273 total views
Ito ang misyon ng tatlong araw na 1st Caritas Disaster Response Summit ng iba’t-ibang social action centers at social arm ng Simbahang Katolika na isasagawa sa Legazpi, Albay ang itinuturing na “gateway to all natural disasters” mula ika-30 ng Mayo hanggang a-uno ng Hunyo, 2016.
Ang summit ay pangungunahan ng Diocese of Legazpi, Nassa/Caritas Philippines, Caritas Manila at Radio Veritas846.
Binigyan diin ni NASSA/Caritas Philippines executive secretary Father Edu Gariguez na ang tema pagpupulong ay “Linking Church Structures and Mechanism to Humanitarian Strategies in times of disaster and emergencies”.
Ayon kay Father Gariguez, napakahalaga ang pagpupulong sa pagkakaisa at pagsama-sama ang iba’t-ibang social action network ng Simbahang Katolika para sa nagkakaisang tugon sa mga dumarating na kalamidad sa Pilipinas.
Iginiit ng pari na layon ng summit na makabuo ng isang “road map” para sa disaster preparedness o pag-isahin ang mga epektibong disaster preparedness program ng iba’t-ibang Diocese ng Simbahang Katolika sa Pilipinas at i-ugnay o e-integrate sa mga programa at contingency plan ng Caritas Philippines,Caritas Manila at mga member organization ng Caritas Internationalis.
“Napakahalaga po nito dahil tayo mismo sa network ng ating simbahan ay kinakailangang magkaisa at magkasama-sama upang mas maihanda ang ating nagkakaisang tugon sa mga dumarating na kalamidad. Ang tema ng summit “linking church structures and mechanisms to humanitarian response strategies in times of disasters and emergencies”. Kaya sa unang pagkakataon magtitipon-tipon ang mga organisasyon ng Simbahan involve sa mga pagtugon sa kalamidad at pag-uusapan natin kung paano magiging masinop ang ating tugon. Bahagi din ng ating pagtitipon magkaroon tayo ng tinatawag nating “road map” para sa disaster preparedness.”paglilinaw ni Father Gariguez sa Radio Veritas.
Inihayag ng pari na layon din ng pag-uusap na magkaroon ng “national sustainability plan” para makabuo ng isang mekanismo na i-mobilize, i-sustain at i-manage ang mga disaster response ng Simbahang Katolika.
Inaasahan din ni Father Gariguez na mabubuo sa national disaster response summit ang pagkakaroon ng capacity building sa lokal at national level para sa pakikipag-tulungan ng iba pang civil society groups at local government units na tumutugon kapag dumadating ang kalamidad sa bansa na pinaka-disaster prone sa buong mundo.