201 total views
Manalangin.
Ito ang naging panawagan ni Diocese of Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez sa bagong pamunuan ng ika – 16 na pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ayon kay Bishop Gutierrez na nawa matanggap ng mapayapa at may kababang loob ng mga kandidatong natalo sa nakaraang national at local elections ang naging resulta ng halalan at kilalanin ang naging desisyon ng mayorya.
Nanawagan rin ito sa taumbayan na tupdin ng may katapatan ang mga alintuntunin na ipatutupad sa ilalim ng administrayon ni Duterte at patuloy na makisangkot tungo sa pagbabago bilang mga responsableng mamamayan.
Giit pa ng obispo ay magpapatuloy naman ang simbahan sa pagiging konsensya ng lipunan lalo na sa paglikha ng sibilisasyon ng pagmamahal at buhay.
“Ang message ko number one, pray. Yun ang sinabi ko sa team namin na evangelizers. Especially kayo na bumuto kay Duterte you pray for the conversion of Duterte. Pray for the conversion of his immediate group. Pray for the conversion of the losers that they will accept the verdict of the people with humility. Pray for everybody that they will follow the law of the government of Duterte. They will participate. They will be involved, because all of us are responsible citizens. Pray at kung pwede bantay and then ‘con-con’ mali then exercise the prophetic ministry meaning tell him mali yang ginagawa mo, but help him build the ‘civilization of love and life,” bahagi ng pahayag ni Bishop Gutierrez sa panayam ng Veritas Patrol.
Pinayuhan rin nito ang alkalde na maging mapagkumbabang lingkod bayan, kilalanin ang Maylikha at isaalang – alang ang kabutihang pangkalahatan na may kahinahunan.
“Be converted. Number one, be humble. Number two, recognized that there is God. Third, Work seriously, honestly for the achievement of the common good the good of everybody. And be merciful and compassionate with with the sinners the secret of peace cannot be achieved through coercion but by persuasion,” payo ni Bishop Gutierrez sa incoming president Duterte.
Samantala, batay naman sa huling partial and unofficial results ng bilangan as of 6:45am ngayong araw na kumakatawan sa 95.36 percent ng Election Returns ng mahigit 50 rehisytradong botante sa bansa nanngunguna pa rin si Duterte sa pagka – pangulo na meron ng halos 16 na milyong boto.
Sa katuruan naman ng Simbahang Katolika patuloy nitong ipinapaalala sa mga mananampalataya na kinukundina nito ang kasalanan at hindi ang nagkasala dahil umaasa na maari pang magbago ang tao.