Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kailan mababasag ang katahimikan?

SHARE THE TRUTH

 289 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang opisyal at nakasulat na mensahe para sa mga Pilipino sa pagsisimula ng taóng 2019, hinikayat tayo ni Pangulong Duterte na magnilay at matuto sa ating nakaraan bilang isang bayan. Sa pamamagitan daw nito, magiging mas malakas ang ating loob na harapin ang kinabukasan at lampasan ang anumang pagsubok na kakaharapin natin. Ang atin daw “patriotic fervor” o masidhing pagmamahal sa bayan at “solidarity” o pakikipagkapwa-tao ang makatutulong sa atin upang lampasan ang mga hamon sa pag-usad natin tungo sa mas masagana at progresibong kinabukasan.

Siya rin ang pangulong kamakailan ay tinawag na “silly” o kahangalan o kalokohan ang Banal na Santatlo o Holy Trinity. Wala rin daw siyang “bilib” kay Hesus dahil hinayaan niya ang kanyang sariling ipako sa krus. “Unimpressive” o hindi kahanga-hanga para sa ating pangulo ang pag-aalay ni Hesus ng kanyang buhay para sa kaligtasan ng tao mula sa kasalanan. Siya rin ang pangulong minaliit ang mga santo na tinawag niyang mga hangal o “fools” at lasenggero o “drunkards.” Kung sabagay, ano ang maasahan natin isang taong tinawag ang Diyos bilang “stupid” at pinagbantaan ang isang obispo na papapugutan siya nito?

Siya rin ang pangulong walang patíd ang batikos sa mga paring umaabuso sa mga babae at kabataan ngunit umamin kamakailan na hinupuan niya sa maselang bahagi ang kanilang kasambahay noong teenager pa siya. Siya ang pangulong nagsabing siya dapat ang naunang nakagahasa sa isang dayuhang misyonerong pinagsamantalahan ng mga nag-riot na preso sa siyudad na pinamunuan niya sa mahabang panahon. Siya rin ang ating lider na nag-utos sa mga sundalong barilin sa ari ang mga babaeng rebelde upang hindi na raw sila mapakinabangan.

Ang taong naghihikayat sa ating magkaroon ng “solidarity” ang siya ring naghihikayat sa mga taong patayin ang mga kilalá nilang adik at kriminal na idineklara niyang hindi mga tao. Ang taong nagpaalala sa ating mahalin ang ating bayan ang siya ring nangunguna sa pagtatanggol sa mga Tsinong umagaw sa huling isda ng mga kababayan nating mangingisda sa karagatang unti-unti nang kinokontrol ng ibang bansa. Ang lider na umaasang magkakaroon tayo ng maunlad na 2019 ang nagmura sa mga pobreng tsuper ng dyip na nababahala sa planong pagpapaalis sa kanila sa lansangan at ang naghangad na mamatay ang mga maralitang lulóng sa ipinagbabawal na gamot.

Mapapailing na lang tayo sa kabalintunaang ito.

Noong bumisita si Pope Francis sa Amerika noong 2015, sinabi niya sa harap ng mga obispo roon: “Harsh and divisive language does not befit the tongue of a pastor, it has no place in his heart; although it may momentarily seem to win the day, only the enduring allure of goodness and love remains truly convincing.” Hindi marapat sa isang tunay pastol ang pananalitang marahas at nakapaghahati, wala puwang ang mga ito sa kanyang puso. Bagamat maaaring magbigay ng pakiramdam ng tagumpay laban sa mga pinatutungkulan ang mga salitang ito, pangmatagalang bighani ng kabutihan at pag-ibig ang tanging kapani-paniwala sa lahat.

Ngunit malakas ang loob ng mga mararahas magsalita sa kanilang kapwa at nagpapalaganap ng baluktot na mga pananaw, hindi lamang dahil may mga sang-ayon sa kanilang sinasabi at ginagawa. Nagpapatuloy sila dahil sa katahimikan ng marami sa atin. At sa pananahimik na ito, mistulang tinatanggap natin ang paghamak sa ating pananampalataya. Sa hindi natin pag-imik, tinatanggap nating walang problema sa pag-abuso sa mga babae o sa pagtiklop natin sa mga mapang-aping bansa. Sa pagtikom natin ng ating mga bibig, tinatanggap natin ang karahasan, pananakot, at kultura ng kamatayan.

Mga Kapanalig, sa ating pananahimik, nagiging bahagi tayo ng napakalaking kabalintunaang umiiral sa ating bayan, ng kabalintunaang yumuyurak sa dignidad ng ating kapwa at karangalan ng ating bayan. Kailan kaya mababasag ang katahimikan?

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Job Mismatches

 9,367 total views

 9,367 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 15,700 total views

 15,700 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 20,314 total views

 20,314 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 21,875 total views

 21,875 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 37,775 total views

 37,775 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 9,369 total views

 9,369 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 15,702 total views

 15,702 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 20,316 total views

 20,316 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 21,877 total views

 21,877 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 37,777 total views

 37,777 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 62,470 total views

 62,470 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 68,046 total views

 68,046 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 73,527 total views

 73,527 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 84,640 total views

 84,640 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 80,639 total views

 80,639 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 68,341 total views

 68,341 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 76,823 total views

 76,823 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 69,882 total views

 69,882 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 76,806 total views

 76,806 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 73,900 total views

 73,900 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top