202 total views
Nag-alay ng panalangin ng paghilom, kapatawaran at kapayapaan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines.
Ipinanalangin ni CBCP president at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang bansang Pilipinas at bawat mamamayan na magka – isa muli at ibaon na sa limot ang mga hidwaan ng nakaraan.
Hiniling din ni Archbishop Villegas na mananaig lagi ang katotohanan, pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.
“Panginoong mapagmahal kayo po ang Diyos ng kapayapaan, Diyos na naghihilom, Diyos na nagpapatawad. Kami pong bayang Pilipino ay lumalapit sa inyo. Paghilumin ang lahat ng aming hidwaaan, bigyan kami ng tunay na kapayapaan ng tunay na diwa ng kapatiran na nakatayo nang may kababaang loob, nakatayo sa katotohanan, nakatayo sa pagmamalasakit sa kapwa. Patawarin niyo po sa mga pagkakataong kami ay naging sagabal sa kapayapaan. At itaguyod nawa namin ang panalangin ni Hesus sa huling hapunan na lahat ay magka – isa at lahat ay makatanggap ng kanyang kapayapaan. Pinupuri at niluluwalhati ka namin Ama, Anak at Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.” Bahagi ng panalangin ni Archbishop Villegas sa panayam ng Radyo Veritas
Ginawa ni Archbishop Villegas ang panalangin bago niya pangunahan ang ordinasyon ni incoming Bishop ng Diocese of Tarlac, Most Rev. Fr. Enrique Macaraeg.
Ang ordinasyon ay dinaluhan ng 47-kalipunan ng mga obispo sa bansa.