150 total views
Nasasaad sa Doktrinang Panlipunan ng Simbahang Katolika o DOCAT na kailangang palakasin at ipagtanggol ang mga bata sa lahat ng paraan.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkadismaya ang Commission on Human Rights sa patuloy na pagsusulong ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mapababa ang criminal liability age ng mga kabataan mula sa 15-taong gulang.
“The Commission on Human Rights is deeply alarmed that, despite calls of experts on child development and advocates of children’s rights, members of the House of Representatives are still firm on reducing the minimum age of criminal responsibility from what the current law sets at 15 years old.” pahayag ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia.
Ayon kay de Guia, bagamat binago ng mga mambabatas sa 12-taong gulang ang minimum age of criminal liability mula sa unang inaprubahang siyam-na-taong-gulang ay hindi pa rin ito maituturing na katanggap-tanggap.
Paliwanag ni Atty. De Guia, mas dapat na gampanan ng pamahalaan at ng mga ahensya ng gobyerno ang tungkulin nitong protektahan ang karapatan at dignidad ng mga kabataan lalo na ang kabilang sa maliliit na sektor ng lipunan.
Iginiit din ni De Guia na hindi dapat na ipasa sa mga bata ang sisi at parusa sa mga nagaganap na kaguluhan at karahasan sa lipunan sa halip ay dapat na tutukan ang hindi maayos na pagpapatupad ng mga batas at paghuli sa mga sindikato at mga criminal.
“Adjusting the proposed age of criminal liability from nine (9) to 12 is not an act of compassion nor is it aligned with the government’s responsibility to uphold its obligation to protect the rights of children, including the most vulnerable and marginalized. We must stop shifting the burden to children and start addressing lapses in the law’s implementation; providing better support and guidance to children; as well as stricter means to curb syndicates and individuals who feed on our children’s vulnerabilities.” Dagdag pa ni de Guia.
Batay sa mismong tala ng Philippine National Police mula 2012 hanggang 2015, tanging 2- porsyento lamang ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga bata habang 98-porsyento naman ang mga krimeng nagawa ng mga nasa sapat ng gulang.
Sinasabi ni Santa Teresa ng Calcuta na “ang bata ang pinakamahalagang kaloob ng Diyos sa pamilya, sa tao at sa mundo”.