Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag pakawalan ang pagkakataong baguhin ang pulitika

SHARE THE TRUTH

 378 total views

Mga Kapanalig, kung isinagawa ang midterm elections noong kalagitnaan ng Disyembre, karamihan sa mga mananalong senador ay ang mga pulitikong tikóm ang bibig sa lantarang paglapastangan sa dignidad ng buhay ng mga Pilipino. Sa survey na ginawa ng Pulse Asia noong isang buwan, lumabas na pipiliin ng mga botante ang mga may pangalang sikát—anak ng isang artista; mga artistang dawit sa katiwalian; asawa ng isang bilyonaryong mangangamkam ng lupa; at mga anak ng mga tiwaling pulitiko at ng pinatalsik na diktador. Kung may bago man, kilala naman siyang berdugo at kumikiling sa marahas na paglutas sa problema ng krimen.

Nakalulungkot ang ipinahihiwatig ng kinalabasan ng survey ng Pulse Asia. Kung ganito nga ang mangyayari sa halalan sa darating na Mayo, pinakakawalan natin ang isang mahalagang pagkakataon upang magkaroon ng positibong pagbabago sa pamahalaan. Halos lahat kasi sa kanila ay kilaláng dikít sa kasalukuyang administrasyon. Ilan sa kanila ang may utang na loob dito o kaya naman ay nais maging mabango hindi lamang sa ating pangulo kundi sa mga masusugid niyang tagasunod.

Ngayong ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga nagpapalaganap ng kasinungalingan upang manatili sa poder, hindi praktikal para sa mga pulitikong sariling interes lamang ang iniisip na maging alternatibong boses sa pamahalaan. Kung nais nilang manalo sa halalan, hindi nila babanggain ang mga patakaran ng administrasyon kahit pa nagpapahirap ang mga ito sa mga ordinaryong mamamayan. Hindi nila kukuwestuyinin ang pamamalakad ng administrasyon kahit pa ipinagpapatuloy nito ang kultura ng katiwalian sa pamahalaan. Hindi sila magsasalita tungkol sa walang prenong paninira ng pinakamataas nating lider sa mga institusyong gaya ng Simbahan at ng malayang media na nagbabantay at pumupuna sa pagmamalabis ng mga nasa pamahalaan. Hahayaan lamang nila ang mga pananalitang walang paggalang sa dignidad ng mga babae at mga pahayag na iniinsulto ang pananampalataya ng mga tao.

Kaya mahalagang hangga’t maaga ay pinag-iisipan na natin kung sinu-sino ang mga iboboto natin sa darating na halalan. Walang perpekto sa kanila. Walang makapagbibigay ng agarang solusyon sa mga problema ng bayan. Wala ring makagagawa ng mga batas na agad na makapagpapagaan ng buhay ng mga mahihirap. Ngunit kung masinsinan nating susuriin ang kuwalipikasyon at husay ng mga kandidato sa halip na gamiting batayan ang kanilang kasikatan, makikita natin kung sinu-sino ang karapat-dapat na magkaroon ng pagkakataong maging tunay na lingkod-bayan. Batayan din dapat ang kanilang paninindigan sa maraming isyung bumabagabag sa ating bayan—ang kaliwa’t kanang patayan, ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang kawalan ng pangmatagalang trabaho, ang paniniil sa kalayaan sa pamamahayag, at marami pang iba.

At bilang mga Katoliko, malaki ang papel na ginagampanan ng ating pananampalataya sa pagpili ng mga mamumuno sa ating pamahalaan. Sabi nga ni Pope Francis sa Evangelii Gaudium, kaakibat ng tunay na pananampalataya ang malalim na pagnanais na baguhin ang ating mundo, na maipasa ang ating mga pinahahalagahan o values, at na lumisan sa mundo nang nasa mas mabuti itong kalagayan kaysa noong dumating tayo rito. At kung pangunahing tungkulin ng pulitika na isaayos ang lipunan nang ito ay maging makatarungan, hindi dapat manatili ang Simbahan sa gilid lamang ng laban para sa katarungan.

Tayong lahat ay bahagi ng Simbahan, at bilang mga bumubuo ng Simbahan, tungkulin nating pumili ng mga magpapatakbo ng ating pamahalaang magtitiyak na umiiral ang katarungan sa lipunan. At ang isang mabuting Kristiyano ay bumoboto batay sa kanyang konsensya. Bumoboto tayo nang ang laging isinasaisip ay ang kapakanan ng lahat at hindi ang kapakinabangan ng iilan.

Kaya mga Kapanalig, sa mga pangalang nangunguna sa mga survey, masasabi ba nating isinusulong nila ang kabutihan ng lahat at tunay na katarungan? May panahon pa tayong mag-isip.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 45,495 total views

 45,495 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 56,570 total views

 56,570 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 62,903 total views

 62,903 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 67,517 total views

 67,517 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 69,078 total views

 69,078 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 45,496 total views

 45,496 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 56,571 total views

 56,571 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 62,904 total views

 62,904 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 67,518 total views

 67,518 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 69,079 total views

 69,079 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,132 total views

 44,132 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,793 total views

 66,793 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,369 total views

 72,369 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,850 total views

 77,850 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,963 total views

 88,963 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,962 total views

 84,962 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,664 total views

 72,664 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,146 total views

 81,146 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,205 total views

 74,205 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,129 total views

 81,129 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top