218 total views
Kailangang magtulungan ang lahat para sa pagsulong ng bansa.
Ito ang panawagan sa lahat ng sector at mamamayan ni Rev. Fr. Atilano ‘Nonong’ Fajardo, Head – Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila upang makiisa sa bagong Administrasyon
Paliwanag ng Pari, tulad ng matagumpay na halalan, dapat ang aktibong partisipasyon mula sa bawat isa upang mabantayan ang direksyon ng susunod na Administrasyon at matiyak ang katapatan ng mga bagong lingkod bayan.
“This time sana po sa mga Parishes natin pagrefleckan po natin ito at tumaya po tayo, ano bayung gagawin natin dun sa ating lugar, dun sa ating syudad, dun sa ating rehiyon ano po ba yung pupwedeng gawin natin na sana po this time tumaya na tayo para po nang sa ganun yung tinatawag nating demokrasya na ipinakita nating very successful dun sa election na ito ay sana pong malagyan natin ng paa at kamay na masasabi natin na ang pagkapanalong ito ay sasamahan namin ang presidente para sa ganun yung magandang iniisip naming pwedeng mangyari sa bayan ay mangyari ring tunay sa pamamagitan ng pagtutulungan naming lahat..” Ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Fajardo sa panayam sa Radio Veritas.
Giit ng Pari, mahalagang makipagtulungan ang mga mamamayan sa mga opisyal ng bayan na isang paraan upang magkaroon ng tunay na pagkakaisa sa lipunan.
Una ng naiproklama ang mga bagong mambabatas ng bansa kung saan hinirang na ang bagong 12 Senador at mga Partylist groups na inaasahang magsusulong sa mga hinaing at adhikain ng mga partikular na sektor sa lipunan.
Samantala, sa unang araw ng canvassing, nasa 45 Certificate of Canvass pa lamang mula sa 165 COC ang na-canvass ng National Board of Canvassers na binubuo ng tig-pitong miyembro mula Senado at Kamara, katumbas ito ng 27-porsyento mula sa kabuuang bilang ng mga Certificate of Canvass para sa boto sa pagka-Pangulo at pagka-Pangalawang Pangulo.