236 total views
Isusulong ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang aktibong pakikibahagi ng mga kabataan sa mga gawaing may kaugnayan sa nakatakdang May 2019 Midterm Elections.
Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, mahalagang maging bukas ang mga mata ng kabataan sa tamang proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng aktibong pakikisangkot sa halalan.
Tinukoy ng Arsobispo ang pagsusulong ng arkediyosesis sa aktibong pakikibahagi ng mga kabataan bilang volunteer sa National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na pawang nagsisilbing tagapagbantay sa proseso ng halalan sa bansa.
Iginiit ni Archbishop Ledesma na mahalaga rin matutong kumilatis ng mga kandidato ang mga kabataan upang makapaghalal ng mga karapat dapat sa posisyon.
“Sa amin dito is really to also involve the youth in electoral education sapagkat sila rin ang mga young voters and we will asked them again to join NAMFREL and PPCRV but at the same time we will also ask them to help in forming yung mga circles of discernments and also to be involve in what we call principle partisan politics it is still part of the role of the young people to know their future and to vote for the right person working for the common good…” pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam sa Radyo Veritas.
Kaugnay sa nalalapit na midterm elections, naglabas ng mga pamantayan ang Archdiocese of Cagayan de Oro na magsisilbing patnubay ng mga botante sa pagpili ng mga kandidatong dapat na ihalal sa May 13, 2019 Midterm Elections.
Ayon kay Archbishop Ledesma, tinatawag ang pamantayan na “5 C’s For Voting For People Who Work For The Common Good” na layuning magabayan ang mga botante sa pagpili ng mga karapat-dapat na opisyal para sa bayan.
5 C’S FOR VOTING FOR PEOPLE WHO WORK FOR THE COMMON GOOD
Pagbabahagi ng Arsobispo, dapat na maging mapanuri ang mga botante sa pagkilatis sa mga kandidato batay sa kanilang Conscience, Competence, Compassion, Companion at Commitment.
Ipinaliwanag ni Archbishop Ledesma na kailangang suriin ang “Conscience” ng mga kandadito lalo na ang kanilang moral na integridad sa pagsusulong ng karapatang pantao at paninindigan mula sa katiwalian na nagaganap sa pamahalaan.
Binigyang diin rin ng Arsobispo na mahalagang suriin ang “Competence” o kakayahan at kaalaman ng mga kandidato sa kanilang pagganap sa posisyon at ang kanilang pagkakaroon ng Compassion o puso para sa mga mahihirap at batayang sektor ng lipunan.
“Ang unang C is Conscience that the person has to be a person of moral integrity and defender of human right also a person that is above corruption. Our second C would be Competence whether he is capable of governing, what is education background, what is his personal situation physically and mentally also his record of service does he have a track record of serving in public office. Ang third C would be in terms of Compassion is he pro-poor, pro-minority groups, is he working for social justice to work against the inequality in our society or does he exhibit pa nga elitist leaning so this is part of being compassionate that there should be an option for the poor.” pagbabahagi ni Archbishop Ledesma.
Hinimok din ni Archbishop Ledesma ang mga botante na mahalagang kilalanin ang pagkatao ng mga kandidato at kilatisin ang mga Companion o mga taong nakapaligid sa kanilang kandidatura na may impluwensiya sa pagganap nito sa kanyang tungkulin.
Sa huli iginiit ng Arsobispo na mahalaga ang Commitment at ang prinsipyo ng mga kandidato pagdating sa pagiging makatao, maka-Diyos, makabayan at makakalikasan na lubos na kinakailangan sa pagsusulong ng kapakanan ng taumbayan.
“Ang forth C will be more in terms of Companion, who are the companions of the candidate, what is their record, their reputation, what is the political party of the candidate and what are his political alliances, also does he belong to a political dynasty both vertical or horizontal because in many ways companionship o yung mga kasama niya sa politika is also important to know. And the final C is really Commitment whether the person has principles that he is committed to makatao ba siya, maka-Diyos, makabayan, makakalikasan and also does he work on these principles, what also is his stand on key issues like environmental protection also about foreign relation so these are all part of the current issues that we have to examine the candidates for. So itong 5 C’s we call them really “5 C’s For Voting For People Who Work For The Common Good” and we hope that this can also be shared with many other groups.” paglilinaw ni Archbishop Ledesma.
Sa pamamagitan ang naturang mga pamantayan, umaasa si Archbishop Ledesma na maging epektibo itong patnubay sa mga botante sa pagpili at paghalal ng mga karapat-dapat na opisyal ng bayan.
Batay sa tala, may mahigit sa 1.4-na milyon ang bilang ng mga mananampalatayang Katoliko sa Archdiocese of Cagayan de Oro na pawang tinatawagan upang manindigan sa katotohanan at maging katuwang sa misyon ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.