261 total views
Ito ang pangunahing mensahe ng pagdiriwang ng Pasko ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco.
Ayon sa obispo ito ang pagtiyak ng ating pagdiriwang sa kaniyang kapanganakan ni Hesus na namuhay kaiisa ng mga tao hindi lamang sa kagalakan kundi maging sa ating paghihirap.
Nagpapasalamat din ang obispo para sa taong ito lalu na sa mga proyektong naisakatuparan ng diyosesis kabilang na ang pagdiriwang ng Diocese ng Cubao ng ika-15 taon, ang pagtatayo ng Casa de Silencio-isang retirement home para sa mga pari.
Gayundin ang pagpapalawig ng pabahay ng diyosesis para sa kanilang mga empleyado.
“These very reasons to be thankful for are the very reasons we look forward for the coming year not only with optimism but with the sure anchor of hope ever trusting that God is with us,” ayon kay Bishop Ongtioco.
Naghahanda na rin ang Diyosesis para naman sa taong darating habang ipinagdirwang ng simbahang katolika sa Pilipinas ang ‘Year of the Youth’ bilang bahagi ng paghahanda sa mas malaking pagdiriwang ang ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa sa taong 2021.
Labis din ang kagalakan ng Diyosesis ng Cubao sa pagkakatalaga ng Santo Papa Francisco sa isa sa kanilang simbahan bilang isang minor basilica- ang National Shrine of Mt. Carmel.
“The first in the diocese, indeed grace upon grace,” dagdag pa ng obispo.
Sa ngayon may 15 minor basilica na ang Pilipinas kasunod na rin ng atas ng Vatican na itaas bilang minor basilica ang National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel sa Quezon City at ang St. John the Baptist Parish Church (Shrine of La Virgen de Milagrosa de Badoc) sa Ilocos Norte.
Sa tala, may 1,759 na ang kabuuang bilang ng mga minor basilica sa buong mundo, habang apat naman ang mga Major Basilica na matatagpuan sa Roma ang St. John Lateran, St. Peter, ST. Paul Outside the Walls at ang St. Mary Major.