355 total views
Ito ang naging pahayag ni Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity and Itinerant Peoples chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa halos 100. 98 milyong na ang mga Pilipino batay sa census na ginawa ng Philippine Statistics Authority o PSA noong 2015.
Ayon kay Bishop Pabillo kailangan na makita ng pamahalaan ang populasyon bilang pagkakataon na makapamuhunan sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon ang bawat mamamayan at sapat na trabaho.
Iginiit pa ni Bishop Pabillo na ang tao ay isang kayamanan ng pamilya na tumutulong sa pag – unlad ng ekonomiya.
“Huwag natin tignan ang populasyon as populasyon na masama dahil maaring maging oppurtunity yan kaya dapat ang investment natin ay para magkaroon ng edukasyon ang mga tao, maihanda ang mga tao upang sila ay makapag – trabaho. Yan ang nagiging isang asset, nagiging resource ng pamilya at gayundin ng sambayanan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.
Naitala naman ng SWS o Social Weather Station nitong 2016 na ang bilang ng mga Pilipinong tambay ay nasa mahigit siyam na milyon.
Batay naman sa Laborem Exercens mahalaga na ang tao ay mag – trabaho dahil kabahagi siya ng paglago ng ekonomiya ng bansa hindi lamang ng kanyang pamilya kundi sa ikakauunlad ng susunod na henerasyon.