181 total views
Nagsalita ang pinuno ng Balangiga Bells commission ng Diocese ng Borongan kaugnay sa naganap na insidente sa nagdaang ‘turn over ceremony’ ng mga kampana sa Balangiga Eastern Samar.
Paliwanag ni Msgr. Pedro Quitorio, pinuno ng komisyon at Media Director ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, makailang ulit na nagbago ang mga plano para sa programa sa pormal na pagsasauli at pagtanggap ng simbahan sa makasaysayang kampana.
Sa original na plano, sa Villamor airbase ang inaasahang dadaluhan ng Pangulong Rodrigo Duterte subalit nagpasya ang Malacañang sa pagdalo ng Pangulo sa bayan ng Balangiga.
Kaya’t sa halip na sa simbahan na lamang gagawin ang pagdiriwang ay gumawa ng programa sa ‘plaza’ para sa pagdalo ng Pangulo, habang isang post program naman ang inilaan para sa mga lingkod ng simbahan.
Una itong itinakda noong December 14, bagama’t naituloy noong December 15.
Bahagi ng pahayag ni Msgr. Quitorio sa programang Veritas Pilipinas
“Okay, so binago ‘yong program. Ang program na ipinagsama noon 15 ng umaga, bagong bago 15 hapon kasi ‘yung turn over na iyon alas-3 ng hapon so ito iyon babasahin ko para maintindihan, ‘yung program proper, eto anim na mga parts: Arrival of the President & Ringing of the Bells, Hand-over of the certificate of transfer. Tapos two parts ang number three eh’ pang-apat eh ‘yung introduction of the pres… to the pres…—‘yung parang magi-introduce sila sa speaker tapos salita ng Presidente pang-limang part; pang-anim Departure of the President.
‘Yung lang ang program, ‘yun lang ang program. So after umalis meron silang tinatawag na “Post-Program.”
Post Program
“So lahat ng Pari, Bishop ang parte nandodoon sa Post-program. Doon sa program proper wala sila (pari) doon ang Presidente lang, ang unveiling tapos turn-over, salita niya, tapos aalis na, gano’n, 3 o’clock.
Ang nangyari, eh hindi dumating ng 3 o’clock. So,,ang daming tao magulo ngayon, everybody were so excited eh yung post program na ang nauna,”
Pagdating ng Pangulo
“So magpo-program-proper dahil implied ito sa program proper na wala doong pari at Obispo, wala eh implied ito eh wala silang part eh, nung darating na ‘di logically paaalisin na ang mga pari doon kasi mag-po-program proper na nga, yon, aalis na sila, at pinaalis.
Doon pinaalis. So ‘yung mga ano —may confusion, kaya ‘yung mga photo, nangyari ‘yan after, kaya lang may oras. So nag-photo naman kasi may photo na pinaalis,”
Magmumukhang walk-out
“Si Nuncio of all people, siya ang nagsabi sa mga pari at Bishops na ‘H’wag tayong aalis’. Ang kanyang reason, ‘pag umalis tayo sasabihin na ‘we are walking out of president, that would be worst.” Sabi niya, ‘masama ‘yan’. This are the words of Papal Nuncio. So kahit pinaalis sila, wala, walang kibo ‘yung mga paring nandiyaan lang, kahit sabi nga ni Father Emil, ‘hina-harass na kami wala kaming kibo’ but I don’t blame this staff kasi mga staff naman sila.”
Dagdag pa ni Msgr. Quitorio, malinaw na sa mga naging pahayag ng Pangulo at programa na hindi kasali ang mga pari sa turn-over kaya may hiwalay na programa ang simbahan.
“Kaya nga po ang program proper walang mga pari doon so ang bottom line wala talaga silang lugar doon sa turn-over tinanggal lahat ang parts ng pari sa turn-over. Sa November 28 program nahawakan ko, na formal program na printed, isang programa lang ‘yon isang turn-over lang ‘yon,” ayon kay Msgr. Quitorio.
Subalit dumating Pangulo habang isinasagawa ang post program kaya nandoon ang mga pari.
Ayon kay Msgr. Quitorio na sa kabila ng pangyayari ay nagpapasalamat ang Diocese ng Borongan sa lahat ng tumulong para maibalik sa simbahan ng St. Lawrence Parish ang tatlong kampana makaraan ang 117 taon.
Ang Balangiga bells ay tatlong kampana na kinuha ng United States Army sa bayan ng Balangiga noong 1901.
Sa panahon noon ni dating Pangulong Fidel Ramos, muling tinangkang bawiin ng Pilipinas ang mga kampana , habang lumiham na rin ang Diocese ng Borongan noong 2005.
Sa pahayag noon ng CBCP sinabing hindi dapat gamitin ang mga kampana ng simbahan bilang mga tropeyo ng digmaan.
Tuwing ika-29 ng Setyembre taunang ipinagdiriwang sa Eastern Samar ang Balangiga Encounter bilang pagkilala sa kabayanihan at katapangan ng mga taga-Eastern Samar.