Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HOMILY OF MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE BLESSING OF NEW FACILITIES OF SACRED HEART OF JESUS CATHOLIC SCHOOL STA. MESA, MANILA

SHARE THE TRUTH

 204 total views

HOMILY
MANILA ABP. LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE
BLESSING OF NEW FACILITIES OF SACRED HEART OF JESUS CATHOLIC SCHOOL
STA. MESA, MANILA
FEBRUARY 4, 2019

My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for this beautiful day, ang ganda ng panahon and we thank God also for this day of grace and blessing, where we gather as one community to witness the blessing of our new facilities in the school.

So, congratulations po sa ating school community for this achievement.

We want to thank our brother priests from other schools and parishes the representatives of other Catholic Parochial schools and the representatives of the Department of Education, maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

Salamat din sa mga magulang ng ating mga mag-aaral at ang bumubuo ng ating sambayanan dito sa Sacred Heart.

Whenever we blessed new facilities in the school we are joyful for that shows our commitment to improve our service of education to the community.

Hindi lamang po ito bagong mga facilities kun’di ito ay patunay na ang ating pananagutan, in this case pananagutan ng simbahan ng Archdiocese of Maynila na makapagbigay ng maayos at magandang edukasyon para sa mga kabataan.

Para sa mga bata, hoy mga bata tingin dito, makinig kayo kasi akala n’yo exempted kayo ang mga umattend ng misa may quiz mamaya! akala n’yo libre kayo ha, may quiz kayo kaya makinig kayo, may test pagkatapos nito.

At yung hindi makakapasa hanggang alas-sais kayo ng gabi dito, makinig na, makinig. Gamitin ninyo ng maayos ang mga facilities, pero sana hindi lamang yung facilities ang gumaganda at mag-iimprove, sana kayo [din].

Kayo mga bata, kayo sana ang mas gumanda at mas lumago, aanhin mo ang magandang facilities pero ang mga estudyante ay hindi naman nakakasabay sa improvement, kahit pa ipa-aircon natin ito first class pero kung yung estudyante hindi first class ano ang ipagmamalaki natin?

Pumunta kayo sa eskwelahan namin maganda ang gym, hindi naman ‘yung gym ang hinahanap, ang hinahanap anong klaseng estudyante at alumni, mayroon ang eskwelahan?

Sabi nga ng aking lolo at lola nung sila’y estudyante sa ilalim lang ng punong mangga, walang facilities pero naging mga mararangal na Pilipino at Kristiyano.

Huwag niyong sayangin ang mga facilities ang facilities na ito ay parang tulong sa inyong paglago, magiging sulit ang gastos at ang oras at ang pagod sa pagpapaganda ng facilities kung kayo ay mas maganda pa kaysa sa facilities na ito.

Kaya sa inyo mga bata mga estudyante sa ating mga teachers and school administrators, pinagkakatiwala ang mga facilities na ito not as a goal in themselves but as means to achieve the real goal, the formation of our students and young people.

Aaminin ko sa inyo nakakita lang ako ng computer, matanda na ako ha. Kayo elementary pa lang computer na, pero hindi pala requirement ang computer para maging pari. Pwede kang maging lingkod ng simbahan kahit hindi ka lumaki sa computer, kaya yung computer gamitin ninyo para lumago kayo sa pagiging mabuting tao. At ano yung mabuting tao? Ang mabuting tao na hinahanap natin ay yun ding mahusay na tagasunod kay Hesus, that is a mark of a catholic education, catholic school, human beings form in the light of discipleship.

At dito sa mga pagbasa natin makikita natin si Hesus mas malakas S’ya kesa sa kasamaan natakot sa kanya ang demonyo, dahil alam nila hindi sila mapapalayas nang kahit sinong tao pero kaya silang palayasin ni Hesus.

Dito sa tao na inaalihan ng demonyo ang dami ng nagsikap na tulungan s’ya pero walang makapagpalayas ng demonyo, si Hesus lamang. Ang demonyo ay takot kay Hesus, si Hesus hindi natatakot sa demonyo, si Hesus ang kinatatakutan ng demonyo.

Ang mga alagad ni Hesus dapat hindi natatakot sa demonyo, dapat ang demonyo ang natatakot sa atin dahil nasa atin si Hesus.

Mga estudyante kapag tinutukso ng demonyo huwag kayong matatakot, “Ito na ang tukso, ito na ang tukso, mahina ako, mahina ako, madadala ako.” Ba’t ikaw ang natatakot sa demonyo? Taglay mo ang pangalan ni Hesus, taglay mo ang pangalang Kristiyano dapat ang demonyo ang nanginginig sa iyo, “Kristiyano ito makalayo nga matatalo ako nito.”

Palakasin ninyo ang inyong pagkapit kay Hesus at kapag taglay nyo si Hesus manginginig lahat, manginginig pati ang demonyo. Maging daan tayo ng lakas ni Hesus, huwag tayong maging daan ng lakas ng demonyo. O mamili kayo ha, mamili kayo ngayon pa lang habang bata pa, sino ang susundan? Ang demonyo o si Hesus? Sagot. (crowd answers: Si Hesus!)

Si Hesus parang walang kalatoy latoy, si Hesus… No’ng bata ako may kanta, kay dami ng winasak na tahanan kay rami ng matang pinaluha, kay rami nang pusong sinugatan, oh tukso layuan mo ako.” Nakikita ko yung ka-generation ko sumusunod-sunod, yung mga bata hindi na makasunod, yung mga kababata ko sumusunod.

Sino kumanta nun? (crowd answered in chorus) Si Eva Eugenio, oo Eva Eugenio nga ba? Oh tama. Sino sagot nyo, mali, mali yung sagot ninyo kanina, sagot nila si Eva’t Adan mali yun si Eva Eugenio. Pero ang ganda ng kanta ha, “Oh tukso layuan mo ako!” May ano s’ya ha, may tapang para sabihin sa kasamaan “hoy huwag ako, huwag mo akong iismolin lumayo ka,” minsan tayo, “oh tukso narito ako, oh tukso mahina ako, oh tukso andito, yakapin mo ako!”

Aba hindi! Ang alagad ni Kristo naniniwala [na] malakas si Kristo at kayang sabihin sa ngalan ni Kristo, “O kasamaan, O korapsyon, O pandaraya, O fake news, O pagsalangsang sa buhay at dangal ng tao, lumayo ka tumahimik ka sa ngalan ni Hesus.

Kaya sinasabi sa unang pagbasa maraming tao hindi na nga natin kilala kung sino ang mga ito.

Si Gideon, si Barack, si Samson, si Jephthah, kilala natin ito si David, si Samuel, mga propeta dumaan sila sa maraming hirap, pero ano ang kinapitan nila, papanampalataya. Faith, confidence, kapag sinabing confidence ang buhay ko ang pundasyon si Hesus, at kapag sya ang pundasyon matatag ang pundasyon.

Kaya mga minamahal na estudyante maganda ang pundasyon ng ating building, maganda ang mga facilities sana kayo ang pundasyon ninyo si Hesus. Ang inyong pananampalataya at sa inyong paglago sa inyong pakikipagsapalaran sa buhay kapag dumating ang maraming paghihirap at tukso matatag kayo hindi dahil umaasa sa sarili lamang, hindi kayabangan sa sarili, ang tapang natin nanggagaling sa pananampalataya.

Si Hesus ay higit pa sa lahat, si Hesus ang makalulupig sa lahat ng kasamaan kaya sa kanya tayo sumasalig, sa kanya tayo umaasa at magiging totoo ang salmo responsoryo “Let your hearts take comfort all who hope in the Lord.”

Ang umaasa sa Panginoon ang puso mapayapa, ang umaasa sa Panginoon laging may consolation sa kanyang buhay, kasi alam nya nakasalig sya sa bato, sa pundasyon na si Hesus.

This is our prayer for the community, the educational community of our school Sacred Heart. May you grow in faith, may you be strengthen by your hope in Jesus Christ the rock of our life and our salvation and may all evil tremble before you because the evil one sees you bear the name and the presence of Jesus Christ. Let us pause and ask the Lord to give us that faith, that hope, that love that will be our response to evil and all the sufferings in the world.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 46,360 total views

 46,360 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 57,435 total views

 57,435 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 63,768 total views

 63,768 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 68,382 total views

 68,382 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 69,943 total views

 69,943 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 6,785 total views

 6,785 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 6,784 total views

 6,784 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 6,742 total views

 6,742 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 6,754 total views

 6,754 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 6,795 total views

 6,795 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 6,752 total views

 6,752 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 6,838 total views

 6,838 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 6,722 total views

 6,722 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 6,716 total views

 6,716 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 6,789 total views

 6,789 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 6,934 total views

 6,934 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 6,769 total views

 6,769 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 6,817 total views

 6,817 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 6,777 total views

 6,777 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 6,735 total views

 6,735 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top