Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila at New Bilibid Prison, Maximum Security, Muntinlupa City

SHARE THE TRUTH

 298 total views

His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle
Archbishop of Manila
Homily
New Bilibid Prison, Maximum Security,
Muntinlupa City – December 15, 2018

Una ho sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos, nagkatipun-tipon na naman tayo at sa awa ng Diyos, maganda ang panahon kahit papaano, ayos ang kalusugan, nandito tayo para sa kapaskuhan.

Pwede ho bang matanong ilan sa inyo ang naka-attend ng misa noong nakaraang taon?

Nandito pa kayo? (Laughter)

Sa isang taon, pagbalik ko dito, pagtinanong ko, sana kaunti na yung magtataas ng kamay, ano ho? Pero ganun e, kung nasaan man tayo, Pasko pa rin.

Ang mga pagbasa po natin ngayon nakatuon sa propeta Elias, mayroon ba ho dito na ang pangalan ay Elias?

Wala na, hindi na ginagamit yung pangalan na yan ngayon ano ho? Hindi na popular. Sinabi ni Hesus sa ebanghelyo na ang makabagong Elias, ay si Juan Bautista.

Bakit, ano yung pagkakapareho nila? Marami, pero dalawang bagay.

Una po, si Elias ay nagpakilala sa mga tao kung sino ang tunay na Diyos. Kasi po nung panahon nila, ang daming nagbibigay, “Ito ang Diyos, ito ang Diyos!” At meron ding mga propeta itong mga huwad na Diyos, pero ipinaglaban ni Elias, ang tunay na Diyos. Yan ang isang dakila kay Elias, ipakilala ang tunay na Diyos at ipakilala rin na yung ibang tumatawag sa sarili nila na Diyos ay mga huwad, ‘fake’ na Diyos.

Gan’yan din si Juan Bautista, itinuro n’ya sa mga tao, yun si Hesus, yun ang Kordero ng Diyos. Alam n’yo mga kapatid sa isang banda lahat po tayo dapat Elias, dapat lahat tayo Juan Bautista, dapat po tinuturo natin, ginagabayan natin ang ating mga pamilya, ang ating kaibigan, ang lipunan tungo sa tunay na Diyos, kasi ang daming diyus-diyosan, mga huwad na diyos na sinasamba ng ating panahon.

E, kapag itong mga huwad na diyos ang ating sinamba, kapahamakan ang dulot, ang tunay na Diyos lamang ang makapagbibigay ng kaligtasan. Ang mga nagpapanggap na diyos, hindi tayo tayo dadalhin sa mabuti.

Halimbawa po, ang isa sa pinaka popular na diyos ay pera, para sa diyos na pera ang daming pumipila, ang daming sumasamba, makakita ng 500, bow na yan bow. Makakita ng isang libo, dapa, dapa na talaga. Nako, kapag isang milyon na pati kaluluwa ibebenta. Napaka-makapangyarihan nitong diyus-diyosan na pera ang daming napapaluhod ang daming napapasunod pero saan umuuwi? Para paglingkuran ang diyos na pera, ang daming buhay na nasira.

Gan’yan din ang diyos ng kapangyarihan, gusto magkapwesto, gusto may poder, at para d’yan sa Diyos na yan, pati kapwa, yayapakan, yung iba nga pumapatay pa ng kapwa para lang mapaglingkuran ang diyos na poder, kapangyarihan. At saan uuwi? wala rin, hindi naman panghabang buhay yung kapangyarihan na yan e, kasi huwad na diyos, hindi panghabang buhay ang pera kasi huwad na diyos.

Ang tunay na Diyos lamang ang nananatili kaya S’ya ang kailangang bigyan ng nararapat na paglilingkod, at kapag ang Diyos, si Hesus ang ating pinaglingkuran, saan tayo dadalhin? Hindi sa kapahamakan kun’di sa katotohanan, katarungan, pag-ibig, kapayapaan. Nakakalungkot lang po mas pinipili natin ang huwad na diyos.

Kaya kailangan natin ng Elias, kailangan natin ng mga Juan Bautista, para paalalahanan tayo. Sa isang kumpil, mga tatlong daan yata yung kukumpilan ko nun mga bata, edi tinuruan ko po, sabi ko, “Sa kumpil, pinipili n’yo na si Hesus, at habang kayo’y lumalaki, si Hesus ang inyong sinusundan, S’ya ang ating paglilingkuran.” Tapos binigyan ko ng kaunting test, sabi ko, “Pagtapos na ang kumpil kapag si Hesus na ang inyong Diyos at susundan, ano ngayon ang pipiliin n’yo? Pagbubulakbol o pag-aaral? sagot yung mga bata, “pag-aaral po” tuwang tuwa naman ako, sabi ko mukhang pinipili na si Hesus, sabi ko, “O ano ang mas mahalaga, pandaraya o honesty?” “Honesty po” Ay talaga naman, si Hesus na ang sinusundan, sabi ko, “O ano ang mas mahalaga, ang Misa o 30 million dollars?” “30 million dollars” (laughter) wala… sabi ko, “sige, kumpil naman ito e, paglapit n’yo isa-isa talagang, lalakasan ko ang sampal e, para magising kayo. (laughter)

Pero siguro hindi lang yung mga bata ganun e, kaya pati tayo, kaya nating ipagpalit ang tunay na diyos sa mga huwad na diyos. Kaya kailangan po natin yung patu-patuloy na pagkilala kay Hesus dahil alam natin maraming nag-aagawan, inaagaw ka, “Huwag di Hesus ang sundan mo, “AKO! AKO! AKO!”

E kapag hindi na ang tunay na Diyos ang susundan, sabi nga sa salmo, sana akitin tayo ni Hesus kasi yung ibang diyos, mga huwad na diyos, grabe mang-akit.

Nung bata ako may kanta e, “Kay rami nang winasak na tahanan, kay rami nang matang pinaluha, kay rami nang pusong sinugatan, O tukso, layuan mo ako!” Ano ho? E baka naman ang kanta natin e, “O tukso, narito ako!” Hay nako ah! (Applause) Baka naghihintay lang d’yan ang mga huwad na diyos, kaya katulad ni Elias, katulad ni San Juan, “O tukso layuan mo ako!” Ganyan din ang ginawa ni Hesus e, tinutukso s’ya, ano ang sabi n’ya, nilabanan n’ya kasi lagi n’yang sinasabi, “Ang sabi ng Diyos… Ang wika ng Diyos… Ang sandata… Para ako sa tunay na Diyos.”

At ang ikalawa po at panghuli na aral. Kita po natin, lalo na kay San Juan Bautista, ang akala ng ibang tao, si Juan Bautista na ang mesias, kasi naghihintay yung mga tao e, darating ang mesiyas, may mga nagtanong sa kan’ya e, “Ikaw ba ang mesiyas? Sabihin mo na sa amin kung ikaw nga.” Alam n’yo kung si San Juan Bautista ay hindi katulad ni Elias na nakatutok sa tunay na Diyos, pwede s’yang nagsamantala nung panahon na iyon, pwede s’yang nag panggap na s’ya nga ang mesiyas. Pero hindi n’ya pinagsamantalahan ang pagkakamali ng ibang tao, inamin n’ya. “Hindi ako ang mesiyas, darating ang mesiyas, ako tagapaghanda lamang, ako ang tinig na sumisigaw sa ilang, pero hindi ako, S’ya ay higit pa sa akin.”

Alam n’yo yan ang dakila sa propetang Elias at Juan Bautista, nabubuhay sa katotohanan, hindi nabubuhay sa panlilinlang ng kapwa. E ang mundo natin kaya hindi makaabaabante, kasi ang totoo, binabaliktad at yuong hindi totoo ay ginagawang totoo, para lamang ang sarili at ang sariling ambisyon ang maiangat.

Tayo pong lahat natutukso ng gan’yan at lahat po tayo nagkamali dahil sa hindi pagkapit sa katotohanan. Ang tukso nanlilinlang, at siguro lahat po tayo hindi lang kayo, lahat tayo ay nalinlang na ng tukso. Kaya po matuto tayo kina Elias at Juan Bautista, masakit man ang totoo, pangatawanan ang totoo.

‘Pag kayo tinanong, minsan nga ini-imagine ko, siguro kung ibang tao lang si Juan Bautista at may lumapit sa kan’ya, “Ikaw ba ang mesiyas?” Kung hindi matino si Juan Bautista, baka sabihin n’ya, “Ah hindi ko na ‘to kasalanan, sila na ang may sabi e, na mukha akong mesiyas.” Baka sabihin n’ya, “Atin-atin lang to ha, ako nga! Ako nga! Ako ang mesiyas.” Edi, s’ya ang sasambahin, s’ya ang susundan, s’ya ang makakaakit ng maraming tagasunod, sisikat s’ya pero ang batayan ay kasinungalingan.

At guguho iyon. Si Elias, si Juan Bautista, makatotohanan, walang ilusyon, walang panlilinlang, kailangan natin ngayon yan sa mundo, sa mundo ng ‘fake news’. Di mo na alam ang totoo, di mo alam kung sinong nagsasabi ng totoo. Ang nagsasabi ng totoo, napapahamak pa nga, yung nagsisinungaling minsan yun pa ang nagkakalusot. Pati buhok ngayon ‘fake’, nagtitina, pinapalitan ng kulay.

Pagtinanong mo ilang taon ka na, “-ty Four” Ano ba yang “-ty Four” na yan? Meron bang number na -ty Four? Yan ba ngayon ang turo sa eskwelahan? Eighteen, Nineteen, -ty. -ty one, -ty two, -ty three, -ty four, -ty five, -ty six (Laughter) -ty nine, -ty! Ulit, -ty one, -ty two, -ty three, ayaw sabihin na 83 ka? Anong masama sa pagiging 83? Yung ibang tao gustong umabot sa 83 pero namamatay sa gutom habang bata, pinapatay, tapos ikaw kinahihiya mo ang edad mo? Binigyan ka na nga ng mahabang buhay, papurihan mo ang Diyos, (crowd answers: AMEN!) Kinahihiya mo, O ikaw ilang taon ka na? (Crowd answers) -ty two? (Laughter) (Applause)

-ty two daw, -ty two! -ty two! (Laughter) Hindi, 32, narinig ko. Peace! (Laughter) baka magalit sa akin ito e. Ayan, pag kayo umuwi na sa inyo, sa mga bahay n’yo, tapos tatanungin kayo ng misis n’yo, “Maaga!” yun pala umaga! (Laughter) Sabihin mo yung totoo, “Saan ka galing?” “Nag-bible sharing kami” (Laughter) Bible sharing. (Laughter) “E ba’t amoy alak na?” “Nagmisa si Monsignor e, pinainom kami ng alak.” Ayan pati si Monsignor nasabit na. (Laughter)

Hay nako! Lusot tayo, lusot, lusot, lusot, lusot. Sa bandang huli hindi na natin alam ang totoo. Hindi na natin alam sino nga ba tayo? hindi na natin alam, saan nga ba patungo ang ating mundo. Kaya makinig po tayo kina Elias, tularan natin sina San JUan Bautista, at pakiusap ko po, sana maging Juan Bautista tayo, maging Elias tayo sa ating panahon.

Ituro natin ang landas, patungo sa tunay na Diyos. Ipakilala natin ang tunay na Diyos sa kapwa at umiwas po tayo sa buhay na para lang maitaguyod ang sarili ay iwinawaksi ang katotohanan, ang integridad ang katarungan at ang paggalang sa kapwa.

Tayo po’y tumahimik sandali at buksan ang ating puso sa biyaya na ibinibigay sa atin ng salita ng Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pananagutan sa kalikasan

 4,423 total views

 4,423 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 9,938 total views

 9,938 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 21,060 total views

 21,060 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 44,505 total views

 44,505 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Pagtigil sa mother tongue-based education

 61,267 total views

 61,267 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 6,411 total views

 6,411 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 6,410 total views

 6,410 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 6,368 total views

 6,368 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 6,380 total views

 6,380 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 6,421 total views

 6,421 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 6,378 total views

 6,378 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 6,464 total views

 6,464 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 6,348 total views

 6,348 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 6,342 total views

 6,342 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 6,415 total views

 6,415 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 6,560 total views

 6,560 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 6,394 total views

 6,394 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 6,443 total views

 6,443 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 6,403 total views

 6,403 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 6,361 total views

 6,361 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top