197 total views
Ito ang tugon ni Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pahayag ng Malakanyang na bukas ito sa pakikipag-usap sa mga opisyal ng Simbahang Katolika.
Sinabi ng Pari na to ang pinakamainam na gawin ng pamahalaan upang mapatutunayang mali ang iniisip ng mga kritiko laban sa administrasyon.
“He should pay more attention responding to the pressing needs of the people so that he can prove his critics wrong. And that’s nobler than simply talking to his perceived adversaries,” mensahe ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.
Bagamat naniniwala ang Simbahang Katolika na ang pakikipag-usap ang mabisang paraan upang malutas ang anumang hindi pagkakasundo, iginiit ni Fr. Secillano na hindi rin matiyak ng Simbahan na hihinto ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pambabanta sa mga Obispo, Pari at paglapastangan sa katuruan ng Simbahang Katolika.
“Can that dialogue stop the president from hurling invectives, threats and insults to the catholic church? It may appear to be a noble initiative but the last time it happened nothing of what was expected came out of it,” dagdag ni Fr. Secillano.
Magugunitang ika – 9 ng Hulyo nang nakalipas na taon nang makipagkita si Davao Archbishop at CBCP President Romulo Valles kay Pangulong Duterte sa Malacañang at kabilang sa mga napagkasunduan ang moratoryo sa pagbibigay pahayag ng pangulo laban sa Simbahang Katolika.
Subalit hindi tinupad ng pangulong Duterte ang nasabing moratoryo sapagkat patuloy itong nagpapahayag ng mga maanghang na salita laban sa mga namumuno sa Simbahan kabilang na dito ang pagbabantang paslangin ang mga Obispo, panghahamak sa turo ng Simbahan tungkol sa Banal na Santatlo at sa nakapakong Hesukristo.
Sinabi ni Fr. Secillano na sayang lamang ang oras ng pamahalaan sa pang-aaway sa Simbahan at hindi ito makatutulong sa pamayanan.
“He is simply wasting his political capital quarreling with the church,” ani ng Pari.
Sa mensahe ni Pope Francis noong ika – 52 World Day of Peace kung saan nakatuon ang pagninilay sa “good politics at the service of peace”.
Pinaalalahanan nito ang bawat pinuno ng bayan na isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa sa paglilingkod na nakabatay sa kawanggawa at paghubog ng pagkatao ng nasasakupan.