Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PACOM 4, handog ng Simbahan sa kabataan

SHARE THE TRUTH

 200 total views

Sesentro sa mga kabataan ang isasagawang 4th Philippine Apostolic Congress on Mercy simula sa ika-24 hanggang ika-26 ng Enero, 2019 sa Filoil Flying V Center, San Juan, Metro Manila.

Tema ng PACOM 4
“The Divine Mercy in Communion with the Young” na hango sa Year of the Youth na isa mga tema ng paghahanda para sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Ayon kay Father Ernesto Panelo – Diocesan Divine Mercy Spiritual Director, kaisa ang mga kabataan sa pagbubuo ng programa para sa PACOM 4.

Sinabi ng Pari na mahalagang mula mismo sa mga ito ang mga ideya ng tatalakayin sa tatlong araw na pagtitipon upang lalo pang mapayaman at mapalalim ang debosyon ng mga nakatatanda at mga kabataan sa Divine Mercy.

“Yung ating young people, ito’y mga kasama natin sa apostolate, ito’y kasama natin sa simbahan, may kanya-kanyang strugles sa buhay, may kan’ya-kan’yang pinagdadaanan at ramdam nila yung awa, kung paano gumalaw yung awa ng Diyos.” pahayag ni Father Panelo sa Radyo Veritas.

Samantala, naniniwala naman si Bro. Jun Bernad – Program in-charge sa PACOM 4 na mas magiging epektibo ang pagpapakalat ng debosyon sa Divine Mercy kung pangungunahan ito ng mga kabataan.

Inihayag ni Bernard na karaniwan nang nagdedebosyon dito ang mga nakatatanda kaya naman nais ng PACOM 4 na ipakita at ipadama sa mga mas nakababata na ang Divine Mercy ay para din sa kanila.

“Kasi ang naaattract sa divine mercy ang mga nakatatanda pero ang pananaw namin mas makakabuti kung ang mga kabataan ang nasa frontline ng pag-spread ng devotion nitong divine mercy.” Pahayag ni Bernad.

PACOM 4- DAY 1
Karamihan sa mga panayam sa PACOM 4 ay akma sa kaugalian at suliranin na kinahaharap ng mga kabataan sa kasalukuyan.

Sa unang araw ng pagtitipon, magbabahagi si Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos – WACOM Asia Episcopal Coordinator, ng panayam sa paksang Divine Mercy for You(th).

Bibigyang pagpapalalim dito ang debosyon sa Divine Mercy bilang isang biyaya na kinakailangang ibahagi at ipalaganap.

Kasunod nito ay ang IMG (I Am God) Selfie Syndrome and the Image of the Divine Mercy na tatalakayin naman ni Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – Vice President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Layunin ng paksang ito na maipabatid sa mga mananampalataya na ang Panginoon ang nararapat na sentro ng buhay ng isang Kristiyano at hindi ang kan’yang sarili.

PACOM 4-DAY 2
Sa ikalawang araw ng pagtitipon, tatalakayin ang paksang N-Chances from No to Nfinity – healing from a broken relationship through the Divine Mercy ni Father Mark Laguardia, SDB.

Mababatid sa paksang ito ang walang hanggang awa ng Panginoon na handang magbigay ng kapatawaran sa tao upang maipagkaloob din ng bawat isa ang kapatawaran sa kan’yang kapwa.

Kasunod nito ang Love Despite Regret (LDR) na may kaugnayan sa naunang paksa dahil ang pagbibigay kapatawaran sa kapwa ay nangangahulugan ng pagbabahagi ng pag-ibig na nakaugat sa awa at habag ng Panginoon.

Naniniwala si Father Panelo na ang tunay na pagpapatawad na mula sa Panginoon ay magiging tunay lamang kung taos sa puso ang pakikipagkasundo ng isang tao sa kan’yang kapwa.

“Kapag nakipag reconcile ka sa kabila ng ikaw ay sugatan, sa kapwa mo sugatan din, yun ang totoong mukha, nagiging real yung expression, kaya sabi nga po ito yung Love Despite Regrets, ibig sabihin ay gusto mong ipahayag yung naayos mong relasyon sa Diyos, kaya gagawa ka ng paraan, mag eeffort ka para maayos din yung relationship mo sa kapwa.” pahayag ni Father Panelo.

Samantala, ang ikalimang panayam na ibabahagi ni Father Jose Francisco Syquia – Chief Exorcist Priest ng Archdiocese of Manila, ay pinamagatang Immortal Combat – Divine Mercy and the battle for souls.

Dito ibabahagi ang mga paraan kung paano maipagtatanggol ng mga mananampalataya ang kanilang ispirituwalidad at kung paanong mas mapalalakas ng bawat isa ang debosyon sa Banal na Awa ng Diyos.

PACOM 4 – DAY 3
Sa huling araw ng PACOM 4 ay magkakaroon ng talakayang tampok ang mga suliraning hinaharap ng mga kabataan tulad ng mga usapin ng sexual orientation, addiction, bullying, at peer pressure.

Isang grupo ng mga panelist ang magbabahagi ng kanilang karanasan kung paano pakitunguhan at gabayan ang mga kabataang dumadaan sa ganitong pagsubok sa buhay.

Umaasa ang mga bumubuo ng PACOM 4 na sa pagtatapos ng pagtitipon ay maibabahagi ng mga dumalo ang lahat ng kanilang natutunan sa kanilang parokya at sa maliliit pang komunidad na kanilang kinabibilangan.

Isang hamon din ang iiwan ng PACOM 4 sa mga mananampalataya na isabuhay ang Corporal Works of Mercy at magkaroon ng kongkretong programa sa kanilang mga simbahan na tutugon sa pangangailangan ng kapwa at magpapadama ng pag-ibig, awa at habag na mula sa Panginoon.

Sa kasalukuyan tinatayang nasa 2,500 indibidwal na ang inaasahang dadalo sa PACOM 4.

Bukas pa rin ang pagpaparehistro sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Manila Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy at bubuksan din ang on-site registration sa unang araw ng PACOM 4.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 42,388 total views

 42,388 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 53,463 total views

 53,463 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 59,796 total views

 59,796 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 64,410 total views

 64,410 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 65,971 total views

 65,971 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Taong walang pananampalataya, hindi magkakamit ng kaligtasan

 60,418 total views

 60,418 total views Maringal na ipinagdiwang ng mananampalataya ang kapistahan ng mahal na birhen ng Santissimo Rosaryo La Naval de Manila sa kabila ng malakas na ulan at limitadong bilang ng maaaring makapasok sa simbahan noong ika-11 ng Oktubre 2020. Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng banal na misa sa National Shrine of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 60,201 total views

 60,201 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine of Mount Carmel, Broadway Avenue, New Manila, noong ika-15 ng Agosto sa gitna ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ito ay matapos igawad ng Santo Papa sa pamamagitan na

Read More »
Circular Letter
Veritas NewMedia

Circular Letter: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC

 60,196 total views

 60,196 total views Circular 2020 – 24 15 August 2020   TO: ALL CLERGY IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC   Dear Reverend Fathers: Greetings in the Lord! The parishes under the patronage of San Roque (Blumentritt, Pasay, Mandaluyong, Sampaloc) led by their pastors Reverend Fathers Antonio B. Navarete,

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

Joint Pastoral Message of CBCP ECS and ECCCE

 199,622 total views

 199,622 total views Lord What Must We Do? (Mark 10:17) Joint Pastoral Message on Covid19 to Teachers, Educators, Seminary Professors and Seminarians and the Catholic faithful at the opening of the school year Brothers and sisters in Christ: In the midst of the pandemic agitating us to restlessness and fear, we greet you “Peace be with

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao: WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE

 194,145 total views

 194,145 total views Bishop’s Pastoral Letter on the Suspension Of Public Masses From Aug. 3-14. Diocese of Cubao August 2, 2020 WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE My dear people of God in the Diocese of Cubao, In recent days, we have seen the alarming and sustained increase of Covid-19 cases in the country. Most

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Patuloy na magtiwala sa Diyos, sa kabila ng Covid-19

 60,369 total views

 60,369 total views July 17, 2020-12:48pm Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel noong ika-16 ng Hulyo sa Project 6, Quezon City. Inilarawan ng Obispo ang kapistahan na hindi pangkaraniwan sapagkat ang lahat ay nakasuot ng facemask, at pinananatili ang social distancing sa lahat ng mga dumalo

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao

 60,268 total views

 60,268 total views July 16, 2020, 1:38PM Ipagdiriwang ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya sa ika-15 ng Hulyo, sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa Quezon City. Ang selebrasyon ay kasabay ng muling pagdaraos ng simbahan ng banal na misa kasama ang publiko. Ito ay

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

CBCP Circular RE: LITURGICAL GUIDELINES IN “NEW NORMAL” CONDITION

 146,840 total views

 146,840 total views RECOMMENDATIONS AND GUIDELINES FOR THE LITURGICAL CELEBRATION IN “NEW NORMAL” CONDITION We need the Lord – the Bread of Life – in the Holy Eucharist! The Holy Eucharist is central and essential to the life of the Church and to the life of each individual believer. It is in this context that we

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sangguniang Laiko: Statement of Affirmation and Appeal

 60,094 total views

 60,094 total views Statement of Affirmation and Appeal Goodness is an Overflow of God’s Goodness to Us! The Sangguniang Laiko ng Pilipinas affirms and congratulates the Inter-Agency Task Force for its hard work and effort in stemming the tide of the Pandemic Virus. We are highly cognizant of the measures it has implemented to address the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 50,340 total views

 50,340 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from Episcopal Conferences, this Congregation now offers an update to the general indications and suggestionsalready given to Bishops in the preceding decree of 19 March 2020. Given that the date of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese ng Cubao, naglabas nang panuntunan sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

 46,884 total views

 46,884 total views March 26, 2020-2:18pm Naglabas na ng guidelines ang Diyosesis ng Cubao kaugnay sa nalalapit na mga Mahal na Araw, habang patuloy na umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pandemic na Coronavirus Disease. Magiging simple ang lahat ng selebrasyon ng mga banal na misa at mananatili itong pribado, o hindi

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Banal na misa sa Diocese of Cubao, kanselado.

 46,898 total views

 46,898 total views Kanselado na ang mga banal na misa para sa publiko sa Diyosesis ng Cubao kaugnay sa patuloy na pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19. Sa liham pastoral ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, inihayag nitong kinakailangang sundin ng simbahan ang Community Quarantine na ipatutupad ng pamahalaan. Simula bukas, araw ng Sabado, ika-14 ng Marso,

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Gawain sa Immaculate Conception cathedral of Cubao, suspendido ngayong kuwaresma.

 46,891 total views

 46,891 total views March 10, 2020, 10:41AM Pansamantalang ipagpapaliban ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang mga gawain nito ngayong kuwaresma bilang bahagi ng pag-ingat sa paglaganap ng Corona Virus Disease sa bansa. Ayon kay Fr. Dennis Soriano, Rector at Parish priest ng katedral, napagpasyahan ng Parish Pastoral Council na ihinto muna ang Stations of the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Talikdan ang kasalanang sumisira sa buhay ng tao.

 46,910 total views

 46,910 total views February 22, 2020 2:58PM Ito ang hamon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa pagsisimula ng panahon ng kuwaresma ngayong Ash Wednesday. Ayon sa Obispo, ito ang hudyat ng mahaba at mahalagang paglalakbay ng mga mananampalataya para sa Paschal Triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na pundasyon ng pananampalatayang

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sundin ang safety precautions sa COVID-19.

 46,740 total views

 46,740 total views Nagpaalala ang Obispo ng Diocese of Cubao sa mga simbahan at mananampalataya na gawin ang mga safety precautions na inilatag ng Catholic Bichops Conference of the Philippines laban sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, hindi dapat ipagsawalang bahala ang banta sa kalusugan ng COVID-19 subalit hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top