Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Endo sina Juan at Juana

SHARE THE TRUTH

 341 total views

Mga Kapanalig, sa huling debate ng mga tumatakbo sa pagkapangulo, lahat ng mga kandidato ay nangakong wawakasan nila ang kontraktwalisasyon ng mga manggagawa o mas kilala sa tawag na “endo,” short for “end of contract.” Lahat sila, totoo man o may bahid ng pamumulitika, ay nagsabing hindi makatarungan ang labor contractualization.

Ayon sa Integrated Survey on Labor and Employment na isinagawa ng Philippine Statistics Authority noong 2014, apat sa 10 manggagawang Pilipino o 39 percent ang hindi regular sa kanilang trabaho. Batay dito, tinatayang aabot sa halos 2 milyong manggagawa ang pagkatapos ng ilang buwan ay nawalan ng trabaho nang matapos ang kanilang mga kontrata.

Matatagpuan sa construction industry ang pinakamaraming bilang ng mga manggagawang hindi regular. Marami ring contractual sa mga industriya ng agrikultura at mining. At siyempre, laganap rin ang kontraktwalisasyon sa mga fastfood restaurants at malalaking shopping malls at department stores.

Tahimik ang Labor Code of the Philippines sa legalidad ng labor contractualization. Nakasaad sa batas na ang isang empleyado ay sasailalim muna sa anim na buwang “probation period.” Pagkatapos nito, magpapasya ang employer kung ang manggagawa ay gagawing regular o hindi, batay sa kanyang naging performance sa kanyang trabaho.

Ngunit, gaya na rin ng ipinunto ng isang kandidato, nahanapan ng butas ng ilang employers ang batas. Hindi na nila papaabutin sa anim na buwan ang empleyado. Ang kanyang kontrata ay hanggang limang buwan lamang. Maari siyang tanggapin muli o ma-rehire ngunit sa loob muli ng limang buwan. At dahil kailangan nina Juan at Juana ng trabaho para matugunan ang kanilang mga pagangailangan at suportahan ang kanilang pamilya, tatanggapin nila ang pagiging “endo”, ang pagiging mga manggagawang hindi kailanman bibigyan ng mga benepisyong nararapat sa isang regular na manggagawa gaya ng vacation at sick leaves, maternity leaves, health insurance, at social security.

Ang walang katapusang siklo o cycle ng labor contractualization gaya ng umiiral sa Pilipinas ay lantarang pang-aabuso ng mga negosyanteng sakim sa kita. Kung susuriin natin sa lente ng Catholic Social Teaching, malinaw na nilalabag sa baluktot na uri ng labor contractualization ang dangal ng paggawa at ang mga karapatan ng mga manggagawa.

Mga Kapanalig, ayon sa encyclical na Laborem Exercens na sinulat ni St John Paul II, ang paggawa ay mabuti sa tao para ganap niyang makamit ang kanyang pagiging tao. Sa Centesimus Annus na sinulat rin niya, idiniin ng yumaong santo papa na ang isang lipunang hindi kinikilala ang karapatan sa paggawa ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapairal ng sistematikong pagdadamot sa kanila ng pagkakataong makamit ang sapat na antas ng paghahanapbuhay ay hindi kailanman makatwiran, hindi kailanman katanggap-tanggap. Magiging mailap ang tunay na kapayapaan kung ang mga patakarang pang-ekonomiya ng isang lipunan ay kumikiling lamang sa interes ng mga makapangyarihan, at nagbubulag-bulagan sa mga pangangailangan ng mga manggagawa.

Kahapon, Mayo uno, ay ginunita natin ang Araw ng Paggawa o Labor Day. Ayon sa tradisyon, araw ito upang kilalanin ang malaking ambag ng mga manggagawa sa kaunlaran ng isang bayan. Ngunit gaano po ito katotoo sa atin sa Pilipinas?

Bilang isang lipunan, pinahahalagahan ba talaga natin ang mga manggagawa? O kasama tayo sa mga naghahanap ng paraan para makaiwas na bigyan ng benepisyo ang ating mga trabahador? Kabilang ba tayo sa mga pumipigil sa pagbubuo ng mga unyon at itinuturing natin silang abala lamang sa tuwing sila ay nagkikilos-protesta para ipaglaban ang pagkakaroon ng sapat na sahod? O kasama ba tayo sa mga nagkikibit-balikat na lamang sa isyu ng baluktot na uri ng labor contractualization?

Sinuman sa mga tumatakbong pangulo ang manalo sa Lunes, ika-9 ng Mayo, tandaannatin ang kanilang pahayag tungkol sa endo. Sisingilin natin sila sa kanilang mga ipinangako.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 50,466 total views

 50,466 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 65,122 total views

 65,122 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 75,237 total views

 75,237 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 84,814 total views

 84,814 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 104,803 total views

 104,803 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 50,467 total views

 50,467 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 65,123 total views

 65,123 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 75,238 total views

 75,238 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 84,815 total views

 84,815 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 104,804 total views

 104,804 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 50,518 total views

 50,518 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 45,543 total views

 45,543 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 49,112 total views

 49,112 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 61,567 total views

 61,567 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 72,634 total views

 72,634 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 78,953 total views

 78,953 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 83,561 total views

 83,561 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 85,121 total views

 85,121 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 50,682 total views

 50,682 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 70,014 total views

 70,014 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top