178 total views
Patuloy na panalangin para sa mga pinuno ng bayan at bansa.
Ito ang panawagan ni Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mananampalataya dulot na rin ng mga suliranin na kinakaharap ng bansa tulad ng karahasan, kahirapan at pang-uusig.
“There are so many things that are not going well in the country – what with the many unresolved killings, with the unabated drug problem in spite of the drug war (or may be precisely because of the drug war), with many more people suffering under the yoke of poverty, with the growing encroachment of the Chinese! Added to these we have the unnecessary and unprovoked ranting of the President against the Catholic Church and her teachings,” ayon sa Facebook post ni Bishop Pabillo.
Unang inihayag ng mga Obispo na nahaharap sa pag-uusig ang pananampalatayang Katoliko dahil sa paglapastangan ng Pangulong Rodrigo Duterte hindi lamang sa mga lider ng simbahan kundi maging sa mga katuruan ni Kristo.
“Among the many things that we can and should do, as believers we do what we are supposed to be good at: PRAY! Pope Francis said: “What is the best that we can offer to those who govern? Prayer! That’s what Paul says: ‘Pray for all people, and for the king and for all in authority.’ A Christian who does not pray for those who govern is not a good Christian!” In the Bible there are several psalms that pray for the king. Furthermore, we have all the more reason to pray when we feel that we are being persecuted,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.
Ang pagbatikos ng pangulo sa simbahan ay dahil na rin sa pagiging kritiko sa ‘war against drugs’ ng pamahalaan na nagbunga ng higit sa 20 libong napaslang.
Iginiit ni Bishop Pabillo na hindi dapat maliitin ang kapangyarihan ng pagdarasal para sa pagbabago ng lipunan tungo sa kabutihan.
Una na ring inihayag ni Pope Francis na bawat isa ay may magagawa at may dapat gawin, at bilang mga mananampalataya tayo ay dapat na maging mahusay sa pananalangin.