Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Para kanino ang paglilinis sa Manila Bay?

SHARE THE TRUTH

 605 total views

Mga Kapanalig, isang malawakang paglilinis sa Manila Bay ang inilunsad at pinangunahan ng DENR nitong Enero. Upang mapanatili ang kalinisan sa baybayin, naglabas din ng circular ang DILG na inaatasan ang mahigit sa 5,000 barangay na malapit o nasa tabi ng Manila Bay na linisin ang kanilang baybayin linggu-linggo.
Hindi ito ang unang pagkakataong nagsagawa ng clean-up sa mga lugar sa paligid ng Manila Bay, partikular na sa baywalk. Marami nang ginawang katulad na paglilinis ang mga ahensya ng pamahalaan at maging ang pribadong sektor. Matagal na ring inatasan ang mga lokal na pamahalaang linisin ang mga ilog at tributaryong tumutuloy sa Manila Bay. Taóng 2008 pa nang naglabas ng mandamus order ang Korte Suprema na nag-uutos sa mga lokal na pamahalaan at pambansang ahensya na linisin ang Manila Bay. Ito ang nagbunsod ng malawakang paglilipat sa mga pamilyang naninirahan malapit sa mga daluyang tubig katulad ng mga estero at ang tinatawag na major waterways sa Metro Manila gaya ng Pasig River at Tullahan River.

Sa kabila nito, marumi pa rin at delikadong languyin ang Manila Bay. Ibig sabihin, hindi pangmatagalang solusyon ang mga clean-up drive. Siyempre, malaking hamon pa rin ang pagkakaroon ng disiplina ng marami nating kababayan sa pagtatapon ng kanilang basura. Higit sa lahat, hindi tumupad sa kanilang tungkulin ang mga lokal na pamahalaan, hindi lamang ng mga bayan at lungsod sa paligid ng Manila Bay kundi ng lahat ng lugar na nakakabit ang kanilang ilog sa Manila Bay. Samantala, humirap ang buhay ng maraming pamilyang inilipat sa mga malalayong proyektong pabahay ng pamahalaan, patunay na hindi angkop ang malayuang resettlement.
Ngunit nagbabadyang mapapabilis ang malalaking reclamation projects ng mga pribadong kompanya sa Manila Bay. Inilipat na sa Office of the President ang pangangasiwa ng Philippine Reclamation Authority na dating nasa ilalim ng DENR. Nangangamba ang mga grupong mangingisda, katulad ng Pamalakaya, na padadaliin nito ang pag-apruba sa mga reclamation projects na hindi lamang magpapaalis sa mga informal settlers, makakaapekto rin ang mga ito sa kabuhayan ng mga mangingisdang umaasa sa Manila Bay. Ayon naman sa mga environmental groups, pinsala sa kalikasan ang dala ng mga ganitong proyekto.

Gusto ng lahat na maging malinis ang Manila Bay. Hindi lamang ito para sa mga tao kundi para rin sa yamang-dagat na naroon. Makatutulong ito sa kabuhayan ng mga mangingisdang sa tubig ng Manila Bay umaasa upang may maipakain sa kanilang pamilya. Makatutulong ito sa kalusugan ng lahat. Ngunit balewala ang mga ito kung isasakripisyo natin ang buhay at kabuhayan ng mga taong umaasa sa lungsod habang pinapaboran naman ang interes ng mga negosyong nais angkinin ang Manila Bay upang kumita sila.

Isa sa mga prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan ang pagkalahatang pakikinabang sa mga bagay sa mundo at pribadong pagmamay-ari—universal purpose of earthly goods and private property. Sa madaling salita, ang yaman ng mundo—mula sa lupa, dagat, at hangin—ay dapat pinagsasaluhan at pinakikinabangan ng lahat. Sa kaso ng Manila Bay, tungkulin ng lahat—kahit ng mga maralita—na panatilihing malinis ito, ngunit hindi dapat hayaang mapunta sa kamay ng iilan ang Manila Bay upang sila lamang ang makinabang sa pamamagitan ng mga negosyong itatayo sa mga land reclamation.

Mga Kapanalig, talo ang taumbayan kung hindi malilinis ang Manila Bay. Talo rin tayo kung hahayaan lamang nating itapon sa malalayong lugar ang mga maralitang tagalungsod at kung mawawalan ng access sa dagat ang mga maliliit na mangingisda. Buhay nila at kinabukasan ng kanilang mga anak ang naisasakripisyo. Mas talo tayo kung interes lamang ng mga maykaya ang iiral sa pangangasiwa ng Manila Bay. Sa huli, para kanino ba ang ginagawang paglilinis ng pamahalaan ng Manila Bay?

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 43,396 total views

 43,396 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 54,471 total views

 54,471 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 60,804 total views

 60,804 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 65,418 total views

 65,418 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 66,979 total views

 66,979 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 43,397 total views

 43,397 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 54,472 total views

 54,472 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 60,805 total views

 60,805 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 65,419 total views

 65,419 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 66,980 total views

 66,980 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,932 total views

 43,932 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,593 total views

 66,593 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,169 total views

 72,169 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,650 total views

 77,650 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,763 total views

 88,763 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,762 total views

 84,762 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,464 total views

 72,464 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,946 total views

 80,946 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,005 total views

 74,005 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,929 total views

 80,929 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top