Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Deboto ng Poong Hesus Nazareno, tunay at hindi huwad

SHARE THE TRUTH

 391 total views

Wagas na pag-ibig, katapatan at pakipag-isa ang mga katangian ng pagiging deboto ng Poong Hesus Nazareno.

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng kapistahan ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na may temang ‘Hinirang at Pinili upang maging lingkod Niya’.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ito ay hindi lamang paggaya kundi pakikipag-isa sa kaluwalhatian, tuwa maging sa pagdurusa at pangamba.

Iginiit ng Kardinal na ang pagiging deboto ay hindi nangangahulugan ng perpektong pakikipag-ugnayan sa Panginoon kundi pinagyayabong sa pamamamagitan ng paglilingkod at pagpapasa ng pananampalataya sa kapwa.

ARAW-ARAW NA DEBOSYON KAY HESUS
Ipinaalala ni Cardinal Tagle na ang debosyon kay Poong Hesus Nazareno ay araw-araw hindi lamang tuwing ika-9 ng Enero o sa Traslacion.

“Nakakatawag-pansin ang ika-9 ng Enero dahil parang naipapakita ng bawat deboto ang sidhi ng kanyang pamimintuho kay Poong Hesus Nazareno. Pero hindi nababanggit kalimitan na ang debosyon sa Poong Hesus Nazareno ay hindi lamang tuwing January 09; ang debosyon sa kanya ay hindi lamang sa Traslacion. Araw-araw, ang daming sumisimba sa lahat ng misa sa Quiapo Church, t’wing Biyernes lalo na pag First Friday, tuloy ang debosyon. At hindi lamang sa Quiapo lahat ng parokya na halos at sa ibang bahagi ng mundo,” pahayag ni Cardinal Tagle

SI HESUS ANG UNANG DEBOTO
Inihayag ng Kardinal na kailangang ipagdiwang ang debosyon dahil ito’y biyaya at paghirang.

Inihalimbawa ni Cardinal Tagle si Hesus na bumaba sa langit at hinubad ang karangalan bilang anak ng Diyos upang makiisa sa tao.

“Kasi po ang unang naging deboto sa atin, devoted to us, ay si Hesus mismo. Siya ang deboto ng kanyang Ama sa langit at pinakita rin Niya na Siya ay devoted sa atin. Sa Ebanghelyo ayon kay San Juan, Siya ay ang anak ng Diyos na bumaba mula sa Langit at hinubad ang kanyang karangalan sa langit bilang anak ng Diyos para makiisa sa atin. Iyong ibang tao kapag nasa langit na hindi mo na yan mapapababa! Pero si Hesus nasa langit bababa para samahan tayo. That’s devotion”. bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle

DEBOSYON AT PANATISISMO
Binigyan diin ng Kardinal na ang tunay na deboto ay nagmamahal, tapat at nakikipag-isa sa minamahal hindi tulad ng panatiko na kumakapit lamang sa nagbibigay ng halaga sa kanya.

“Katangian ng deboto na nakikita kay Hesus.Una, pagmamahal na wagas. Ikalawa, katapatan o loyalty na naglilingkod. At ikatlo, pakikipag-isa sa aking minamahal. Ang panatiko hindi nagmamahal, ang panatiko kumapakapit lang sa isang nagbibigay ng halaga sa akin, pero ang deboto hindi iyon ang dahilan. Devoted ka dahil mahal ko Siya. Iyan ang pinakita ni Hesus, iyan din ang diwa ng debosyon, nag-uumapaw na pag-big.” paglilinaw ni Cardinal Tagle.

TUNAY NA DEBOTO NG POONG HESUS NAZARENO
Sinabi ni Cardinal Tagle na ang tunay na deboto ay pinapayabong at pinapayaman ang debosyon araw-araw.

“Hindi natin sinasabi na ang pagiging deboto ay pagiging perpekto na sa ugnayan kay Hesus, hindi po. Katulad nang kahit na anong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pakikipag-kaisa ito ay araw-araw pinagyayaman, huwag pababayaan. Ito ay pinalalakas, ito ay pinapasa, itinuturo sa iba. At kung ang debosyon ay kay Hesus, Wow, wow. Mas mabuti na si Hesus ang mahalin, ang maging tapat, ang paglingkuran at maging kaisa natin. Si Poong Hesus Nazareno ang mahalin hindi ang mga huwad na Diyos na kalimitan ay minamahal, pinaglilingkuran at pinagkaka-isahan ng puso.

Nagsimula ang Traslacion ng imahen ng Poong Hesus Nazareno alas-5 ng umaga mula sa Quirino grandstand pabalik sa kaniyang dambana sa Minor Basilica of the Black Nazarene.

Bukod sa Maynila, ilang ding lugar sa Pilipinas ang nagsagawa ng Traslacion kabilang na dito sa Cagayan De Oro, Tagum, Batanes, Legazpi at Nueva Vizcaya maging ang mga Filipino Community sa United Arab Emirates.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 50,626 total views

 50,626 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 61,701 total views

 61,701 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 68,034 total views

 68,034 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 72,648 total views

 72,648 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 74,209 total views

 74,209 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 7,609 total views

 7,609 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 12,590 total views

 12,590 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 14,804 total views

 14,804 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

‘Papal award’ igagawad kay Ret. CJ Panganiban

 19,599 total views

 19,599 total views Pangungunahan ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng ‘papal award’ kay retired Supreme Court Chief Justice Artemio V. Panganiban. Si Panganiban ay ang kasalukuyang Pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation. Ang Pro Ecclesia et Pontifice ay isang mataas na parangal mula sa Santo Papa ng Simbahang Katoliko na ibinibigay

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Interreligious dialogue at harmony, misyon ng Santo Papa

 19,786 total views

 19,786 total views Bukod sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon, ang pag-abot at pakikipagtagpo sa mga mananampalataya sa malalayong lugar at ibang pananampalataya ang isa sa mahalagang gawain ng Santo Papa Francisco bilang pinuno ng simbahang katolika. Ito ang binigyan diin ni Apostolic Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown sa 45th Apostolic Journey ni Pope

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Paglapastangan sa Huling Hapunan sa Paris Olympics: Obispo, hinikayat ng mananampalataya na tumugon ng may pag-ibig

 28,636 total views

 28,636 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bilang mga anak ng Diyos, ay hindi dapat tanggapin ang mga pananaw ng mga hindi sumasampalataya o umangkop sa pamantayan ng mundo. Ito ang mensahe ng obispo, kaugnay na rin sa ginawang paglalarawan ng Huling Hapunan ng ilang grupo na ginanap sa pagsisimula ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 50,935 total views

 50,935 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 49,292 total views

 49,292 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 56,159 total views

 56,159 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 67,223 total views

 67,223 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 64,595 total views

 64,595 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 67,634 total views

 67,634 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 66,995 total views

 66,995 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 77,231 total views

 77,231 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 76,904 total views

 76,904 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top