329 total views
Nakatakdang magtungo sa Roma ang mga obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa ‘Ad Limina visits’ kay Pope Francis.
Ayon kay Father Gregory Gaston, rector ng Pontificio Colegio Filipino at Radio Veritas Correspondent sa Vatican, ito ay gaganapin sa buwan ng Mayo at Hunyo.
“Darating sila sa May and June. Ad Limina ibig sabihin ang bishops regularly pumupunta sa Holy Father sa tomb ng mga apostles, major basilicas at nakikipag-meeting na rin sa iba’t ibang offices ng Vatican. Isang paraan ‘yan para malaman talaga ng Pope ang sitwasyon sa iba’t ibang bansa,” ulat ni Father Gaston sa panayam ng Radyo Veritas.
Karaniwang nanatili sa Pontificio Colegio Filipino ang mga Obispo sa kanilang pagbisita sa Santo Papa.
Ang Ad Limina– ay ang regular na pakikipagpulong ng mga Obispo ng iba’t ibang bansa sa Santo Papa at ngayong taon ay nakatalaga ito sa mga obispo ng Pilipinas.
‘One-week ad limina’
Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, dahil sa dami ng mga Obispo ay karaniwan itong hinahati sa bawat grupo.
“I belong to group 2 starting May 27 until June 2. It is supposed to be every 5 years we are suppose to meet the Holy Father as head of the Apostolic College. However, the Pope is so busy and we are so many bishops now, instead of 5 years, it’s been 9 years already,” ayon kay Bishop Bastes.
Sinabi ni Bishop Bastes na ito ang panahon ng pag-uulat ng mga Obispo sa Santo Papa sa mga pangyayari sa kanilang lugar maging ang iba pang mga usapin na kinakaharap ng bawat Diyosesis.
Sinabi ng Obispo bago pa man ang nakatakdang ‘ad limina’ ay naisumite na ng mga Obispo ang kanilang ulat sa Santo Papa noong Hunyo.
Sa panig ng Sorsogon, ipinagmalalaki ni Bishop Bastes ang mga nagawa ng simbahan sa kanilang diyosesis.
“Sorsogon is doing a good thing now. We have so many priests now. I have ordained already 28 priest, most of the young priests are involved now in pastoral plans and chairmanship. We also have 170 seminarians; 100 minor seminarian. I have 27 college seminarian and more than 30 theologians and 5 are candidates for priesthood. So, this is a good sign,” ayon kay Bishop Bastes.
Sa Abril, magdiriwang ng ika-75 kaarawan si Bishop Bastes- ang itinalagang ‘retirement age’ para sa mga obispo.
“So I am happy to end it with a happy note,” ayon pa sa Obispo.
Bukod sa pakikipagpulong kay Pope Francis, kabilang din sa mga gawain ng obispo ay ang pagdalaw sa libingan ng mga apostol at mga pangunahing basilica sa Roma.
Tinatayang may mahigit sa 90 ang bilang ng mga aktibong Obispo at Arsobispo sa Pilipinas sa siyang nangangasiwa sa 86 na diyosesis sa buong bansa.