mga proyektong pang-imprastrakturang hindi nagawa ng mga nauna sa kanyang administrasyon. (Ngunit magtatatlong taon na ang administrasyon at karamihan sa mga natapos o ginagawa pa lamang na mga proyekto ay iyong mga pinlano o sinimulan ng nakaraang administrasyong Aquino katulad ng extension ng LRT at MRT.)

Gayunman, bihirang pag-usapan ang tungkol sa malaking bilang ng mga pamilyang maaaring mawalan ng tahanan dahil dadaanan ang kanilang lugar ng mga ipatatayong imprastraktura. Halimbawa, ilan sa atin ang nakakaalam na hindi bababa sa 11,000 pamilya sa Metro Manila ang kakailanganing ilipat upang mabigyang daan ang pagpapatayo ng South Rail Project, ang commuter train na daraan ng maraming lungsod mula Maynila hanggang Calamba sa Laguna? Karugtong ng proyektong ito ang tinatawag na long haul train na aabot naman hanggang sa Matnog sa Sorsogon. Tinatayang 100,000 pamilya ang maapektuhan ng nasabing mga proyekto, at karamihan sa kanila ay mga informal settler families o mga pamilyang walang legal na pagmamay-ari sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay.

Samantala, nagbabala naman noong isang linggo ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na ire-relocate ang may 300,000 informal settlers sa paligid ng Manila Bay. Ito raw ay upang maibalik ang ganda ng Manila Bay na ngayon daw ay tadtad ng basura, lalo na tuwing dinadala ang mga ito ng malakas na hangin at ulan sa dalampasigan. Mataas na rin daw ang antas ng bakterya sa tubig, hindi lamang dahil sa basura kundi sa dumi ng mga taong doon tumutuloy mula sa kanilang mga bahay. Muli, mga maralita na naman ang unang target para sa problemang gawa ng lahat ng taga-Metro Manila at ng mga iresponsableng nagtatapon ng kanilang basura sa Rizal, Cavite, Bulacan, at Pampanga. Bakit isisi lamang sa mga taong nasa paligid ng Manila Bay ang tone-toneladang basurang lumulutang doon? At kailangan ba talaga silang ilipat sa ibang lugar? Hindi natin sinasabing hindi sila nagtatapon ng basura sa maling lugar, ngunit relokasyon nga ba ang solusyon sa problema ng basura o maayos na sistema ng koleksyon at segregation ng basura ang kailangan? Baka naman nais ilipat ang mga mahihirap upang bigyang-daan ang mga planong reclamation projects sa Manila Bay na tatayuan naman ng mga casino, hotel, at iba pang gusaling hindi naman pakikinabangan ng mga mahihirap. Tingnan na lamang natin ang nangyari ngayon sa bandang Pasay.

Hindi na bago ang mistulang pagsasakripisyo sa mga maralitang tagalungsod para sa sinasabing kaunlarang dadalhin ng malalaking proyektong pang-imprastraktura. Nakalulungkot na tuwing eleksyon, laging pinangangakuan ng mga politiko ang mahihirap ng mas maginhawang pamumuhay, ngunit ang katotohanan, ang mga maralitang tagalungsod ang unang-una palang isasantabi at itataboy sa ngalan ng isang maunlad na buhay at mas magandang mga lungsod.

Ang ganitong kalakaran ay bahagi ng tinatawag ni Pope Francis na “economy of exclusion and inequality,” isang ekonomiyang pinapaboran ang mayayaman habang isinasantabi ang mga dukha. Ganito ang ginagawa natin sa mga mahihirap sa ating bayan: sasamantalahin natin ang kanilang paggawa, pasasahuran sila ng napakababa, at saka palalayasin sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay upang maging mas maginhawa ang buhay ng mga nakaririwasa. Napakatinding pagkakait ng katarungan ang ginagawa natin sa ating mga kapatid.

Mga Kapanalig, huwag tayong mabulag sa larawan ng mga magagandang imprastraktura at nagtatasaang mga gusali dahil sa likod ng mga ito ang pagdurusa ng mga kapatid nating mahihirap.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 3,103 total views

 3,103 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 8,690 total views

 8,690 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 14,205 total views

 14,205 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 25,327 total views

 25,327 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 48,772 total views

 48,772 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 3,104 total views

 3,104 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 8,691 total views

 8,691 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 14,206 total views

 14,206 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 25,328 total views

 25,328 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 48,773 total views

 48,773 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 62,726 total views

 62,726 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 71,209 total views

 71,209 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 64,267 total views

 64,267 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 71,192 total views

 71,192 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 68,285 total views

 68,285 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 78,787 total views

 78,787 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 93,860 total views

 93,860 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 99,824 total views

 99,824 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 103,971 total views

 103,971 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 113,246 total views

 113,246 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top