Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagdalaw ni Pope Francis sa Gitnang Silangan, itinuturing na Oasis of the desert

SHARE THE TRUTH

 229 total views

Makahulugan at makasaysayan ang pagdalaw ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa United Arab Emirates.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Troadio De Los Santos, OFM Cap. ang Vicar General ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA) sa kauna-unahang pagdalaw ng pinunong pastol ng Simbahang Katolika sa Arabian Peninsula.

Aniya, pinatotohanan sa pagbisita ng Santo Papa sa UAE na patuloy kumikilos ang Simbahan sa buong mundo at bukas sa pakikipagkapwa maging sa iba man ang pananampalataya.

“Ang pagbisita ni Pope Francis sa Abu Dhabi will be a historical moment para sa ating simbahan. Ang kanyang pagbisita ay magbibigay ng patotoo sa lahat ng mga tao sa mundo na buhay ang Simbahang Katoliko dito sa Arabian Peninsula,” pahayag ni Fr. De Los Santos sa Radio Veritas.

Inihalintulad pa ng Pari sa Oasis sa disyerto ang nasabing pagdalaw dahil hatid nito ang mensahe ng kapayapaan para sa mamamayan ng UAE na lugar ng mga Muslim alinsunod sa tema na “Make me a Channel of Peace.”

Ipinaliwanag ng Vicar General ng AVOSA na ang pagdalaw ay magpapasigla sa pananampalataya ng mga Katolikong dayuhan sa Arabian Peninsula at upang alamin ang kalagayan ng bawat mananampalataya para lalong masigasig ang pananalig sa Panginoon.

“Ito rin ay magbibigay ng pag-asa, magbibigay ng sigla sa mga mananampalataya dahil ang pagdating ng Papa ay nagpapahayag ng mahalaga tayong lahat sa Santo Papa,” ani ni Fr. De Los Santos.

COINCIDENCE
Ibinahagi rin ni Fr. De Los Santos na magandang pagkakataon din ang pagbisita ni Pope Francis sa Arabia sapagkat gugunitain ngayong taon 2019 ang ika – 800 taon ng kauna-unahang pagtatagpo ng isang Kristiyano at Muslim.

“Itong 2019 ay 800 anniversary ng pagdalaw, pagpunta ni San Francisco ng Assisi sa Sultan ng Egypt na si Sultan Malik Al-Kamil hindi upang i-convert kundi makipag-dialogue at sila’y naging maging magkaibigan at yun ang kauna-unahang pagtatagpo ng isang Kristiyano at ng isang Muslim na hindi nag-aaway,” paglalahad ng Pari.

Tugma din ang pagdating ng Santo Papa lalo’t ang pangalan nito ay isinunod kay San Francisco ng Assisi at kauna-unahang Santo Papa na bumisita sa Arabian Peninsula na tulad ng Santo ay hatid din ang kapayapaan sa lugar.

Dahil dito, hinimok ni Fr. De Los Santos ang mga Katoliko sa UAE lalo na ang mga Filipino na taglayin ang espiritu ng kapayapaan at pag-uunawaan sa bawat nakakasalamuha sa bansa.

Hamon pa nito sa mga migrante na maging buhay na saksi sa katotohanang ipinahahayag ni Hesus ang pag-ibig sa kapwa at pakipamuhay ng mapayapa sa pamayanan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at pananampalataya.

Umaasa ang Pari na kumintal sa puso ng bawat dadalo sa pagtitipon na kasama ang Santo Papa ang bawat aral na ibabahagi nito.

“Nawa ang pagdalaw ng Santo Papa ay mag-iwan sa atin ng sigla upang lalo nating isabuhay ang ating pananampalatayang Kristiyano Katoliko,” ani ni Fr. De Los Santos.

MGA PAGHAHANDA
Nagpasalamat ang AVOSA sa pamahalaan ng United Arab Emirates na nangunguna sa paghahandang pisikal sa pagbisita ni Pope Francis sapagkat maiksing panahon ang nailaan dito dahil Disyembre ng nakalipas na taon kinumpirma ng Vatican ang pagdating ng Santo Papa sa Arabian Peninsula.

Sa panig ng Simbahan naman ay pinaghahandaan ang nakatakdang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa ikalima ng Pebrero na gaganapin sa Zayed Sports City sa Abu Dhabi kung saan inaasahang dadalo ang halos 135, 000 mga Katoliko na karamihan ay mga Filipino at mga taga – India.

Agad rin nagtalaga si Vicar Apostolic of Southern Arabia Bishop Paul Hinder ng iba’t ibang komite na pinamumunuan ng mga Pari at Madre para sa komunikasyon, media, registration sa Papal Mass, Liturgy, Logistics at ang mangangasiwa sa lugar na pagdausan ng Banal na Misa.

Ang gobyerno rin ng UAE ang naghanda sa mga tiket sa Papal Mass, libreng transportasyon at libreng tubig para sa mga dadalo sa Misa.

Bibisita si Pope Francis sa Abu Dhabi sa ikatlo hanggang ikalima ng Pebrero alinsunod sa paanyaya ni Abu Dhabi Crown Prince His Highness Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan para sa “International Interfaith Meeting on Human Fraternity”.

Batay sa tala sa mahigit sampung milyong OFW sa buong daigdig, halos pitong daang libo dito ay nasa United Arab Emirates na halos 80 porsyento ay nagtatrabaho at naninirahan sa Dubai.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 43,233 total views

 43,233 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 54,308 total views

 54,308 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 60,641 total views

 60,641 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 65,255 total views

 65,255 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 66,816 total views

 66,816 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Diocese of Cubao, ipagdiriwang ang World of the Poor kasama ang mga dukha

 534 total views

 534 total views Magsasagawa ng programa ang Urban Poor Ministry ng Diocese of Cubao sa pagdiriwang ng 8th World Day of the Poor sa November 17. Ayon kay Ministry Coordinator Fr. Roberto Reyes,magbuklod ang diyosesis kasama si Bishop-elect Elias Ayuban, Jr. upang ipgdiwang ang natatanging araw na inilaan ng simbahan para mga dukha ng lipunan. Ibinahagi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Buong simbahan sa Pilipinas, hinimok na makiisa sa Red Wednesday Campaign

 597 total views

 597 total views Inaanyayahan ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang mamamayan na makiisa sa paggunita sa mga kristiyanong inuusig dahil sa paninindigan sa pananampalataya. Hinimok ni ACN Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga simbahan at buong pamayanan na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign sa November 27

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katesismo sa paglilipat ng araw ng Solemnity of the Immaculate Conception, ipinag-utos ng CBCP

 662 total views

 662 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria sa December 9. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairperson, Ilagan Bishop David William Antonio, dapat mabigyan ng wastong katesismo ang mananampalataya sa paglilipat ng petsa ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalatayan hinihikayat na lumahok sa red wednesday campaign

 2,400 total views

 2,400 total views Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga nasasakupan sa arkidiyosesis na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign. Ayon sa arsobispo mahalagang magbuklod ang kristiyanong pamayanan sa pagpaparangal at pananalangin sa kaligtasan sa mga kristiyanong biktima ng karahasan dahil sa pananampalataya. “Through this commemoration, we are called to deepen our compassion for those

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato

 2,836 total views

 2,836 total views Nilinaw ng Archdiocese of Manila na hindi ito mag-iendorso ng sinumang pulitiko sa nalalapit na halalan. Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula,bahagi ng pagpapastol bilang arsobispo ang paggawad ng espirituwal na paggabay sa mga taong naghahangad maglingkod sa bayan. “Ang pagtanggap ng Arsobispo ng Maynila sa mga bumibisitang kandidato sa kanyang tahanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Church needs more vocation to the Priesthood

 2,963 total views

 2,963 total views Inaanyayahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na maging aktibong kabahagi ng simbahan sa paghimok sa kabataang piliin ang bokasyon ng pagpapari at buhay relihiyoso. Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng simbaha sa National Vocation Awareness Month ngayong Nobyembre kung saan binigyang diin ang malaking tungkulin ng kristiyanong pamayanan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Bishop Pabillo sa fake online product endorsement

 2,967 total views

 2,967 total views Pinag-iingat ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mananampalataya hinggil sa mga fake online product endorsements ni Bishop Broderick Pabillo. Batay sa napapanuod online lalo na sa social media platform Facebook may artificial intelligence (AI) generated video si Bishop Pabillo na nag-endorso ng herbal products. “Bishop Broderick Pabillo did not endorse any products

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bishop-designate ng Diocese of Prosperidad, umaapela ng pagkakaisa

 2,998 total views

 2,998 total views Umapela ng pagtutulungan si Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo sa mananampalataya ng Agusan Del Sur kasabay ng paghahanda sa pormal na pagluklok ng bagong obispo at pagtalaga ng diyosesis. Ipinaalala ng obispo na mahalaga ang pagkakaisa upang matagumpay na maisagawa ang pagtatakda ng ika -87 diyosesis sa bansa. “Now that we are still preparing

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Jubilee year 2025, gamitin sa pagpapanibago ng buhay

 3,987 total views

 3,987 total views Hinimok ng Office for the Promotion of New Evangelization ang mananampalataya na gamiting pagkakataon ng pagpanibago ang 2025 Jubilee Year of Hope. Ayon kay Sta. Maria Goretti Parish Priest, OPNE Director Fr. Jason Laguerta, ang pagdiriwang ng hubileyo ay tanda ng pagpapalaya, pagbabayad ng utang at pagpapahinga kung saan sa pananampalataya ay pagpapadama

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Filipino Priest, itinalagang opisyal ng Vatican

 5,290 total views

 5,290 total views Muling nagtalaga ang Kanyang Kabanalan Francisco ng isang Pilipinong pari sa isa sa mga pangunahing tanggapan sa Vatican. Nitong November 7 ay itinalaga ng santo papa si Msgr. Erwin Jose Balagapo bilang undersecretary ng Dicastery for Evangelization section “for the first evangelization and new particular churches na kanyang pinaglingkuran mula July 2023 at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Recommit ourselves to the mission of Christ, paalala ni Bishop Uy sa mga pari

 5,326 total views

 5,326 total views Umaasa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas umigting ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa Bohol tungo sa iisang misyon na ipalaganap si Hesus sa lipunan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng diyosesis ng ika – 83 anibersaryo ng pagkatatag. Dalangin ni Bishop uy ang patuloy na pag-usbong ng komunidad na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa National Fatima Convention

 5,993 total views

 5,993 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima Philippines ang mananampalataya na makiisa sa National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion sa December 10, 2024. Ayon sa WAF Philippines na pinamunuan ni Sis. Ambrocia Palanca, layunin ng pagtitipon na paalalahanan ang mga deboto sa mahalagang mensaheng iniwan ng Mahal na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pasalamatan ang panginoon sa gift of priesthood, paalala ng Arsobispo sa mga Pari

 6,126 total views

 6,126 total views Pinalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari na palaging pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng bokasyong maging katuwang sa misyon sa sanlibutan. Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagtitipon ng Young Clergy of Cebu Residency Program na ginanap sa St. Augustine of Hippo Parish sa Olango Island, Lapu-Lapu City, Cebu kamakailan.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakaroon ng Missionary of Mercy sa Diocese of Kidapawan,inanunsyo ng Obispo

 6,595 total views

 6,595 total views Inanunsyo ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagkakaroon ng Missionary of Mercy ng kanilang diyosesis. Ayon sa Obispo, inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingang magtalaga ng missionary of mercy na may natatanging misyong higit maipalaganap ang habag at awa ng Panginoon sa sanlibutan. Sa liham mula kay Dicastery for Evangelization Pro-Prefect of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

RCAM, sisimulan ang Jubilee Year 2025 celebration

 6,231 total views

 6,231 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na makiisa sa Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa November 9, 2024. Tampok sa MAGPAS ngayong buwan ang paghahanda sa Jubilee Year 2025 kung saan nakatuon ang pagtitipon sa katesismo sa pagdiriwang ng buong simbahang katolika. Isasagawa ang MAGPAS sa Pope Pius XII Catholic Center

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top