204 total views
Hindi na credible ang mga survey ngayon.
Ito ang tinuran ng Political analyst na si Prof. Ramon Casiple bagamat may kahalagahan pa rin ito sa mga campaign managers at sa mga kandidato.
Ayon kay Casiple, maaaring isabotahe na ang mga survey ngayon kung saan kapag nalaman ng mga kandidato kung saan lugar ito, doon sila maglalagay ng pera na tiyak makakaapekto sa sagot ng mga sinasailalim sa survey.
“May certain level of importance yan lalo na sa campaign managers at kandidato pero if sa publiko, nako confuse na rin ang tao, kaya ang isang explanation ko, alam ng pulitko na battle grown ang survey, kapag na-amplify ng media ang survey nagkakaron ng sariling political impact at yun akala ng mga pulitiko importante yun lalo na sa panahon ngayon, ang problema kahit ang survey outfit matino ang ginagawa pwede sila -itrap sa baba, like if nalaman kung saan sila magsa-survey bubuhusan ng pera yan para maapektuhan for sometime ang mga sinu-survey, kaya ako between the line na lang, mas reliable yung grown report.” Pahayag ni Casiple sa panayam ng Radyo Veritas
Sa mga latest survey gaya ng Standard Polls o Laylo Report, patuloy na nangunguna sa pagkapangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte habang halos pantay na sa pangalawang posisyon sina Senador Grace Poe at Manuel Roxas.