Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang pagdagsa ng mga manggagawang Tsino

SHARE THE TRUTH

 279 total views

Mga Kapanalig, ikinabahala ng ilang senador ang kapansin-pansing pagdami ng mga Tsino sa ating bansa, partikular na rito sa Metro Manila, na lumalabas na mga ilegal na manggagawa pala. Kaya naman, nagpatawag ang Senado ng isang pagdinig noong nakaraang linggo upang alamin kung gaano ito katotoo.

At mismong ang Department of Labor and Employment o DOLE ang nagkumpirmang dumarami nga ang mga manggagawang Tsino sa Pilipinas. Karamihan sa kanila ay nagpupunta rito bilang mga turista at saka maghahanap ng trabaho (katulad ng ginagawa ng ilan nating kababayang nagbabakasakali sa ibang bansa). Halos kalahati sa mahigit 100,000 dayuhang nabigyan ng DOLE ng Alien Employment Permits mula 2015 hanggang 2017 ay mga Chinese nationals.

Hindi naman ipinagbabawal ng ating mga batas ang paghahanapbuhay rito ng mga dayuhan basta’t dumaan sila sa tamang proseso. Higit sa lahat, hindi dapat nila naaagawan ng trabaho ang mga manggagawang Pilipino. Sa ilalim ng ating Labor Code, mabibigyan ng permit ang mga dayuhan kung walang Pilipinong interesado o may sapat na kakayahan upang gawin ang isang trabaho. Kapag mayroon nang permit ang isang dayuhan mula sa DOLE, kukuha siya ng working visa mula sa Bureau of Immigration at Department of Justice. Ngunit, sa isinagawang pagdinig sa Senado, napag-alamang nagbibigay ang Bureau of Immigration ng special working permit kahit walang permit ang isang dayuhan mula sa DOLE. Kailangan din itong ungkatin ng Senado.

Karamihan sa mga nabigyan ng special working permits ay nagtatrabaho bilang mga POGOs o Philippine Offshore Gaming Operators. Sila ang nagpapatakbo ng e-gaming o foreign online casino o pagsusugal gamit ang internet, at mga mayayamang Tsino rin ang mga kliyente nila. Dahil sa paglago ng negosyong ito, marami sa mga Tsinong operators ang nagdadala rito ng mga kababayan nila upang gawing empleyado. Kabilang sila sa 119,000 na dayuhang nabigyan ng special working permits ng Bureau of Immigration.

Hindi ba kaya ng mga Pilipino ang kanilang ginagawa? Wala bang Pilipinong interesado sa trabahong ito? Sa tinatayang 9.8 milyong Pilipinong walang trabaho, tiyak na mayroon sa kanilang maaari at interesadong magtrabaho.

Ang paghahanapbuhay ng mga tao sa ibang bayan—gaya ng ginagawa ng ating mga OFWs at ngayon nga ay ng mga Tsino rito sa atin—ay bahagi ng modernong globalisasyon, ang proseso ng pag-uugnayan ng mga tao, mga negosyo, mga pamahalaan, at halos lahat ng aspeto ng buhay natin dala na rin ng makabagong teknolohiya. Sa aspeto ng paghahanapbuhay, halimbawa, mas madali na para sa mga tao ang mangibang-bayan, bagamat nariyan pa rin ang mga regulasyong ipinapataw ng mga bansang pupuntahan nila.

Ngunit paalala nga sa mga panlipunang turo ng Simbahan, dapat nating bantayan na hindi masisira ng negatibong aspeto ng globalisasyon ang dangal ng paggawa at ang katotohanang magkakasama tayong mga tao—saang bansa man tayo nagmumula—sa iisang misyon sa mundong ito. Sa isang banda, dapat tiyaking makatao ang trato sa mga manggagawang dayuhan, gaya ng lagi nating panawagan sa mga bansang may mga OFWs. Sa kabilang banda, hindi dapat makapaminsala sa kabuhayan ng mga manggagawa ng isang bansa ang pagpasok ng mga dayuhang manggagawa.

Mga Kapanalig, hindi sana masentro ang usaping ito sa pagkamuhi nating mga Pilipino sa mga Tsinong manggagawa. Sa halip na ikahon agad ang isyu bilang mistulang “pananakop” ng ibang bansa gaya ng pinalulutang ng ilan, dapat nakatuon ang imbestigasyon ng Senado sa pag-alam kung bakit mukhang napakadali sa mga dayuhan ang kumuha ng permit upang makapagtrabaho rito. Bakit nakalulusot ang mga ilegal na dayuhang manggagawa? Anu-ano ang dapat gawin upang matiyak na nabibigyan ng pantay na pagkakataon ang mga Pilipino at dayuhan na magkaroon ng trabaho sa ating bansa? Ang mga ito sana ang tutukan ng ating mga senador.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 5,798 total views

 5,798 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 11,385 total views

 11,385 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 16,900 total views

 16,900 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 28,022 total views

 28,022 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 51,467 total views

 51,467 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 5,800 total views

 5,800 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 11,387 total views

 11,387 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 16,902 total views

 16,902 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 28,024 total views

 28,024 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 51,469 total views

 51,469 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 62,924 total views

 62,924 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 71,407 total views

 71,407 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 64,465 total views

 64,465 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 71,390 total views

 71,390 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 68,483 total views

 68,483 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 78,985 total views

 78,985 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 94,058 total views

 94,058 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 100,022 total views

 100,022 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 104,169 total views

 104,169 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 113,444 total views

 113,444 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top