347 total views
Suriin ang sariling karanasan bago pumili ng mga lider ng bayan.
Ito ang paalala ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa mga Overseas Filipino Workers sa nalalapit na halalan sa ngayong Mayo.
Ayon kay Bishop Santos-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) , mahalagang piliin ng mga OFW ang tapat at maasahang mga kandidato na handang tumulong sa mga Filipino.
“It is always our reminder to our OFW’s that they have to look to themselves before electing their candidates, that is, those whom they will vote must be like them. Honest, hardworking and helpful to others,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Binigyang diin ng Obispo na dapat piliin ng mamamayan ang mga kandidatong walang bahid ng katiwalian at makatotohanan ang hangaring maglingkod sa bayan.
Dagdag pa ni Bishop Santos, mahalagang isaalang-alang din ng mga tumatakbong kandidato ang pagtataguyod sa kapakanan ng mga Filipino at hindi yaong naglilingkod lamang sa iilang indibidwal sa pamayanan.
“Decide for candidates who are honest, who will not steal nor tainted with graft and corruptions. They should vote for candidates who will really work hard for them, those who are after our well-being and not will side and work only for certain person, not for particular party and not for personal benefits,” ani ni Bishop Santos.
Noong 2016 sa mahigit 10 milyong OFW sa iba’t ibang dako ng daigdig naitala ng Commision on Elections (Comelec) Office for Overseas Voting (OFOV) ang 1.3 milyong OFW ang nagparehistro bilang absentee voters at ngayong halalan naitala ang halos 1.8 milyong OFW ang nagparehistro.
hinikayat ng pinuno ng CBCP-ECMI ang mga botante na iwasan ang mga kandidatong walang paggalang sa karapatan at dignidad ng buhay ng bawat mamamayan kundi piliin ang mga nakahandang magtanggol sa buhay ng mga nasasakupan.
“They [candidates] will really help our fellow to improve life, to promote life and preserve life. Not those candidates who suppress life nor destroy life,” pahayag ni Bishop Santos.