193 total views
Pinangunahan ng pinunong pastol ng Diyosesis ng Calbayog ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong Usman sa Northern Samar.
Ayon kay Bishop Isabelo Abarquez, namahagi ng pagkain ang Simbahang Katolika sa mga nasalanta ng bagyo bilang paunang tulong habang patuloy itong kumikilos para sa iba pang pangangailangan ng apektadong mamamayan.
“I was in Pilar, Oquendo, Cabatuan, at Alibaba Calbayog City one of the worst hit areas of typhoon Usman distributing food items to the victims of Usman,” pahayag ni Bishop Abarquez sa Radio Veritas.
Sa pagsasalarawan ng Obispo, mataas ang tubig baha sa buong lugar maging ang Simbahan at kombento ng mga parokya ay inabot ng tubig dahil sa pag-apaw ng ilog.
Inihayag ni Bishop Abarquez na may mga barangay pa sa Calbayog na hindi naabot ng kanilang grupo na kinabibilangan ng mga madre at mga layko na bukod sa malayo ay mahirap abutin bunsod ng mga pagguho ng lupa.
Ibinahagi ng Obispo na 2 indibidwal ang nasawi sa barangay Cag-anahaw, isa sa Cabatuan habang limang katao ang patuloy na pinaghahanap.
Batay sa pahayag ng mga residente sa lugar ito ang pinakamalubhang kalamidad na naranasan ng Northern Samar sa nakalipas na tatlumpong taon.
APELA NG TULONG
Kaugnay dito umapela si Bishop Abarquez sa mamamayan na magkaisa sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Usman upang makabangon sa trahedya.
“Ako po’y nanawagan sa mga nakikinig na kami din po ay napinsala ng bagyong Usman, marami dito ang na-landslide, marami ang mga bahay na affected sa flooding kaya nasira po yung kanilang mga ricefield at tsaka nasira po yung iba – ibang mga bahay dito pati nga Simbahan, at kombento. Nakita ko talaga ang pangangailangan ng mga tao ang food item at some nangangailangan po ng basic construction material for basic shelter,” ani ni Bishop Abarquez.
Samantala, umapela ng kagyat na tulong ang lokal na pamahalaan ng Northern Samar sa mga ahensya ng gobyerno dahil sa matinding epekto ng bagyong Usman sa lalawigan.
Ayon kay Vice Governor Gary Lavin, ang bayan ng Lope de Vega ang labis na nangangailangan ng tulong dahil isolated ito kung saan dalawampu sa 22 barangay ang nalubog sa tubig baha.
PANALANGIN
Sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap nagpasalamat ang Obispo sa kaniyang panalangin sa Panginoon dahil sa panibagong pagkakataon na kaharapin ang taong 2019.
Hiling nito sa Diyos ang patuloy na paggabay sa sangkatauhan sa paglalakbay sa mundo upang manatiling makasusunod sa mga turo ng Panginoon.
Dalangin din ni Bishop Abarquez ang kalakasan ng mga nasalanta ng bagyo at huwag mawalan ng pag-asa at patuloy mananalig sa dakilang pag-ibig ng Diyos.
“Almighty and ever loving Father, thank you so much for giving us another year 2019. Thank you also for all the blessing that you have given us despite of natural calamities and at time of man-made calamities.
We humbly beg you Lord, to continue to guide us, to inspire us, and to bless us as we continue our Journey in the year 2019. Lord God without you we can do nothing, so we humbly beg you to accompany us in this journey, I hope that this journey in 2019 will not be tough and rough but whatever it will be, we know that you are their Lord, so please help us Oh Lord.
And those who are victims of typhoon Usman may you continue to bless them and touch them that they may not lose hope and faith in you for it is only from you Lord that they draw strength in order to go on inspite of this calamity.
Those who are died because of Usman may you grant eternal rest to the souls of the victim and to all of us Filipino people, I hope that this 2019 is going to be a better year for all of us. All this we lift up to you and thank you through Christ our Lord. Amen!