256 total views
Inihayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth ang nakatakdang pagdalo ng mga kabataang Filipino sa 2019 World Youth Day sa Panama.
Ayon kay Rev. Fr. Conegundo Garganta, Executive Secretary ng kumisyon na mahigit 70 youth pilgrims mula iba’t ibang parokya, diyosesis, paaralan at youth organizations ang dadalo sa pagtitipon.
Pagbabahagi ng Pari, kabilang sa mga arkidiyosesis at diyosesis na nag-organisa rin ng mga kabataang kinatawan para sa pagtitipon ng mga kabataan sa Panama ay ang Archdiocese of Manila, Diocese of Novaliches, Diocese of Pasig at ilang pang mga diyosesis sa bansa.
“We have at least from the Episcopal Commission on Youth around 70 youth pilgrims coming from different parishes, dioceses, from different schools and youth organizations then outside of the Episcopal Commission on Youth there are still other groups like dioceses like Archdiocese of Manila, Diocese of Novaliches, Diocese of Pasig these dioceses also organized delegation that will participate in Panama…” pahayag ni Father Garganta sa panayam sa Radyo Veritas.
Tinataya ng kumisyon na aabot sa mahigit 250 ang mga Filipinong delegadong dadalo sa nakatakdang 2019 World Youth Day sa Panama sa ika-22 hanggang ika-27 ng Enero.
Ipinaliwanag ni Father Garganta na kabilang sa 250 Filipinong delegado ay ang mga Pari at mga Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis na inaasahang magsisilbing tagapag-gabay ng mga youth pilgrims na dadalo sa pagtitipon.
Kabilang sa mga tinukoy ni Fr. Garganta na opisyal ng nakapagpatala para sa World Youth Day sa Panama ay sina Diocese of Talibon Bishop Daniel Patrick Parcon, Diocese of Bacolod Bishop Patrick Buzon, Diocese of Novaliches Bishop Antonio Tobias at ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
“One is Bishop Parcon of Talibon, Bishop Pat Buzon of Bacolod, I understand that the Cardinal, Cardinal Tagle will also participate, Bishop Tobias of Novaliches is also coming these are the Bishops that I know who already registered for the World Youth Day to be held in Panama, around 200 – 250 I’m not sure of the number because we have not collected or gathered the numbers yet from those other groups outside of the Episcopal Commission on Youth…” pahayag ni Father Garganta.
Taong 1986 ng unang isinagawa ang World Youth Day sa pangunguna ng noong Santo Papang si Saint John Paul the 2nd bilang isang malaking pagtitipon ng mga kabataan upang ipahayag at patuloy na patatagin ang pananampalataya sa Panginoon.
Samantala, naitala naman sa Pilipinas noong 1995 World Youth Day Closing Mass ang World Record na Largest Number of People Gathered for a Single Religious Event na umabot sa 5-million indibidwal.