253 total views
Maging sinapupunan ng buhay pananampalataya na nagpapayabong sa paggalang sa kasagraduhan at dignidad ng buhay.
Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa misa sa ginanap na taunang Walk for Life sa Quezon City Circle na dinaluhan ng libo-libo katao.
“Sa pamilya sa sinapupunan ng pamilya sana lumago ang buhay na tinatawag natin pagtalima sa Diyos, kabuting asal pagiging marangal. Kita natin in the first reading, how if in the nuclear family, the relationship with God is abandoned and instead of obedience to God rebellion towards God sets in life is curtailed, death enters,” ayon kay Cardinal Tagle.
Sa kaniyang homilya, ang pagpapayabong ng pananampalataya na nagsisimula sa pamilya ay dapat ding ginagampanan ng lipunan, kabilang na ang pamahalaan, mg institusyon ng simbahan at paaralan.
“So today let our families and other communities that play the role of families to commit themselves to be the nurturing spaces of life and especially the life faith, life of decency, life of values. Kasama yan sa pinangangalagaan, dinidiligan at ipinapasa na buhay,” bahagi pa ng homiliya ni Cardinal Tagle.
Ang buhay pananampalataya ay bahagi ng buhay kung saan lalago ang pagtalima sa Diyos, ang kabutihan at ang pagiging marangal na mamamayan.
Read: Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life
Giit ni Cardinal Tagle, ang pananampalatayang ito ay dapat na ibahagi at maging bahagi ng pang-araw araw na pamumuhay sa ating lipunan.
“And the third womb is the wider society ang ating lipunan ay sana maging isang sinapupunan na nagbibigay buhay at hindi nag-aakasaya ng buhay. But we have to do our share in making society such a tender compassionate womb where life will flourish where the promise of Jesus life in abundance could really happen,” ayon pa sa Cardinal.
Bukod sa Manila, nagsagawa rin ng kasabay na pagtitipon ang mga lungsod ng Dagupan, Tarlac, Cebu, Ormoc at Cagayan de Oro maging sa lalawigan ng leyte.