163 total views
“Token lang” ayon kay Bayan Muna Cong. Neri Colmenares sa mga centenarians ang garantiya na pagbibigay ng P100,000 na ipinasa sa Senado.
Ayon kay Colmenares na may akda rin ng P2000 SSS pension hike bill, kakarampot lamang ang P100,000 na ipagkakaloob ng pamahalaan sa iilan lamang matatanda na may edad 100 at higit pa.
“Maganda naman na merong ganung incentives para sa ating senior citizens actually token lang yang P100,000 at maliit lang naman ngayon ‘yan, hindi naman ‘yan malaking bagay. Kahit paano makatulong yan siyempre sa mga 100 years old. Konti lang ‘yan,” bahagi ng pahayag ni Colemares sa panayam ng Veritas Patrol.
Iginiit pa ni Colmenares na kinakailangain na muling ibaling ng senado at kongreso ang pagdinig sa hinihiling na dagdag na P2,000 buwanang pension ng mga senior citizens.
Umaasa naman si Colmenares na maaabot nila ang bilang na 192 kongresista sa June 8 upang matuloy ang pagbasura sa veto ni Pangulong Benigno Aquino III.
“Hopefully sa June 8 magkaroon ng quorum ang 2/3 ng kongreso ang House at mai – file na rin ang motion to override. Dahil hindi mafile – file ang motion dahil hindi nagkakaroon forum ang house. Hindi umaabot sa 192 ang forum doon kaya hindi nagkakaroon ng motion to override.
Hopefully ‘yun ang pagtuunan ng kongreso at sa last day ng session sa June 8 sana magkaroon ng forum para mai – file ang motion to override sa SSS na vineto ni PNoy,” bahagi ng pahayag ni Colmenares sa Radyo Veritas.
Nabatid na kabilang ang Pilipinas sa 23 bansa na inuri ng Moody’s sa ilalim ng “not-aging category” mula sa 2015 hanggang 2030, na nangangahulugan na ang bahagi ng nakatatandang populasyon sa kabuuang bilang ng mamamayan ay nasa ilalim ng 7%.