329 total views
Hinamon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples ang mga presidentiables na huwag tutularan ang palpak na pagtugon sa problemang kinaharap sa mga overseas Filipino workers sa ilalim ng adminitrasyong Aquino.
Ayon kay CBCP – ECMI Balanga Bishop Ruperto Santos, ipinakita lamang ng kasalukuyang administrasyon ang pagiging manhid nito sa kalagayan ng mga OFW at ang kawalan ng utang ng loob sa pagpapa – angat ng ekonomiya ng bansa.
Sa pagsusuri ni Bishop Santos kinakailangan na maihalal ang isang pangulo sa bansa na may malasakit, pagmamahal at ipinagtatanggol ang karapatan at kapakanan ng mga OFWs kasabay ng tapang ng loob na sugpuin at papanagutin ang mga nasa likod ng tanim – bala scheme gayundin ang ilan pang isyu na kinakaharap ng mga migrante.
“Kung sa papel sa mga OFW ay masasabi ko na kulang at walang pagmamalasakit at masasabi ko na kung saan ay napakinggan naman natin sa lahat ng SONA niya hindi naman niya napasalamatan ang pagpapakasakit ang pagbibigay at pagtulong ng mga OFWs sa ating ekonomiya. Ang nangyari sa tanim – bala, tanim basket ay palaging denial at palaging sinasabi na isolated cases, naninira lamang at dito makikita dito na ang karangalan ng OFW at sa karanasan ng mga OFW ay walang nagawa at walang ginawa. Walang pagmamalasakit sa ating mga OFW,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol
Nabatid na mapayapa namang nakabalik sa bansa ang nasa 140 OFWs mula Kuwait na nakaranas ng sari – saring pang – aabuso.
Hiniling ng mga ito sa susunod na pangulong maihahalal na itigil na ang pagpapadala ng mga Pilipino sa ibang bansa.
Sinasabing mula sa 18- libong O-F-W sa Kuwait ay nasa 3 libo ang undocumented.