253 total views
Ito ang mariing panawagan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo matapos na mabahala ang Employers Confederation of the Philippines o ECOP at ang Philippine Association of Legitimate Service Contractors Incorporated o PALSCON.
Ikinatwiran ng samahan ng mga employer na legal ang contractualization sa ilalim ng batas.
Ayon naman kay Bishop Pabillo, na maituturing na pang – aapi sa karapatan ng mga manggagawa na maging regular sa kanilang trabaho dahil inaabuso at inaalipin lamang ng mga employers upang makatipid sa pagbibigay ng mababang pasahod at walang benepisyo.
Aminado si Bishop Pabillo na makatarungan na ang mga nasa auxiliary businesses ay pawang kontraktuwal ngunit ang nasa core businesses o mga malalaking kumpanya ay hindi katanggap – tanggap ang “endo” system.
“Hindi dahilan yan na aapihin natin ang manggagawa para lang marami ang magtrabaho kasi nakikinabang diyan ay ang mga employers mismo. Hindi totoo yan tinatakasan nila ang batas kasi maraming contractualization ay core businesses na. Yung pagawaan, manufacturing, core businesses yan mag – mamanufacture ang manggagawa diyan hindi magiging contractual,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.
Hiniling ni Bishop Pabillo na maawa ang mga employers sa kanilang mga manggagawa na inaasahan ng kanilang pamilya at iwaksi ang pansariling interes lamang.
Sinasabi ng PALSCON kung tatanggalin ang contractualization sa bansa ay aabot sa higit isang milyong manggagawang Pinoy ang mawawalan ng trabaho.
Batay pa sa 2014 Integrated Survey on Labor and Employment ng Philippine Statistics Authority sa mga kumpanya na may 20 at higit pang mga empleyado, 39 na porsyento o 1.96 na milyon ng kabuuang 5.06 na milyong manggagawa ay hindi regular o pawang kontrakwal lamang.