Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang panganib ng kawalan ng checks and balances

SHARE THE TRUTH

 476 total views

Mga Kapanalig, inamin ng dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na pabor siyang ibaba ang minimum age of criminal responsibility (o MACR) dahil iyon daw ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dagdag pa niya, ang agenda raw niya bilang House Speaker ay ang agenda ng pangulo.

Nitong nakaraang linggo, nakita natin kung paano minadali ng mga kaalyado ng pangulo, sa pangunguna nga ni Speaker Arroyo, ang pagpasá ng panukalang batas na ituturing nang kriminal ang mga batang 12 taóng gulang na nasangkot sa karumal-dumal na krimen. (Ang gusto pa nga nila noong una ay ibaba pa ito sa 9 na taóng gulang.)

Nakakadismaya at nakagagalit ang ganitong pangangatwiran ng pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Habang hindi napapagod ang mga grupong tutol sa panukalang batas na magpaliwanag sa publiko kung bakit mali ang ibabâ ang MACR at magpakita ng mga datos at ebidensyang susuporta sa kanilang posisyon sa isyu, narito ang mga mambabatas nating lantarang sinasabing ang mas mahalaga para sa kanila ay ang masunod ang gusto ng pinakamataas na lider ng pamahalaan.

Dapat sigurong ipaalala kay Ginang Arroyo ang pangako niya sa mga batang taga-Payatas na nagpadala sa kanya ng mga sulat na ginawa nilang mga bangkang papel na ipinaanod sa Ilog Pasig hanggang makaabot ang mga ito sa Malacañang. Iniharap niya ang mga batang ito sa kanyang unang SONA noong 2001 bilang simbolo raw ng kanyang pamamahalang may malasakit sa mahihirap. Bibigyan raw niya sila ng pagkakataong magkaroon ng maayos na buhay, na ginawa niya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng scholarship. Labing-walong taon ang nakalipas, nanguna ang dating pangulo sa pagsusulong ng isang batas na mag-aalis sa mga batang napagkaitan na nga ng pagkakataon sa buhay, mapagkakaitan pa ng pagkakataong magbagong-buhay. Ginawa niya ito upang sundin ang kapritso ng pinagkakautangan niya ng kanyang kalayaan.

Ang nangyaring ito sa isyu ng MACR ay isa lamang sa mahabang listahan ng mga patunay na wala na talagang checks and balances sa kasalukuyang administrasyon. Tumutukoy ang checks and balances sa prinsipyo ng pamamahala kung saan ang magkakaibang sangay ng pamahalaan ay binabantayan ang isa’t isa upang walang umabuso sa kanilang kapangyarihan. Magkakapantay ang mga sangay na ito—ang ehekutibo na pinamumunuan ng pangulo, ang lehislatura na pinamumunuan ng House Speaker at Senate president, at ang hudikatura na pinamumunuan ng Punong Mahistrado o Chief Justice. Mahalagang nagtutulungan ang mga sangay na ito ngunit lagi silang dapat kritikal sa isa’t isa—hindi upang siraan ang isa’t isa—kundi upang makita at marating ang pinakamainam na patakaran para sa kanilang pinaglilingkuran: ang taumbayan. Hindi ito nangyayari kung kumikilos ang ibang sangay upang panigan ang isang sangay—ganito ang nangyayari sa atin ngayon.

Sa Catholic social teaching na Rerum Novarum, ganito ang sinabi ni Pope Leo XIII: “Rulers should… anxiously safeguard the community and all its members the object of the government of the State should be, not the advantage of the ruler, but the benefit of those over whom he is placed.” Dapat na pinapangalagaan ng ating mga pinuno ang bayan at ang mga bumubuo nito. Ang tuon ng pamahalaan ay ang kapakanan ng mga pinamumunuan, hindi ang kapakinabangan ng mga namumuno. Sa isyu ng panukalang batas na ibababà ang edad ng kriminal na pananagutan, masasabi ba nating naipakita ng ating mga mambabatas na kapakanan ng bayan ang kanilang isinaalang-alang? Nasagot na ito ni Speaker Arroyo.

Mga Kapanalig, ang mabilis na pagkakapasa sa Kongreso ng panukalang ibabâ ang MACR ay patunay na mapanganib ang isang pamahalaang walang checks and balances. Ano kaya ang isusunod nilang panukalang batas na ipapasá upang mapasaya ang pangulo?

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 31,170 total views

 31,170 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 42,245 total views

 42,245 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 48,578 total views

 48,578 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 53,192 total views

 53,192 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 54,753 total views

 54,753 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 31,171 total views

 31,171 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 42,246 total views

 42,246 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 48,579 total views

 48,579 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 53,193 total views

 53,193 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 54,754 total views

 54,754 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 42,869 total views

 42,869 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 65,532 total views

 65,532 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,108 total views

 71,108 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 76,589 total views

 76,589 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 87,702 total views

 87,702 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 83,701 total views

 83,701 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 71,403 total views

 71,403 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 79,885 total views

 79,885 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 72,944 total views

 72,944 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 79,868 total views

 79,868 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top