195 total views
Ito ang mensahe ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission kaugnay na rin sa pagdiriwang ng simbahan ng ‘Year of the Youth’.
“So many young people involve in the church. The future of the church will not be lost because our youth are very much involve,” ayon kay Bishop Bastes.
Ayon kay Bishop Bastes, hindi kailanman maglalaho ang pananampalatayang katoliko dulot na rin ng sigasig ng kabataan sa simbahan.
Ngayong taon, ipinagdiriwang ng simbahang katolika sa Pilipinas ang ‘Year of the Youth’ bilang paghahanda sa gaganaping ika-500 taong pagdiriwang ng katolisismo sa bansa.
Iginiit ng Obispo na ang bawat kabataan ay magiging tagapahaghatid ng ebanghelyo lalu’t sila rin ang bumubuo ng malaking bahagi ng populasyong katoliko.
Mula sa mahigit 80 porsiyentong Katoliko sa kabuuang populasyon ng Pilipinas may 20 porsiyento ay mga kabataang nasa edad 15 hanggang 24.
Una na ring inihayag ni Pope Francis na kinakailangan ang tamang paghuhubog sa kabataan lalu’t sila ang susunod na magiging pinuno ng lipunan at ng simbahan.