162 total views
Nanawagan si Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad ang Duterte administration na pagtuunan ng pansin ang mga guro sa lalawigan o rural areas.
Aniya, nakaka – awa ang ilang mga guro sa probinsya dahil sa malaki nilang pagsasakrispo makapagturo lamang ng matiwasay sa mga mag – aaral ng walang angal bagkus ay may kabayanihan at pagtitiyaga.
“The Duterte government will really subsidies and help the rural schools because not all schools are like La Salle, Santo Tomas and other big schools in the city. Nakaka – awa po yung mga nasa probinsya. I hope that the Duterte government will really subsidies because if they want to increase the salary of teachers then what will happen to the rural schools,” bahagi ng pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.
Iginiit rin nito na oras na upang suklian ang sakripisyo ng mga rural teachers sa pagbibigay ng sapat na benepisyo sa kanila at pagtataas ng kanilang sweldo.
“Teachers of Basilan were only receiving seven thousand or almost eight thousand per month salary. And if Duterte government will give 30 thousand pesos so there is big gap between the public school teachers and the private school teachers,” giit pa ng Obispo sa Radyo Veritas.
Nabatid na sa tala ng CHED o Commission on Higher Education tinatayang nasa mahigit 30 libong mga guro ang mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapatupad ng K – 12 program sa bansa.
Nauna na ring inihayag ng kanyang Kabanalan Francisco na kailangang pahalagahan ang mga guro sapagkat sila ang lumilinang sa kamalayan ng mga kabataan.