479 total views
Kakulangan sa pasilidad ang itinuturong dahilan ni incoming Diocese of Bacolod Bishop Patricio Buzon na magpapasikip sa mga silid – aralan ng mga pampublikong paaralan sa pasukan ngayong ika–13 ng Hunyo.
Ayon kay outgoing Bishop of Kabankalan, nasa 19 na Catholic parochial schools pa rin ang sumasailalim sa pagpapasa–ayos upang mapunan ng mga estudyanteng magpapasukan sa ilalim ng K-12 program.
Paliwanag pa ni Bishop Buzon, nawalan ng maraming mag-aaral ang mga Catholic private schools dahil sa ibinigay na libreng edukasyon ng mga barangay para sa mga high school students sa pampublikong paaralan na kulang pa rin ng classrooms.
Nakahanda naman aniya ang mga pribadong eskwelahan sa Kabangkalan na tanggapin pa ang ilang mga estudyante na may voucher pang-enroll na ipinamahagi ng Department of Education.
“For instance sa Kabankalan andaming, we have 19 parochial schools and they are under utilize kasi we lost so many enrollees because of the barangay free education ng high school. And we were hoping na overflows from the public schools kasi wala silang facilities to be taken in and some politics because it is connected with money so it’s very sad… especially with the voucher system that we are really ready to absord the surplus of students in the public schools and we can provide better facilities and education that is I don’t say ours is better but I think that’s fair,” bahagi ng pahayag ni Bishop Buzon sa panayam ng Veritas Patrol.
Batay naman sa DepEd, 300,000 pa lamang ang nakapag-enroll para sa senior high mula sa mahigit 1 milyong estudyante na inaasahang papasok sa Senior High School ngayong school year.