702 total views
Mahalaga sa Commission on Elections (COMELEC) ang pagsasama-sama at pagkakaisa ng iba’t ibang relihiyon at mga denominasyon para sa pananalangin upang magkaroon ng matapat, maayos at makabuluhang halalan sa bansa.
Ayon kay COMELEC – NCR Assistant Regional Director Atty. Jovencio Balanquit, mahalaga ang suporta ng iba’t-ibang mga institusyon ng Simbahan sa layuning maisulong ang pagkakaroon ng malinis na halalan.
“Ang isang pagpapakita na lahat ng relihiyon ay nagsasama-sama at nagdarasal para sa isang maganda at makabuluhang halalan ay mahalaga sa COMELEC bilang nangunguna o tagapanguna na nagpapatupad ng batas ng halalan…” pahayag ni Balanquit sa panayam sa Radyo Veritas.
Bahagi ng inorganisang gawain ng COMELEC katuwang ang Philippine National Police bilang hudyat ng 2019 Midterm Elections ang Unity Walk, Interfaith Prayer Rally and Peace Covenant Signing.
Read: Mapayapa, maayos at tapat na halalan, hamon sa mga Filipino
Pinangunahan ng Military Ordinariate of the Philippines ang naganap na Interfaith Prayer Rally kasama ang Philippine Council of the Evangelical Churches at Imam Council of the Philippines.