218 total views
Nanawagan ang grupong Global Catholic Climate Movement sa mga mananampalataya na alalahanin ang katolikong tradisyon na hindi pagkain ng karne tuwing panahon ng kwaresma.
Ayon sa grupo, maliban sa espirituwal na kadahilanan, mahalagang malaman din ng mga katoliko ang mabuting epekto sa kalikasan ng hindi pagkain ng karne.
Sa pag-aaral na isinagawa ng grupo, lumabas na ang livestock at meat production ay isa sa mga nangungunang pinagmumulan ng greenhouse gas emmissions.
“This Lent, we invite you to go beyond fasting from meat on Fridays. Add one more day of plant-based meals to your table or strive to eat plant-based meals throughout the Lenten season. Together, our acts of solidarity add up to better protection for our vulnerable brothers and sisters.” bahagi ng pahayag ng GCCM.
Ang poultry farming o produksyon ng mga manok ay mayroong katumbas na 0.55 pound ng Carbon dioxide, habang ang produksyon ng mga baboy ay may katumbas na 1.90 pounds ng Carbon dioxide at ang produksyon ng mga baka ay umaabot naman sa 7.40 pounds ng CO2 na katumbas ng 9.81 miles ng isang sasakyan.
Dahil dito, umaapela ang grupo sa mga mananampalataya na sanayin ang sarili sa plant-based meals at gawing madalang na lamang ang pagkain ng karne.
Una na ring naglunsad ng adbokasiya sa plant based diet at no meat friday campaign ang Radyo Veritas, sa pangunguna ni Rev. Fr. Anton Pacual, Pangulo ng Radyo Veritas at Executive Director ng Caritas Manila, upang mapabuti din ang kalusugan ng bawat isa.