312 total views
Binigyang-diin ng World Wildlife Fund for Nature Philippines ang kahalagahan ng mga puno upang makatulong mabawasan ang climate change sa mundo.
Ayon kay Gregg Yan Media manager ng WWF, malaki ang iniaambag ng mga kagubatan sa pagsugpo sa lumalalang Climate Change sa pamamagitan ng pag-absorb nito sa carbon dioxide na naiipon sa kalawakan.
Dahil dito, ayon kay Yan, hindi dapat nagpuputol ng mga puno kayat nababahala sila sa mabilis na pagkakalbo ng mga kagubatan na sanhi na rin ng pagtindi ng init sa ating mundo.
“Ang isa pang carbon capture or mitigation strategy ay ang magamit an gating kagubatan upang mag absorb ng excess carbon. Di ba napapansin natin pag may puno mas malinis ang hangin, mas masarap huminga, e dati maraming puno ang Pilipinas, ngunit in the past century alone nasira na ang about 80% ng lahat ng kagubatan ng Pilipinas.” Pahayag ni Yan sa Radyo Veritas.
Batay sa World research institute, pangatlo ang Pilipinas sa sampung mga bansang may highest deforestation rate, kung saan tinatayang 35 porsyento na lamang ang nalalabi sa kabuuang kagubatan ng Pilipinas.
Nauna nang binigyang diin ng kanyang kanabalan Francisco sa Laudato Si na ang anu mang pagkakasala sa kalikasan tulad ng pagsira sa mga kagubatan, sa yamang tubig at sa hangin ay mariing pagkakasala ng tao sa Panginoong lumikha ng sanlibutan.